Foreign?

12 1 0
                                    

(Francis POV)

Last day na nang July. Sa loob nang isa't kalahating buwan ng pasukan, marami na rin ang nangyari. Lalo na sa mga bestfriend ko. Si Lei, nagpauto na kay Joey.. Bale two weeks na silang mag-on. Si Cathy naman, ayun! Gyera na naman sila ng sweet Kenneth nya. Sa iba kong mga classmate, ewan ko lang.

Andito pala kami sa may garden ngayon. Nagbubunot ng damo? Nope. Tumatambay lang po. Si Cathy kasi naglalabas nang sana ng loob. Hehe.. Pustahan, sa makalawa magkakabalikan na naman sila. Hay mga baliw.. Ako naman.. Okey lang, tatapusin ko na ang storyang to. Pero joke lang.

Syempre, ako naman dahil mabait na bata,study muna. Boring ba ang life ko? Oo, dati ganun.. pero hindi na ngayon.

Sa school, kapag Math time na, magtatabi na naman kami ni Roewell. Kapag hindi ko maintindihan, ine-explain niya sakin. Si Roewell napakapatient magturo sakin. Si Roewell na laging pinapatawa ako, pinapalakas ang loob ko kapag hindi ko kaya ang isang task. Si Roewell.. parang...

"Oii teh.. daydream na naman? Napapadalas ata."

"Oii.. eto naman.. parang natulala lang saglit."

"Anong natulala lang saglit? Eh kulang na nga lang magkorteng puso na yang mata mo.."

"Nako Lei ha.. Kung anu-ano na naman naiisip mo."

"Ahaha.. Mabuti nga ako, anu-ano lang iniisip ko.. eh ikaw? Sino?"

"hahaha.. oo nga Frans. Matanong ko nga.. may picture na ba kayo together?"

"Huh?"

"Hay nako... Slow.. Tanong niya kung nadevelop ka na ba daw kay Roewell?"

"Oh? Bakit napunta nag usapan natin sa kanya?"

"Kaysa isipin mo lang siya diba? Umamin ka na nga!"

"May gusto ka na kay Roewell no?"

"Hindi ah!"

"Defensive mo best!'

"Eh di naman eh.."

"Ikaw rin. Pag di ka umamin nyan, isang araw maha-heart broken ka na sa kanya nang palihim.."

"Ay..ay.. maglilihim ka na ba samin best?"

"Oo nga.. nakakatampo ha.." eh? May radar ba tong dalawang to? O sadyang obvious na nga? Kinokonsensya pa ako!

"Aaa! Sige na nga! Aamin na ako.. Oo,crush ko siya. Ano naman masama-"

"Yes!"

"Anong yes!"

"You've finally move on kay Oliver! I'm so happy!"

"Teka nga! Matagal na akong move on dun no!"

"Weh.. Di nga!"

"Kelangan paulit-ulit?"

"Ehem.. Paano kung ligawan ka ni Roewell? Sasa-"

"Oo naman Cath! Sasagutin niya yung tao. Gusto niya nga diba?'

"Eh kung sasa-pakin kita sa mukha? Wag mo ngang uunahan!"

"Sorry.. Excited much! Hehe.."

"So girl? What is it going to be?"

".. I..I don't know.. I don't want to talk about it.."


Pauwi na ako ng bahay at kasama ko ang isang sa mga kaibigan ko.

"Frans.. may crush ka na naman daw sa classroom niyo?"

"Huh? Paano mo nalaman? Sinong may sabi?"

I am the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon