*3*
“Hay naku, bakit ka ba pumayag na sumama tayo dun sa mga mokong na yun? Ano bang kasalanan ko sayo Rosie?”, tanong niya sa kaibigan habang nagbibihis.
Inimbitahan sila ng mga magulang ni Paeng na magpunta sa Honda Bay sa buong maghapon. Akala niya ay okay na ang buong linggo niya. Kaya lang pagdating ngayong sabado, eksaktong isang linggo mula nang dumating sila sa Palawan ay inimbitahan naman sila ng mga magulang ni Paeng.
Mababait ang mga magulang nito at gusto niya ding sumama. Ang kaso nga lang ay hindi niya feel na makabanggaan nanaman si Paeng. Nauubusan na siya ng pasensiya dito, sapagkat wala na itong ginawa kung hindi ang pikunin siya. Narinig pa niyang sabi nito sa mga kaibigan nito na tutal naman daw ay walang chick sa beach, siya na lang daw ang kukulitin nito. Natutuwa naman daw siyang makipagkulitan sa biik. First time experience daw niya yun. Hindi niya alam kung talagang ipinadidinig nito ang mga sinsabi sa kanya para lalo siyang mabuwisit.
Kaya ngayon paalis sila papuntang Honda Bay ay parang gusto niyang magpaiwan na lang. Lalo pa nga at mag-swiswimming sila doon. Ang sagwa naman kung naka shorts at tshirt siya. Baka lalo siyang asarin nito. Baka sabihin naman ay manang siya. Kung mag-ba-bathing suit naman siya, baka naman sabihin nito sa kanya ay mukha siyang longganisang puputok. Kaya hindi niya tuloy alam ang gagawin.
“Pagbigyan mo na ko TinTin. Gusto ko talaga makasama si Jake. Alam mo ba na kinuha na niya ang address ko. Sabi niya, pagdating daw sa Manila, invite niya ako for a movie date.”
“Ahh… siya pala yung palagi mong katext ha. Bakit hindi ka nagkukwento sakin?”
“Eh kasi naman, puro na lang inis ang nakikita kong emosyon sayo. Parang araw araw na lang ay galit ka sa mundo.”, sisi naman nito sa kanya.
“Papano ba namang hindi? Pag nasa balcony tayo ng kuwarto natin, nakikita ko enjoy na enjoy yung mokong na yun habang nag swiswimming, samantalang ako, one week na dito sa Palawan, hindi pa din ako makaswimming. Samantalang nasa harap ko lang ang beach.”, ngitngit naman niya sa kaibigan.
“Eh bakit nga ba hindi ka mag-swimming?”, tanong naman ni Rosie sa kanya.
“Papaano? Eh sigurado ako na uulanin nanaman ako sa alaska ng kaibigan ng boylet mo. Buti na nga lang mabait si Paul eh. Atleast may matino akong kausap. Eh ang problema nga lang di naman ako type nun. Laging may katext eh. Narinig ko pa, iba ibang babae yung kinukwento niya kina Jake at Paeng. Mukhang babaero ang isang iyon.”, kuwento niya sa kaibigan.
Tahimik naman si Rosie. Mukhang naawa naman para sa kanya ang kaibigan.
“Sige Tin, huwag na lang tayo sumama. Mag-bonding na lang tayo dito.”, parang naguilty na sabi ni Rosie.
“Rosie, ano ka ba… okay lang kahit sumama tayo. I will do this for you chaka gusto ko din naman mag swimming. Bahala na kung paano ko tatakpan ang tenga ko.”
“Aww… shocks. Thanks Tin ha. Youre the best. Di bale, dun ka na lang mag swimming sa part na malayo kay Paeng.”, akbay sa kanya ng friend habang papalabas sila sa balcony ng kuwarto nila.
“Wait Rosie.”, biglang tingin ni TinTin na kumalas sa akbay ng kaibigan.
Nagtatanong naman ang mga mata ni Rosie na nakatitig sa kaibigan. Hinihintay kung ano ang karugtong ng sasabihin niya dito.
“Meron akong suggestion… Diba gusto mong makasama si Paul?”, tanong niya.
“Oo naman. Sobrang crush na crush ko talaga siya Tin. Kapag nakasama ako sa kanila today, malay mo may magandang mangyari?”, kilig na kilig na sagot nito sa ini-imagine.
“I understand. Pero, diba, alam mo naman na gusto kong magswimming nang wala yung unggoy diba?”, tanong niya dito na ang tinutukoy ay si Paeng.
BINABASA MO ANG
Meant to Be
RomanceFILIPINO. A story on two teenagers, Tin Tin and Paeng, taking off at the wrong foot, and reunited after a few years. Rafael (Paeng's real name) realizes what a jerk he has been, but still continues on becoming one by not letting Cris (Tin Tin's sho...