WAAAHHH!! Ang boring nitong Prom na to. Lahat sila nasa gitna, sumasayaw. Yung iba naman, nasa photobooth. Picturan lang.
Pshh. Di talaga dapat ako pupunta dito e, kaso compulsary kaya um-attend ka man o hindi, magbabayad ka. Sayang naman yung ibabayad ko no!
Isa pang dahilan ay dahil nandito yung ex ko. Ewan ko ba!! 2 months na din ang nakalipas. 2 months lang.
Second year ako nung naging kami, Third year siya. Almost perfect na nga kami.
Kahit yung mga teacher, kinikilig samin. Nae-express kasi namin mabuti yung affection namin sa isa't isa.
Pero hindi naman in a way na PDA, ayaw ko ng ganun. Minsan nga pag nasa school, nginingitian ko lang siya. Yun naman ang narealize ko na mali ko.
8 months din kami. Masyadong mabilis yung nangyari. Bigla kaming nagbreak out of nowhere.
Nagkaron siya ng mga Ka-MU. Oo, 'mga'. Ako naman, isa lang.
After 6 months, 3rd year na ko, nagkaron ulit kami ng communication, nagkakatext, chat at usap na.
Hanggang sa dumating yung time na maging mag-MU ulit kami.
Kaso ang awkward lang dahil secret yung relationship namin. Patago kaming lumalabas, nag-uusap at kung anu ano pa. Nahirapan ako. Sobra...
Lalo na nung malaman ko na,
"Uy, si Fiona ba ka-MU ni Arone?" tanong ni Kaye, kaklase ko.
Syempre, hindi ko masabing ako yung ka-MU, dahil nga secret lang kami.
Di ko alam kung ano pumasok sa isip niya at kailangan pa naming isikreto, naging kami naman na dati e. At mas lalong di ko din alam kung anong pumasok sa isip ko at pumayag ako dun.
"Eh ewan ko, baka. Di naman na kami nagkakausap ni Arone e. Hayaan mo na siya."
kahit ang hirap sabihin nun.
"Oy panget! Sayaw tayo."
Napaangat yung ulo ko dun sa nag-aaya sakin.
Si Christopher lang pala. Common friend namin ni Arone and isang senior.
"Ang ganda ko nga ngayon e!" Tapos tumayo na ko at inabot yung kamay niya.
"Pwede na, kumpara sa panget mong itsura pag normal days, hmm, slight nalang." natawa naman ako dun. Alam ko namang hindi totoo yun at mapang-asar lang to.
silence.
Sigh. Napabuntong hininga ko. Sa lahat kasi, siya yung nakakaalam ng lahat, lahat ng nararamdaman ko. Ng nararamdaman namin. Chismoso kasi to e. hahaha.
"Bakit? Uy nga pala, nasayaw mo na ba si Arone?" inangat ko yung ulo ko sakanya kasi medyo matangkad siya, ngumiti siya.
tumungo ulit ako at umiling. Ayaw ko.
"Gusto mo dalin kita sakanya? Teka asan ba--"
"NO! AYOKO NGA!" Pasigaw na yun pero di naman masyadong rinig dahil malakas yung sounds kahit slow yung kanta.
"Bakit naman!?"
hindi ko namamalayan na naglalakad na kami palapit ka Arone, nakikita ko na siya.
"Please, wag. Ayoko. Naman e!"
Tumulo na yung luha ko. Alam ko kasi na pag isinayaw niya ko, aasa nanaman ako. Kahit wala siyang sinaaabi o ginagawa, automatic na aasa akong babalik siya.
Napag-desisyunan kasi namin na sa graduation nalang magiging kami. Pero habang papalapit na yung graduation,
decemeber nun, wala na siyang time sakin, sa text na nga lang kami nakakapag-usap, hindi pa siya nagtetext.
"Mahal mo pa ba ko? Kausapin mo ko mamayang lunch kung gusto mo nang tapusin to, papakawalan na kita."
Nalaman ko kasing may gusto siya sa kaklase niya. Tapos ang alam ng lahat, nililigawan niya to. Haist
nung kelan nga, hinarana pa daw niya e. Tapos lagi silang magkatabi sa klase, ang sweet sweet daw. -.-"
"No, hindi. Gusto ko pa. Kaya pa natin to." reply niya.
"Ok. pasok na ko :) ingat"
buong araw nun, hindi nga niya ko kinausap.
tapos pag-uwi ko, nagtext siya.
"itigil na natin to. Wag mo na pala kong hintayin. bye." so that's it?? Yun na yun!?
ANG LABO NIYA!!
Christmas, new year, valentines at hanggang ngayon, promenade, umaasa padin ako na magkakabalikan kami.
Pero mukhang masaya na siya at ng future girlfriend niya.
Iikot na ko ni Christopher, which means, tapos na kami sumayaw and iba na ang partner namin, ako umiiyak pa din ako, uupo na ko pagtapos nito.
Nagulat ako nung may ibang humawak sa kamay ko.
Si Arone.
Isinayaw niya ko.
Matagal din kaming tahimik. Tumigil yung luha ko dahil na-shock ako. Pero di ko padin pinupunasan yung luha ko kasi hawak niya yung kamay ko.
"namiss mo ba ko?"
nagumpisa nang tumulo ulit yung luha ko. Yung make up ko sirang sira na.
'oo sobra.'
Tumawa ko tapos umiling. Ayoko nang malaman pa niya na umaasa padin ako.
"Ganun? Ako kasi namiss kita." Ugh kainis!! Ayan, dyan ako umaasa e.
Namiss niya ko pero ang saya niya pag kasama niya si Mae, ni hindi nga siya nagpaparamdam sakin.
Kapag tinetext ko siya, one word lang ang reply niya tapos umiiwas pa siya pag nagtatanong or nagsasabi ako ng tungkol sa past namin, at sa kung ano na ang lagay nila ni Mae.
itinaas niya yung mukha ko. Tapos iniwas ko din kagad.
"O bakit ka umiiyak?" worried niyang tanong.
"Wala, kanina pa to e. Si Christopher kasi e." which is partly true. Kasi siya naman talaga.
"Bakit anong ginawa niya?"
'Wala, inilapit niya lang naman ako sayo na naging dahilan ng conversation na to! bwisit.'
"Wala, inaya pa kasi kong sumayaw e ang sakit na nga ng paa ko." which is partly true again. masakit nga yung paa ko dahil sa heels pero hindi naman yun nakakaiyak.
"Psh. Ikaw talaga." tinaas niya yung mukha ko at pinunasan yung luha ko.
please tama na. Umaasa ko e. Ang sakit kaya. Hayy.
Niyakap niya ko, pero nag-ssway padin kami.
I hugged him back. Namiss ko siya. Sobraa.
"I'm sorry." sabi niya.
tinignan ko siya, tapos nagsmile ako.
Eto na, eto na ang pinaka-hihintay ko. Di na din pala masama tong prom. :) May maganda din palang mangyayare. Sobrang saya!!
nilagay niya sa dibdib niya yung ulo ko at pinaglalaruan yung buhok ko.
"I'm sorry pero sana maka-move on ka na." kumalas siya sa yakap at pinunasan ulit yung luha ko.
"Bye."
Or maybe, not.
--
"Paalam sa 'ting huling sayaw
May dulo pala ang langit."