Warning: hindi ito yung tipong story na perfect na magugustuhan mo at maraming mga grammatical errors and if you don't want my story you are free to leave!
Simula.....
Bumungad sa akin si Mama na naglalaba kasi panay ang sermon nito sakin, gabi na raw akong umuuwi at hindi nito alam na nagpapart time job ako. Kahit hindi niya aminin sa'kin ay alam kong nahihirapan na rin siyang pag aralin ako.
Iyon ang dahilan kaya naghahanap ako nang mapapasukan habang nag aaral ako. Sa tuwing gabi kasi ay kumakanta ako sa isang bar, alas sais ang trabaho ko samantalang ang uwi ko naman ay alas dose ng madaling araw.
Kahit nakakapagod at lagi akong puyat ay hindi ko parin pinapahalata ki Mama ayoko ng dumagdag pa sa isipin niya kasi problemado na nga siya.
Ako nga pala si solace wortheimer sol for short. only child.ulila sa Ama pero meron naman akong sermonera na Mama hahaha kung ilalarawan ko naman ang sarili ko maputi,balingkinitan at brown ang aking buhok kasi ang papa ko ay foreigner namatay ito nung 7 years old pa lang ako inatake daw sa puso ang Papa ko sabi ni Mama at ngayon ay 17 years old na ako Senior high school student, graduating na ako kaya ganun nalang ang pag pursige kong maka graduate. kasalukuyan akong nagluluto ng almusal namen ni mama ng biglang may kumatok
"Ano po iyon"
"Ahh may naghahanap sa mama mo sa labas" sabi ni aling thesa
Pumunta ako ng banyo at tinawag si mama na naglalaba
"Ma! May naghahanap daw po sainyo sa labas"
"Sino daw?"
"Aba ewan ko po sainyo mas mabuti ay tignan muna lang po at maliligo na ako baka mahuli pa ako sa klase"
---------
Pumasok na ako ng banyo at naligo habang naliligo ay sinasabayan ko pa ng pag kanta, iyong kanta ni james arthur na "say you won't let go"
Pag labas ko ng banyo ay humarap na ako sa salamin ng aking kwarto at nag ayos na ako nag lagay lang ako ng polbos at liptint, sinuot kuna din yung uniporme ko
Paglabas ko ng kwarto ay may narinig akong boses ng lalake at pag tingin ko ay kausap nito si mama
"Ehem! Ahh Ma una na po ako"
"Ahh siya nga pala anak ahh si tito roel mo nobyo ko"sabi ni mama habang naka ngiti
"Ahh magandang umaga ho!"
"Goodmorning! Hatid na kita ija?"
"Hindi na ho! Salamat nalang"
Lumabas na ako ng bahay at nag abang ng masasakyan
Habang nasa biyahe ay iniisip ko yung nobyo ni mama kasi hindi naman sa nanghuhusga ako eh mukha palang parang hindi na mapagkakatiwalaan! Hindi ko alam kung anong nakita ni mama dun kay Roel kuno! Hays di bale kakausapin kuna lang si Mama mamaya
Pag baba ko ng jeep ay nasalubong ko si verlice best friend ko since junior high palang kami. Maganda si verlice medjo matalino din pero mas matalino talaga ako kaya andaming babae ang nagagalit saken bukod sa sexy at maganda ay matalino pa ako, kaya ganun nalang ang galit sa'kin ng mga kababaihan dito sa school
"Hello beshiee" bati sa akin ni Verlice
"Hi ano mamaya punta ka sa bar ha!"aya ko sakanya
"Oo na maghahanap ako ng poging majojowa dun"kinikilig niya pang sabi
---------------------
Habang naglalakad kami ni verlice ay may naririnig kaming mga bulungan ng mga studyante ang hirap talaga maging maganda Hahahaha
YOU ARE READING
The Girl With A Secret [ON-GOING]
Romancethe girl with a secret that she doesn't tell anyone To protect her mother but one day there was a boy who knew her secret and uses it to blackmail her the woman who has many secrets because she doesn't want to hurt the one she loves This is my firs...