Officially

11 1 0
                                    

August 2

Maaga ang uwian namin kasi magkakaroon nang meeting ang mga teachers. Kaso kailangan ko pang magpaiwan. May inasikaso pa kasi kami dito sa classroom. Mayamaya pinayagan na kaming umuwi. Konti nalang naman ang aayusin. Pwedeng ipagpabukas nalang.

"Francis! Mauna na kami sayo ha. Muka atang masama ang panahon."

"Hala sige... Susunod narin ako. Wala pa naman akong payong."

Kalalabas ko lang ng classroom nang biglang bumuhos ang ulan. Tatakbo sana ako sa waiting shed pero naisip ko malayo pa ako. Since mababasa na din lang naman ako, maliligo nalang ako sa ulan. Mabuti nalang at iniwan ko ang mga gamit ko sa room. Wala naman kasing homework. Hehehe.

Matagal-tagal na rin akong hindi nakaligo sa ulan. Nalimutan ko na masaya pa rin pala kahit hindi na ako bata. Bigla akong napatingin sa langit. Eh bat tumigil ang ulan sa ulo ko?

"Alam mo, para kang bata. Maligo ba daw sa ulan? Grabe tong trip mo huh..." Sabi pa nung jacket. Opps! Wag kayong matakot. Hindi pala yung jacket ang nagsalita.

"Roewell?..."'

"Hi!"

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba umuwi ka na? Bakit ka rin ba nagpaulan? Magkakasakit ka nyan eh!" Sunod-sunod ang mga tanong ko.

"Wow Miss Francis Riomeda! Ako lang ba ang pwedeng magkasakit ha? Ha? Ikaw talaga! Halika nga! Doon tayo." Hinatak niya ko papuntang waiting shed. Pagkarating naming doon, wala namang umumik. Parehas kami na hindi alam ang sasabihin. Nakatingin lang kami sa field.

The rain continue to pour as my heart start pounding. And with that, I realize that he is still holding my hand.

"Francis...."

"H-huh?"

"Bakit ang lamig nang kamay mo?"

Nabigla ako sa sinabi niya. Nakakahiya! Tatanggalin ko na sana ang kamay ko na hinahawakan niya pero hinigpitan niya pa ang pagkakahawak dito. Napatingin ako sa kanya.

Roewell's POV

"Francis...."

"Huh?"

"Bakit ang lamig nang kamay mo?"

Bibitaw na sana siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Agad ko naman itong hinigpitan.

"Wag..." napatingin siya sakin. "Wag kang bumitaw... please..." Kani-kanina lang ay natakot ako na baka umalis siya sa pagkakahawak ko. Tumibay ang loob ko nang binigyan niya ako nang isang ngiti. At doon nga ay hinayaan niya na akong hawakan ang kamay niya.

"Bakit ba gusting-gusto mo ang ulan kung sakit lang naman ang makukuha mo dun?" mayamaya ay sabi ko. Alam niya na siguro ang ibig kong sabihin sa tanong ko. Matagal siyang hindi nakasagot pero hindi dahil sa pinag-iisipan niya iyon. Napapansin ko pa nga na nakangiti siya.

"Ang ulan, minsan dumarating., minsan hindi. Kahit gaano ka aliwalas ang panahon, pwedeng umulan. Diba parang love? Hindi natin mape-predict kung kailan dadating. Kailangan handa tayo." Sabi niya habang nakatingin sa langit. Pinamasdan ko lang siya. Hinayaan ko siyang magsalita.

"... Kapag magmamahal ka, kailangan handa kang masaktan. Hindi naman kasi puro happiness ang dulot nang love..."Sabi niya habang nakatingin na sakin.

"Pero kung magbibigay ka nang trust sa taong mamahalin mo, maiiwasan mo ang sakit na idudulot nang love?"

"Oo naman. Pero hindi lang trust ang kailangan mong ibigay. Sa love, kailangan mo ding magsacrifice."

"Ang complicated ng love."

I am the RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon