Letters to Romeo

26 1 0
                                    

Tong kwentong to ay base sa totoong buhay. Tungkol sa akin. Ang love parang pag lalaro lang yan ng soccer eh nasayo na nga sisipain mo pa saka mo hahabulin. Ganyan ang katangahang ginawa ko sa buhay ko. Kaya ngayon ako ang naiwang nasasaktan at UMAASA.

1st year ako noon, ikaw naman 3rd year high school mag ka service tayo noon. Hindi pa tayo masyadong close noon Pero balita ko noon crush mo si Samantha, ka service din natin siya Maganda siya kaya hindi nako nag taka kung bakit nagustuhan mo siya halos lahat naman magkakagusto sa kaniya pati nga barkada mo diba. Kada uwian magkatabi kayo minsan tapos inaasar kayong dalawa syempre nakiki Sali ako.

2nd year na ako at ikaw naman 4th year na hindi na tayo mag ka service kasi yung dating service natin hindi na nag seservice ikaw lang ang nahiwalay, mag kakasama parin kami nila Sam at ng iba pa nating kasama. Close naman na tayo nakakasama ka pa nga namin minsan ni Sam pag bumibili sa labas.

Bago mag sem break. Nagka salubong tau sa hallway kasama mo nun ung kaybigan mo na ka close ko din, tapos kasama ko naman yung kaybigan ko biglang sinabi saakin ni Kuya Jeff “Sofia si Daniel oh ^___^” sabay turo sayo ako naman wala akong kaalam alam dahil sabihin na nating Manhid  ako pagdating sa ganyan. Akala ko nagbibiro lang siya kaya ang sabi ko “Adik kuya Jeff” dun na nag simula.

Sembreak na. Gabi nun ng nag katxt tau, kamustahan lang ng una ng bigla mong itanong “Paano pag niligawan kita”  akala ko nag bibiro ka lang kasi ang alam ko si  Sam ang gusto mo kaya iniba ko nalang ang topic. Sumunod na mga araw may mga natatanggap akong mga GM galling sayo. Palaging ang nasa baba ng GM mo ay “Iloveher” “I think I’m falling for her” nagpaparamdam ka sakin ng feelings mo pero iniisip ko nab aka loko loko lang yan kaya pinabayaan ko nalang.

Pasukan na ulit nagkikita  parin naman tayo pero hindi na ganun ka close umiiwas kana kasi. One time, uwian na nun nasa service lang ako mag isa ng dumating yung dalawang ka service ko at niyaya akong lumabas para bumili sumama naman ako. Nang malapit na kami sa gate bigla kitang nakita kasama mo mga barkada mo ng Makita nila ako bigla nilang sinabi na “Daniel si Sofia oh uyyy”  nang Makita ko kayo umurong ako bumalik ako sa service tinatawag pa nga ako ng mga ka service ko pero hindi na ako bumalik nahihiya kasi ako.

Minsan din noon cleaner ako sa classroom mag isa ko nalang naiwan sa classroom buti nalang dumating yung best friend kong lalake at nag pahintay ako sakaniya para may kasabay akong maglakad sa hallway nahihiya kasi akong mag lakad mag isa. Habang nag lalakad kami nag kukulitan kami. Nang nasa lobby na kami nandun ka kasama barkada mo, napansin ko na tinuro kami ng is among kaybigan at napatingin kayung lahat saamin medyo nahiya ako kaya sinabi ko sa kaybigan ko na bilisan namin.

Tuluyan ka na ngang umiwas saakin Hindi ka narin nag ttxt pero araw araw kong hinihintay mga txt mo pero wala akong napala. May mga narinig din akong balita na may gusto ka daw kay Ate Jenny classmate ng mga kaservice ko. Alam nila na may “gusto” ka saakin kaya sinabi nila saakin na may gusto ka ng iba para asarin ako. Hinayaan ko nalang pero may part saakin na nasaktan noon.

Malapit na ang JS prom niyo nag papractice kayo nun sa gym. Uwian noon ng mag yayang tumambay ang mga kaybigan ko sa Oval malapit sa gym. Nag kukwentuhan kami dun ng bigla kayong lumabas ng mga kaybigan mo nakita ako nila Kuya Jeff nun kaya inasar nanaman tayo. Natatawa nalng ako  nun sa kanila pero at the same time nahihiya din ako, ikaw naman hindi ka makatingin sa akin. JS Prom niyo na sana andun ako kaso hindi pwde kasi 2nd year palang ako.

Kinabukasan may pasok kahit puyat kayo dahil sa JS kelangan paring pumasok. Uwian nun ng nagpapahinga ako sa loob ng service ng dumating sila Ate Sarah at Ate Cess na kwento nila na sinayaw mo si Ate Jenny at binigyan mo ng roses. Sinabi ko nalang na “adik hahaha bakit niyo sinasabi saakin yan” tumawa nalang ako kahit may part saakin na nasaktan. Kinagabihan ng araw nay un ewan ko pero bigla nalang akong naiyak ng maalala ko yun.

Friday nun ng hapon naglalaro kayo ng mga barkada mo ng basketball ako naman nakasilip sa bintana ng classroom namin, sa kabilang side ng court andun sina ate jenny kasama mga classmate niya. Napunta yung bola niyo sa side nila ate jenny at ikaw ang inutusan nilang kumuha inabot naman niya sayo yun at inasar ka ng mga barkada mo. Ako nakasilip lang doon at namalayan ko nalang na nagtutubig ang mata ko. Masakit sobra nasahuli ang pag sisisi ang daming tanong nun sa isip ko. Paano pag pinayagan kitang manligaw okay kaya tayo? Close parin kaya tayo? Natakot ako, natatakot akong mag mahal, takot akong maiwan, iniisip ko na baka lokohin mo lang ako kasi wala namang ka gusto gusto saakin napaka ordinaryo kong babae hindi kapansin pansin kung ikukumpara kay  Sam at ate Jenny kaya naisip ko nab aka hindi ka seryoso.

Ang tanga ko kasi pinakawalan pa kita. 3 years na ngayun, 3 years na akong nag hihintay, umaasa sayo, 3 years na walang komunikasyon. Iniwan mo ako sa ere na andaming tanong sa isip ko, na may sakit sa puso ko. Oo naduwag ako kasi natatakot akong masaktan, natatakot akong magmahal, natatakot akong maiwan. Pero sa ginawa ko sobrang nasasaktan ako. Tama nga sila ma re realize mo lang ang worth ng isang bagay/tao pag nawala na ito. Nang mawala ka dun ko na realize na Mahal pala kita, ang tanga ko kasi huli na ang lahat sobrang sakit na abot kamay na kita tapos pinabayaan lang kitang mawala dahil sa pagiging duwag ko ako ngaun ang nasasaktan ng sobra. Siguro nga may ibang plan para satin si God, na hindi tayo para sa isa’t isa. Sana pag nagkita tayo ulit wala na tong nararamdaman ko para sayo na masasabi ko sa sarili ko na Naka move-on na nga ako sa nararamdaman ko para sayo at sa panahon din nayon Masaya na ako. Pero ngayon tandaan mo andito parin ako umaasa sayo kahit alam kong wala na talaga mag hihintay parin ako.

Hindi man ako nag karoon ng Happy Ending sa kwento natin na to sisiguraduhin ko sa susunod na chapter ng buhay ko magkakaroon na ako ng Happy Ending.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 04, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One ShotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon