Hana's POV
Problema neto ni Hajime? Gusto daw ako makausap, e parang hindi kami nag-uusap lagi.
"Bakit? Anong pag uusapan natin?"
"Ano kasi... ano.. uh.. kaseee.." -Hajime
"Alam mo, puro ka kase, puro ka ano, puro ka uh. Anong maiintindihan ko dun? I straight to rhe point mo na kasi"
"@#$%# kita" -Hajime
"Ha?" -Ako
Ang naintindihan ko lang kasi ay yung kita. Malay mo yung sinabi niya pala hindi maganda diba?! pero hindi naman siguro.
"Wala. Nevermind. Ang bingi mo." -Hajime
Tapos nag walk out. Abaaa, walk out king ang loko. Hindi ko nga kasee naintindihan yung sinabi niya! Nag de daydream kasi ako kanina pa lol. Nag stay muna ako sa garden ng bahay nila kuya na to, nagmumuni muni lang. Iniisip kung kailan ba talaga to matatapos. Nilapitan ako ni kuya..
"O, kuya." -Ako
"Wala kang naaalala baby girl?" -Kuya Nathan
"Ha? Bakit?"
Binatukan niya ako. At medyo malakas ito.
"Araaay! Bat mo naman ako binatukan kuya?!"
"Baliw ka kasi, birthday mo kaya!" -Kuya Nathan
"Ha? Birthday ko na?! Ibig sabihin January 16 na ngayon?!"
"Ay hindi, baka December 32." -Kuya Nathan
Grabe, hindi ko alam birthday ko na pala. Tengneng apocalypse yan oh. Hindi tuloy ramdam ang birthday ko.
"Happy birthday baby girl kong bunsoooo!" -Kuya Nathan
Tapos niyakap ako ni kuya, niyakap ko din sya. Namiss ko kasi siya eh. T_T
"Nga pala baby girl, aalis na tayo bukas dito. Hindi tayo magtatagal, ayon kasi sa balita, they're gonna kill every single people in this place. They will show no mercy. Even though we're not infected or should I say, we're still humans, they're gonna kill us al. That's why me and Zeke find you because I know you're still alive. Pero hindi ko inakalang kasama mo yung kapatid niya. And that's a good thing naman." -Kuya Nathan
"Pakshet ka naman kuya eh! Wag mo na akong english-shin! Malapit nang dumugo ilong ko eh."
"Ssh, stop cursing." -Kuya Nathan.
"Hehe sorry po! (*u*) *pacute mode activated*"
"Sige, maiwan na kita. Nga pala, mukhang nagkakamabutihan kayo ng kapatid ni Zeke ah? Good for you baby girl." -Kuya Nathan
Anak ng tipaklong! Binubugaw niya akoo! Joke. Pati ba naman si kuya makiki-asar. Nevermind. Bumalik na ako sa loob para kumain tapos biglang..
"Happy birthday!" -Sila
Anak ng cheescake si kuya. Naghanda! Ang sasarap ng pagkain! Att masarap pa man din syang maglutooo \ (*O*) /
Ngayon na lang ulit ako makakakain ng mga ganitong klase ng pagkain simula nung nagka apocalypse."Alam kong gutom na kayo eh. Lalo na yang baboy na yan oh." -Sabay turo sakin ni Kuya.
"Wow ha?! Nagsalita ang sexy nga wala naman abs!"
"Anong wala?" -Kuya
Tapos aktong itatas niya yung shirt niya..
"Kuya! My virgin eyes!" -Ako
Binatukan niya nanaman ako.
"Joke lang! Para kang baliw. Hahahahaha! Virgin eyes ka pa dyan e." -Kuya
Magkapatid nga kami, parehas baliw. Natapos ang birthday ko ng puro kwentuhan at foodtripan. Ang sarap talaga mag luto ni kuyaaaa. Nauna akong magpahinga sa kanila, pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako kaya nauna akong matulog. Tapos narinig ko may pumasok sa kwarto namin, umupo sa tabi ko.. Kunwari tulog pa din ako.
"Haaaay. Ang bingi mo talaga kahit kailan. Kainis kang babae ka. Ihahanap kita cotton buds tapos mag linis ka ng tenga."
Ha? Si Hajime ba to?
"Hindi mo ba talaga naintindihan yung sinabi ko kanina?"
Hajime nga.
"Alam mo, ang cute mo pag nagagalit ka. Kaya lagi kitang inaasar. Kahit naiinis ka na sakin, inaasar pa din kita."
Ano ba tong mga sinasabi niya sa akin?
"Matagal ko nang kakilala kuya mo. Madalas kasi siyang kasama ni kuya. Tapos hindi ko expected na makikilala ko kapatid ni Nathan sa ganitong sitwasyon. Haha. Para na pala akong baliw dito, kung ano ano kinekwento ko sa taong tulog. Sige lang Hana, matulog ka nang mahimbing. Good night."
Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko bago siya umalis. At dahil sa mga sinabi niya, hindi ako nakatulog buong gabi. Napapaisip kasi ako eh. Bakit niya sinasabi yung mga ganun sakin?