"Andaya mo, Liam!" Nakasimangot na sabi ni Bela sa pamangkin.
Napakamot sa ulo si Liam dahil sa sinabi ng kaniyang tita Bela.
"Hindi pa ko nakakabawi sa bunso ko, kukunin mo pa." Dugtong ni Bela.
"Tita, sorry na po." Malambing na sabi ni Liam at niyakap ang ginang.
"Nangako po kasi ako kay Blythe na isasama ko siya kapag pupunta po akong beach. . ." Paliwanag ni Liam.
Lumayo si Bela sa pamangkin at hinarap ng maayos si Liam.
"Ano ba ang meron doon at gustong-gusto niyang pumunta? Kinukulit niya kasi kami kagabi." Nagtatakang sabi ni Bela.
"Tita, yung mismong dagat ang gustong makita ni Blythe. Kahit saan pa 'yan, basta may dagat ay gusto niyang puntahan." Sagot ni Liam.
"Gano'n ba?" Malungkot na sabi ni Bela na napansin naman ni Liam kaya napatingin ito kay Theo na nasa gilid na may kalayuan sa kanila at nanonood.
Nalungkot si Bela dahil andami niya pa talagang hindi alam sa mga anak lalo na sa bunso lalo na't wala sila sa tabi nito nung lumalaki ang dalaga.
Napatingin si Bela kay Liam ng maramdaman nitong hinawakan siya sa magkabilang balikat.
"Pwede niyo ulit siyang dalhin sa beach pagkabalik namin. . ." Nakangiting sabi ni Liam.
"Paniguradong matutuwa 'yon."
"Sa tingin mo?" Umaasang tanong ng ginang.
"Yes, Ma. . ." Sagot ni Theo sa ina kaya napalingon si Bela sa gawi nito. Lumakad naman ito papalapit sa ina.
"Matutuwa si Blythe kung dadalhin natin siya sa beach dahil iyon ang paborito niyang lugar." Dugtong ni Theo.
"Paano ba niya nakahiligan ang dagat?" Interesadong tanong ng ginang sa dalawang binatang kaharap niya."Lolo always brings us to their beach house every summer. It also became our. . . family. . . bonding." Napaiwas si Theo sa sinabi dahil napansin niya na lumungkot ang itsura nito.
"Uhm. . . hanggang sa nakasanayan at napansin po namin lagi na excited si Blythe noon na pumunta lagi doon at siya po mismo nagsabi sa amin na gusto niya ang beach," Sabi ni Liam dahil hindi na nadugtungan pa ang sasabihin ng pinsan.
"Akala nga po namin ay yung sa beach house lang ang magugustuhan niya pero nagulat na lang kami na pati yung mga dagat sa ibang lugar ay nagustuhan niya. Doon namin na laman na yung dagat ang gusto niya hindi yung mismong lugar." Dugtong ni Liam.
"Gano'n ba? Mukhang katulad din siya ng kaniyang lola." Ani Bela.
"Ayon nga rin po ang napansin namin." Sagot ni Liam na sinang-ayunan din ni Theo.
Napalingon silang tatlo ng makarinig ng ingay sa hagdan at nakita nila si Blythe at Prama na bumababa ng hagdan dala ang gamit ni Blythe kaya agad na lumapit ang dalawang binata at tinulungan ang dalawa.
"Ilagay lang namin 'to sa kotse." Paalam ni Liam na ikinatango nilang tatlo.
Sinundan pa nila ng tingin ang dalawang lalaking lumalabas ng bahay at nang mawala na ang mga ito sa paningin nila ay hinarap ni Blythe ang ina.
"Uhm. . ." Tumikhim si Blythe.
Hanggang ngayong pa rin ay nakakaramdam ang dalaga ng ilang sa mga magulang na naiintindihan naman nina Bela at Hadeon dahil nito lang sila nagpakita sa anak pagkatapos ng ilang taon na nasa ibang bansa sila.
"Aalis na po kami. Pakisabi na lang po kay. . . Papa." Naiilang na sabi ni Blythe sa ina.
Lihim na bumuntong hininga si Bela at nginitian ang bunsong anak.
YOU ARE READING
Uncontrollable: The Hidden One
AcciónUncontrollable #1 We need to deceive other people to live, to survive. We need to be safe. . . she needs to be safe. We cannot fall into the hands of the wicked. They will use us. . . her. I need to hide her. But how long? How long can I hide her f...