Do you believe in the art of letting go? The good in goodbyes? Na baka hanggang doon na lang talaga, na may mga taong dadaan lang sa buhay natin at hindi mananatili?
Kasi kung ako ang tatanungin, kahit kailan hindi ko nakita ang kagandahan sa pagpapa-alam. Kahit kailan alam kong di ko maiintidihan kung bakit may mga dumadating sa buhay natin, na kahit gaano natin kagustong mag-stay sila sa buhay natin ay wala tayong magagawa dahil 'yon ang nakatakdang mangyari.
I grew up without parents, tanging si Lola lang ang nasa tabi ko. All my life hindi ako nagtanong kung nasaan sila, kasi wala rin naman akong makitang rason para magtanong.
"Alliah, lumabas ka na riyan at kakain na tayo" rinig kong tawag sa labas ni Lola.
"Opo, palabas na".
Kami lang ni Lola ang magkasama simula nung bata ako. Galing kaming probinsya pero dahil kailangan ni Lola na magpagamot ay kinakailangan naming lumuwas pa-maynila para mapatignan sya.
"Alliah" tawag pansin sakin ni Lola.
"Yes, la?"
"Nakahanap ka na ba ng papasukan mo sa kolehiyo? Malapit na ang pasukan ah."
Oo nga pala nawala sa isip ko na kailangan ko pang maghanap ng eskwelahan, masyado na kasing occupied yung utak ko sa nalalapit na pagpapagamot ni Lola.
"Wala pa po, la. Pero hahanap po ako as much as possible, ako na ang bahala don Lola. Magpahinga ka nalang dito at ang magandang apo mo na ang bahala sa lahat." nakangiti kong sagot dito.
Natatawa naman syang tumingin sakin. "Oo nga't napaka ganda mo apo ko, hay naku, kailan ka ba magnonobyo? Kailangan mo ng mag nobyo para pag nawala ak-"
"La? Hindi po ako magnonobyo dahil gusto kong sa inyo lang naka tuon ang pansin ko. Tsaka isa pa, ayoko pong mag nobyo tapos sa huli ay mawawala rin sila, okay na po ako sa inyo, La. Tsaka ano pong pag nawala kayo, eh kaya nga po tayo nandito para magpagaling kayo. Pagtapos non babalik na tayo sa probinsya at pag nakatapos ako dadalhin ko kayo sa iba't ibang bansa. Okay ba, La?" kindat ko sa kanya at tanging ngiti lang ang naging tugon nito sakin.
Natapos ang tanghalian at nag ayos na ako ng gamit namin. Dalawang kwarto ang meron dito sa nabili naming bahay. Tig isa kami ni Lola, wala naman kaming problema financially dahil tinutulungan naman kami ng anak ni Lola na doctor sa ibang bansa. Hindi ko alam kung kapatid ba sya ng nanay o tatay ko. Wala rin naman silang nababanggit sakin kaya hinahayaan ko na lang. Ayokong magtanong kasi ayokong masaktan. Ayokong malaman ang dahilan kung bakit hinayaan ako ng mga magulang kong lumaki sa puder ni Lola. Wala naman akong problema don, dahil mahal na mahal ko si Lola. Pero hindi ko lang alam kung bakit kailangan nila kong iwan na walang paalam, na para akong pusa na iiwan na na lang nila kung saan.
Bago pa mapunta sa kung saan saan ang iniisip ko ay tumayo na ko at naligo. Balak kong maghanap ng papasukan na kolehiyo dahil ayaw ni Lola na tumigil ako habang nagpapa gamot sya.
Pagtapos kong maligo ay nakita ko si Lola na nanonood sa harap ng t.v