CHAPTER 10

0 1 0
                                    

THIS girl looks mad, kaya binitawan na niya ito at sinulyapan naman nito si Chito sa kanyang likuran nang may nagtatakang tingin.

"At sino ito?" the girl asked looking pissed.

Hindi na niya pinaabala pang sumagot si Chito at kaagad na niya itong sinagot. "Sabi ko, I'm his friend. Hindi ka naman siguro tanga no? Tinagalog ko na 'to para sa'yo.." sarkastikang sabi niya sa babae.

Nang-aasar naman itong tumawa sa harapan nilang dalawa. Naku kay sarap sampalin! "Kaibigan? Since when? You? His friend? Akala ko ba he's one of the most out casted student in here?" natatawang sabi nito.

Inirapan niya ang babae at tsaka naman hinarap ang binata. "Chito, why don't you tell this little girl in here, how we became friends" aniya, nagtitigan sila at parang nagtatalo gamit ang kanilang mga mata.

Nagsi-signal siya rito na sakyan na lamang ang kanyang mga sinasabi pero nako naman, napaka-slow nitong isang ito.

"Chito? That name again, seriously? A'dan why does everyone in here seems to be so naïve and keeps on calling you that nakakarinding pangalan, Chito parang Chestnut pakinggan ang tigas" maarteng reklamo nito.

"It's not even rhyme boba, panong naging magkapareho 'yon?" pangsusupalpal niya naman rito.

Nainsulto niya ata ito at pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. "Ikaw? Sino ka ba? Why are interfering? Kung kaibigan ka ni A'dan, then fine, but it doesn't give you the right to be bastos at basta-basta nalang susulpot kahit saan at nakikisali sa usapan ng may usapan" inis na sabi nito sa kanya.

"I'm Alexie Valerio miss, the Vice President leader of this campus, kaka-start lang na'ting e open ang event na ito and you're causing a scene already, and as one of the leader, it is my duty to maintain the peace, especially when you're at OUR territory..." mahina ang pagkakasabi niya ngunit napakadiin niyon.

Hindi naka-imik ang babae sa kanyang sinabi at nanataling inis na nakatitig sa kanya, mukhang nais siyang nitong sunggaban at tanggalin lahat ng buhok niya sa kanyang ulo.

"Ikaw sino ka ba?" she asked. "Why sre you acting as if you're a queen bee bully?" sarkastikong tanong niya at pinag-krus ang kanyang braso.

"Because that is really me in Broughton my name is Maureen Arcedes, but not a bully!" singhal nito sa kanya.

"Eh bakit mo sinampal si Chito?"

"Sabi ng A'dan nga yung pangalan nya eh!"

"So bakit nga?!"

"Kasi gusto ko, naiinis ako sa kanya!"

"Naiinis ako sa'yo, maaari rin ba kitang sampalin?!"

"What? No way!"

"Oh ngayon? Alam mo na ang pakiramdam ng sinasampal ng walang dahilan?" inis na aniya may sasabihin pa sana siya ngunit pinigilan siya ni Chito.

"Alexie, Maureen! Ano ba? Tumigil na nga kayo para kayong mga bata. Maureen umalis ka na nga, stop bothering me ever again!" hinila siya ni Chito papalayo matapos nitong pinaalis yung babae na Maureen pala ang pangalan nito.

After some few walks, ay huminto rin sila and Chito faced her looking pissed. "Bakit ka nakisali sa usapan ng may usapan?" tanong nito sa kanya.

Nagulat siya sa inasta nito, and instead of thanking her ay ito pa ang inasta nito sa kanya. "I defended you from that bully Chito! Una sinampal ka niya Gr 12 department building tapos kanina naman---- Chito, bakit parang ikaw pa 'tong nagagalit sa'kin?" naiinis na singhal niya.

"You should've not do that. Kakilala ko 'yun and she was partly angry at me kaya niya 'yon ginawa, okay? Hindi mo kailangang makisali sa gulo naming dalawa, especially when you're not even involve" he said.

Dating Mr. PodgyWhere stories live. Discover now