Pagkatapos naming kumain ng hapunan au naligo muna ako bago humiga sa aming kama. Napabuntung-hininga ako nung makita ko 'yung medyo may kalumaan na naming kisame sa kwarto ko.
Naglakbay ang utak ko sa nangyari kanina lang. Hindi pa din mawala sa'kin 'yung itsura ni Papa kanina.
Alam ko naman na isinisisi niya 'yung sarili niya kung bakit ganito ako ngayon. Hindi kasi ako nakatapos sa pag-aaral at hindi din makahanap ng maayus-ayos na trabaho na angkop sa'kin. Minsan ko na kasi silang nahuli ni Mama na nag-uusap tungkol sa bagay na iyon.
Hindi ko naman sinasabing pangit ang trabaho ko ngayon dahil marangal naman ito at siyang nakakatulong sa'min sa mga gastusin sa bahay, pero ang gusto siguro niya ay makapagtapos pa din ako at makapagtrabaho sa mga malalaking kumpanya sa Maynila.
Gusto ko din naman iyon sa totoo lang pero wala ako sa posisyon ngayon para pangarapin pa iyon.
May mga office jobs pa naman siguro akong mapapasukan dahil umabot naman ako ng second year sa kurso ko. Iyon nga lang ay mahirap hanapin ang mga ganung job vacancies kaya tinatiyaga ko ngayon ang kasalukuyang trabaho ko.
Nasanay din naman na ako dahil nababayaran ko ang mga bills namin buwan-buwan, nakakabili ng pagkain at nakakapagbigay pa ako ng para sa mga allowances ng mga kapatid ko. Kung may sobra ay iyon ang ginagamit ko para sa sarili ko.
Hindi dapat maguilty si Papa dahil hindi niya kasalanan iyong nangyari. Sisikapin ko pang maging mas masaya sa paningin nila para mabawasan ang pagka-guilty niya.
Sa ngayon kailangan ko ng bongang beauty rest dahil bukas ay panibagong pagsubok na naman. Ayokong ma-haggard ang alindog ko!
"Ate!" Malakas na sigaw ni Baste sa labas ng kwarto ko habang kumakatok din ng malakas ay sunod-sunod.
Lintik talaga sa kakulitan 'tong batang 'to!
Kinuha ko yung cellphone ko na nasa lamesang katabi ng kama ko at tinignan ang oras. Alas sais pa lang kaya hindi ko maintindihan kung bakit kakatok ang kapatid ko ng ganito.
Medyo late na din kasi akong nakatulog kagabi kakaisip kaya gustong-gusto ko pa talagang matulog. Mabubugahan ko talaga ng apoy itong batang 'to, e!
Pero baka may dahilan din 'yung batang iyon para bulabugin ako ng ganito kaaga. Bigla kong naisip 'yung mga nababalita sa TV na mga nasusunugan.
May sunog ba?
Bigla akong napabalikwas sa kama at dire-diretsong lumabas sa kwarto ko hanggang sala dahil parang may mga taong nag-uumpukan doon.
Teka, kung may sunog talaga, bakit may mga taong nag-uumpukan ngayon sa sala?
"Sensen, ano ba 'yan anak, bigla ka na lang bumangon nang 'di man lang nagsusuklay at nag-aayos," bulong sa'kin ni Mama.
Parang nahihiya pa siya sa ekspresyon ng mukha nito. May ngiwi din sa kaniyang mga labi habang sinasabihan ako.
"Sensen, anak, bumalik ka muna sa kwarto mo at ayusin mo muna ang sarili mo bago lumabas. Nandito ngayon ang taong 'to na nagpakilalang boyfriend mo daw." Madiing sabi ni Papa habang matiim din ang titig niya sa taong nasa harapan nito.
Sinundan ko ang tingin ni Papa at para akong binuhusan ng malamig na tubig pagkakita ko kung sino ang taong 'yun. Kasing-laki at bilog na din siguro ng mga mata ng Tarsiers ang mga mata ko ngayon dahil sa pagkakagulat.
Siya lang naman iyong lalaking tumangap nung package kagabi. Iyong naka-anuhan ko. Ni hindi ko masabi nang diresto sa isip ko.
Ano 'to? Ba't siya nandito?
"Good morning, hon," bati niya sa'kin habang seryoso ang ekspresyon nito sa mukha.
Si Papa naman ay matiim pa din ang tingin sa kanya na para bang kinikilatis niya ito habang si Mama naman ay ngiting-ngiti habang inaasikaso siya ngayon. Aakalin ng iba na may Presidenting dumalaw sa bahay namin sa paraan ng pag-asikaso niya sa bisita.
BINABASA MO ANG
INTO YOU (COMPLETE)
RomanceEL FUERTE DE SOCIEDAD SERIES #1 |R-18+| BLACK. GLOOMY. This is how Chase Akira Montello would define his entire life since he was brought upon this world. Being an heir to a Multi-million company, he is expected to also produce his own heir someday...