Chapter 30

1 0 0
                                    

Inaayusan ni Maeko si Astra para sa gaganaping event mamayang gabi. Ang gown ni Astra ay gold na may silver design. May strap ito na mga 1 inch ang kapal at may slit ito sa bandang dibdib kaya kita ang cleavage niya pero may skin tone fabric naman ito. May design ito na feather na kulay silver pero nakikita pa rin ang gold, umaabot hanggang sa may bandang hita niya ang feather design nito at the rest ay see through na pero sa laylayan ng dress ay merong feather design at ang dulo nito ay nakatutok paatas, kabaliktaran ng design sa may dibdib hanggang hita niya kaya lumalabas ay parang nakaturo ito sa isa't isa. Sa loob naman ng gown niya ay para siyang may one piece swimsuit na kulay silver kaya di gaanong mahahalata dahil din natatakpan ito ng feather design. May belt din siya dahil may palda pa siya na natatakpan ang gilid ng hita niya at ang likuran niya. Gold at silver glitters ang design nito. Pwede itong tanggalin o hindi isuot pero pinili ni Astra na isama na ito sa susuotin para takpan ang daggers at baril niya na nakakabit sa hita niya. Hindi ito mapapansin ng mga tao since nakaharap ang mga sandata sa likuran ng hita ni Astra at may takip siyang palda na sumasayad hanggang sahig. Skin tone din ang napili niyang ipagawa na lalagyan ng daggers at baril para hindi ito lalong mapansin.

Kay Maeko naman ay naka-sexy sequin long dress ito na kulay itim na may mga beads na kulay silver. See through din ang long sleeves nito na sobrang luwag sa kaniya at kita na rin ang hita ng dalaga. May deep v-neck cut ito kaya mas kita na ang cleavage nito kaysa kay Astra. Ganun din ang design ng straps na pinaglalagyan ng daggers at baril nito pati ang posisyon. Since hindi naman gaanong kita ang likuran ng hita ni Maeko. Simple lang din ang make up na gawa ni Maeko sa kanilang dalawa dahil hindi ito mga sanay, mas sanay sila na bare face lang at pagpapawisan din naman daw sila kaya mamawala rin ang mga ito.

Unang bumababa si Astra dahil mag-isa lang naman ito katulad ni Satoshi at Donovan. Si Maeko at Liam lang naman ang magpartner habang si Sancus at Duncan ang bahala sa mga cameras na nandito.

Pagkababa ni Astra ay medyo marami ng tao sa banquet hall. Nilibot niya ang paningin niya at nakita niya si Donovan sa may malapit sa stage at umiinom ng wine habang si Satoshi naman nasa may buffet area pero nagmamanman pa rin kahit kunwaring tumitingin-tingin ng pagkain. Nang may dumaang waiter ay agad na kumuha si Astra ng white wine at inililibot ang tingin na kunwaring nawiwili sa mga paintings.

Auction kasi ito ng mga art works, mamaya pa magaganap ang illegal transaction pagkatapos ng auction. Habang nililibot niya ang paningin ay nakita niya ang magbebenta ng drugs na nakatayo sa harap ng isang paintings kaya lihim na tumingin si Astra kay Donovan na nakatingin din sa kaniya at tinanguan siya kaya tinignan din niya si Satoshi na tinanguan din siya kaya binalik ni Astra ang paningin sa lalaki at marahang lumapit dito.

"Astra is nearing the target. . ." Mahinang sabi ni Satoshi sa earpiece nito na narinig naman ng anim.

"Be careful, Astra," Sabi ni Duncan.

Hindi na nakasagot ang dalaga dahil agad nakalapit na ito sa lalaki. Napansin naman ng lalaki na may tumabi sa kaniya kaya nilingon niya ito at nakita si Astra.

"You also like painting, young lady?" Tanong ng lalaki.

Parang kasing tanda lamang ito ng ama ni Astra kaya magalang na tumungo si Astra at nginitian ang kaharap.

"Not that really, Sir. But if ever I would like a painting, I might buy it." Magalang na sagot ng dalaga.

"Then, I hope that you will like something in the paintings around us," Sabi ng lalaking kaharap.

"I hope so too."

"I have to go. Enjoy the party, young lady." Nakangiting sabi ng lalaki kaya ngumiti pabalik si Astra.

