Yung crush ko..........(one shot)

44 1 0
                                    

panu pag may crush ka tapos ang hirap nyang abutin?

kung baga langit siya lupa ka?

bakit?

basahin nyo nalang...

.................................................................................................................................

kaklase ko lang siya sa isang subject, business add kasi ako tapos siya information technology wala na kasi akong slot kaya napunta kong department nya, pero isang subject lang naman.

Itong crush kong to? hayyyyy isang ngiti nya lang masaya kana

nung nginitian nya ko? nahawa ata ako, pati ako di ko na maalis ngiti ko, mukha na kong tanga na nakangiti habang naglalakad. Pinag titinginan na ko ng mga tao pero wala akong paki alam, kaw ba naman ngitian ng crush mo ewan ko nalang  mangyari sayo

itong crush kong to? ang talino grabe

siya lang ata ang kilala kong dean's lister na walang karga ang bag kundi ballpen at notebook lang , talino diba? 

itong crush kong to? ang bait grabe

lahat ata pinapakopya nya, tinuturuan nya sa assignment, masiyado siyang helpful kung baga tatawid ka nalang sa kalsada kailangan ka pang tulungan

itong crush kong to? habulin ng babae

habulin siya, kaya ito hindi ako makasingit. Matalino na nga, mabait pa at syempre gwapo pa san kapa? Humble siya kasi hindi siya nag mamayabang sa kagwapuhan nya

itong crush kong to? sikat eh

sikat siya, kasi marunong siyang mag gitara at maganda pa ang boses, trolol diba ang babae madaling mainlove sa mga ganyan? pag kumakanta siya feeling ko ako ung hinaharana nya. Isama nyo pa isa siyang model pero hindi yung model na showbiz yung model na mag susuot ng damit o yung pag may photoshot ganun, pero pandagdag kasikatan at asset nya yun

itong crush kong to? mayaman

yung cp nya kasi dalawa isang iphone at isang samsung, ang alam ko nga may DSLR pa siya. Inggit nga ako, grabi tong lalaking to

itong crush kong to? asa sakanya na lahat eh pero may kulang

WALA SIYANG GIRLFRIEND!!!!!  hahahaha sana ako nalang yun 

pero asa pa ko, snob din naman kasi siya eh, simula nung maging classmate ko siya di pa nya ko kinaka usap. Patapos na ang finals. ni HI ni HO wala pa, saklap nga eh

kaya ako ito pasulyap sulyap nalang. Last day na namin to sa subject na to

"Ms. Madrid pwede bang puntahan mo si Ma'am Manzon paki hiram yung laptop nya, kaw kasi paborito nun eh" professor ko

"cge po ma'am"

Lumabas na ko, tapos nakita ko si Crush papasok na sa classroom, lahat ng nakakasabayan nya kina kamusta nya pero ako, hindi. Bat ganun?

kaya habang naglalakad ako  sa subrang inis ko sakanya

"hmf snob" ako

bigla siyang tumigil, siguro nabigla siya sa sinabi ko ako naman sa sobrang hiya ko, binilisan ko yung lakad ko. Shonga shonga ko bat ko yun nasabi ito ngang di na ko napapansin puro ngiti lang yung narereceive ko sakanya, hay wala na kong pag asa wala na kong smile na marereceive. 

ang lungkot ko, pag katapos kong kunin yung laptop dumiretso na agad ako sa classroom tapos umupo na ko. Feeling ko pinag sakluban ako ng langit at lupa,,,ang saklap ng mumunti kong buhay

Yung crush ko..........(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon