--

3 0 0
                                    

Si Andy, isang high school student sa isang private school. Kilalang makulit, masayahin, palabiro ngunit matalino, mabait at  malambing na tao.

Isang araw, may bagong transferred student ang  pinagkakaguluhan ng lahat. Isang napakagandang babae kaya napapansin agad. Mukha naman daw siyang mabait at hindi suplada. Base sa mga narinig niya.

Sa kuryosidad niya, nakitingin siya. Narinig din niya agad ang pangalan ng babae.

Lyza? Pamilyar na pangalan iyon para sa kanya.

Nang makita niya ang babae, pinakatitigan niya muna ng maayos at saka nasigurong siya na nga ang kababata niya. Ang matalik niyang kaibigan. Ang babaeng matagal na niyang hinahanap at gustong makitang muli. Hindi niya makakalimutan ang maamong mukha ni Lyza kahit ilang taon na ang lumipas. Naalala niya ang pangako nilang hindi sila magkakalimutan.

Lumapit siya kay Lyza para magpapansin. Tumingin lang siya kay Andy pero hindi siya nakilala nito.

Hanggang sa hindi na siya talaga nagpakilala. Naglakad na palayo si Lyza ngunit wala siyang sinabi o binanggit man lang para malaman na siya ang bestfriend niya... noon.

Kasama ni Andy ang mga kaibigan niya nang pumasok sila sa isang subject. Wala sa isip niya na maaari niyang maging kaklase si Lyza. Hindi niya akalain na magkakasama sila sa isang section.

Nagkaroon siya ng lakas ng loob na tabihan sa upuan si Lyza. Dahil sa makulit at isa sa maingay na estudyante si Andy, sinubukan niya kausapin si Lyza.

" Uyy. Kumusta? Tagal nating hindi nagkita ahh." Pabirong sinabi ni Andy pero hindi siya pinansin ni Lyza. Para sa kanya pagkakataon na iyon para makilala siya.

Habang lumilipas ang mga araw, lagi niyang kinukulit si Lyza. Mga pabiro at kalokohan na alam niyang hindi malilimutan ni Lyza.

Binibigyan niya bulaklak kahit nasa hallway lang sila. Pinagdadala nang pagkain na nasa tray kapag nasa canteen sila. Sa pagsabay niya sa gate sa tuwing papasok at uwian, inaabangan niya si Lyza.

Ngunit kahit anong gawin ni Andy, binabalewala lang siya ni Lyza. Hindi siya pinapansin kahit hinahayaan siyang gawin ang mga bagay na iyon.

Lingid naman sa kaalaman ni Andy, tumatatak lahat kay Lyza, lahat ng ginagawa niya para dito. Sadyang hindi lang kaya ipakita ni Lyza na na-appreciate niya ang mga ginagawa ni Andy para sa kanya.

Araw ng Lunes, isang pangkaraniwang araw. Maagang pumasok si Andy at hinihintay sa gate si Lyza para sabayan pumasok sa room. Dahil sa lagi niyang ginagawa iyon, napapansin na sila ng mga kaklase nila. Tinutukso na  siya ng mga kaibigan niya na may gusto siya kay Lyza. Tanging ngiti at pagtanggi lang ginagawa niya kahit totoong may nararamdaman na siya kay Lyza. Pero wala siyang plano na manligaw o sabihin man lang.

Kinabukasan, may pinag-uusapan na naman ang mga estudyante ng school nila. May bagong transferred student ang papasok ngayon. Sa ibang section nailagay. Nag-uusap-usap sila ng tropa niya at kinukulit siyang makipagkilala mamaya para malaman ang pangalan ng babae. Siya lang daw ang may kakayahang makipagkilala dahil sa lakas ng loob at kakulitan na meron siya.

Tumanggi siya at sinabing.. "Ayoko ko nga. Kaya niyo na yan." Lumapit siya kay Lyza, humawak sa balikat nito at nagbiro. "Para kay Lyza lang ako. Di ba?"

Hindi naman inaasahan ng lahat ang naging reaksyon ni Lyza, lalo na sa kanya. Nagulat sila dahil biglang tumayo ito at sumigaw sa kanya.

"Ano ba! Nkakabastos ka na ah!"

Dali-daling lumabas si Lyza habang umiiyak. Wala na siyang ibang nagawa kundi sabihin ang salitang, "sorry". Nasundan niya lang ng tingin ang pintong nilabasan ni Lyza habang sinundan ng mga kaibigan niya. Inisip niya kung may mali ba siyang nagawa o napasobra na siya ginagawa niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 15, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sana Noon PaWhere stories live. Discover now