"You too, Sir." Sagot pabalik ni Astra.

Dumaan sa gilid ni Astra ang lalaki kaya agad na nailagay ng lihim ni Astra ang maliit na microphoe sa laylayan ng suit nito ng walang nakakapansin. Lumakad naman si Astra sa kabilang direksyon na parang walang nangyari.

Habang nagsisimula ang program ay mga nasa posisyon pa rin sina Astra, Satoshi at Donovan. Habang si Maeko at Liam ay nasa kanilang mga lamesa at lihim na nagmamanman. Habang sina Duncan at Sancus ay nakikinig sa microphone na idinikit ni Astra sa lalaki.

"How are the drugs?" Tanong ng lalaki.

"Nailagay na namin sa yate at binabantayan na po ito ng iba, sir. Kayo at mga bibili na lamang ang hinihintay." Sagot ng isang lalaki.

"Bodyguard?" Tanong ni Duncan. Si Sancus kasi ang nakatingin sa mga CCTV habang nakikinig sila sa usapan.

Tumango na lamang si Sancus bilang sagot.

"Siguraduhin niyo lang na nasa magandang kalagayan ang mga drugs kundi maliliktikan kayo sa'kin." Pananakot ng lalaki sa mga bodyguards nito.

"Yes, sir." Sagot ulit ng bodyguard na naririnig nila.

"They're getting ready," Sabi ni Sancus kaya may pinindot si Duncan.

"Guys, standby, any minute now you will receive a signal from them," Sabi ni Duncan sa mga kasama.

Naging alerto sila Astra habang nakikinig pa rin sa program at nang mag-anunsiyong naka-open na ang buffet para kumain ay atsaka naman sila nakatanggap ng message.

From: Unknown Number

Go to the yacht with the Raven symbol.

Nakita ni Astra na umalis na si Satoshi sa pwesto nito ganoon din naman si Donovan. Nakita niya ring papaalis na sila Liam kaya agad na ring umalis si Astra sa pwesto nito at dumaan sa iba. Mas magang hindi sila sabay-sabay na dumating doon dahil magtataka ang mga makakakita kung aalis silang sabay-sabay.

Nagpalipas muna si Astra ng ilang minuto bago tuluyang pumuntang pier kung saan ang mga yate. Hindi na pinansin ni Astra ang paligid dahil alam niyang madi-distract ito dahil nasa paborito niyang siya ngayon.

Pagkarating ni Astra ay hinarang siya ng dalawang bodyguard kaya agad niyang nilabas ang ticket at inivitation na meron siya para makapasok sa loob. Binigyan siya ng daan ng dalawa at pagkatapak niya sa yate ay nakita niya ang mga taong may balak bumili ng mga drugs.

Hindi na lamang tinignan ni Astra ang mga kasama para iwas suspetya dahil nasa maliit silang lugar. Hindi pwedeng may makahalata sa kanila.

Pinapunta sila sa loob ng cabin. Halos hindi na napansin ni Astra ang disenyo sa loob dahil unang napansin niya ay ang mga tao sa loob. Puro mga kilala at malalaking tao ang bibili ng drugs na kukunin nila at madadamay ngayong gabi pero kailangan na magawa ang plano dahil may mga atraso sa batas ang mga ito.

Sampu silang bibili pero kasya pa rin silang labing dalawa sa loob ng cabin tapos merong apat na bodyguard sa labas, at ang nagmamaneho ng yate. Habang lihim na tinitignan ni Astra ang loob ay pumalakpak ang matandang lalaki na nakausap ni Astra kaya napunta sa kaniya ang atensyon.

"Let's get down to business, shall we?" Malawak ang ngiting sabi ng matanda kaya nagsitanguan ang iba.

Nananahimik lamang sa tabi si Astra at Donovan habang si Satoshi ay nagreact naman sa sinabi ng matanda, habang si Liam at Maeko ay nagkatinginan na lamang.

May kinuhang brief case ang lalaki sa ilalim ng kinauupuan nito at nilapag sa lamesa na nasa gitna. Pagbukas niya ay agad niyang iniharap sa amin ang brief case at doon namin nakita ang maliit na bottle na naglalaman ng likidong kulay asul o ang drugs na kailangan nilang kunin.

Time to do the plan. . .

Uncontrollable: The Hidden OneWhere stories live. Discover now