STEFY'S POV:
"AAAHHHHHHHHH..."
Rinig naming sigaw pag baba namin ng kotse. nasundan pa iyon ng tunog na parang nabasag.
Nandito kasi kami sa labas ng bahay nila Travis. Gusto namin siyang bisitahin kong kumosta siya at syempre pati narin ang mga bata.
Halos isang taon narin simula ng mamatay si Justine. Hindi man namin nakita ang bangkay niya. Pero yun ang sabi ng puso't isipan namin.
Ayaw man naming tanggapin pero walang Justine ang nagpakita o lumitaw sa harap namin. Para ipamukhang buhay pa siya.
Ang sabi rin ng mga pulis ng imbistigan nila ang nangyaring pagsabog. Hindi aksidente ang nangyaring pagsabog. Kundi, sinadya iyon. May nag tanim ng bomba sa kotse ni Justine. Talagang may gustong pumatay sa kaibigan namin.
Maswerte lang kami ni Vincent dahil nakaligtas kami. Tama nga ang kutob ni Vincent noon.
"Si Kuya..." Saad ni Natasha.
Nagkatitigan kami. Saka kami nagmamadaling pumasok ng bahay nila Travis.
Nagulat kami ng makita naming makalat ang buong bahay. Mga basag ang gamit.
Nakita rin naming nakahiga si Travis sa semento habang umiiyak yakap yakap ang litrato. Kong hindi ako nagkakamali si Justine ang nasa larawan non.
Naaawa ako kay Travis. Isang taon na. Isang taon na simula ng mawala ang kaibigan namin, pero hindi parin makalimutan ni Travis ang pagkawala ng asawa niya.
Hanggang ngayon. Nagluluksa parin si Travis. Halos gabi-gabi daw umiiyak si Travis sa kwarto niya. Sabi ng mga katulong nila at sa kwento rin ni Trevor.
Kaya araw-araw naming pinupuntahan si Travis. Maging ang mga tropa niya. Halos dito na natutulog masamahan lang ang Boss nila.
Ngayon, kami nila Vincent at Natasha ang na rito sa bahay nila Travis.
Si Baby Jimen naman ay nakila Natasha. Simula ng mamatay si Justine. Si Natasha na ang nag alaga sa sanggol na iniwan ni Justine.
"Tita..." Umiiyak habang tumatakbo si Trevor papunta samin.
Agad itong yumakap kay Natasha. Pati ang mga bata. Mas higit na naapektohan ang anak nila sa mga nangyayari.
"Dito ka muna kay Ninong mo. Kausapin ko lang ang Daddy mo.." saad ni Natasha sa bata.
Lumapit naman si Trevor kay Vincent. Dinala ni Vincent ang bata sa labas.
Nilapitan ni Natasha ang kapatid niya na nakahiga sa semento.
"Kuya.."
Hinawakan ni Natasha ang braso ng kapatid niya para makuha ang atensiyon.
"Kuya please tama na. Alam kong masakit para sayo ang pagkawala ni Justine. Pero, hindi lang naman ikaw ang nasaktan. Ako, kami. Lahat kami nagluksa ng mawala si Justine. Mahal namin si Justine. Kaya subrang sakit ng bigla nalang siyang mawala sa piling nating lahat. Kuya isang taon na..."
Huminga ng malalim si Natasha. Saka pinahid ang mga luhang naglalandas sa pisngi niya. Ramdam ko ang awa ni Natasha sa kapatid niya.
Muling nagsalita si Natasha.
" Tanggapin nalang natin na wala si Justine. Patahimikin mo naman ang kaluluwa ang kaluluwa niya kuya. Bakit hindi mo balingan ang mga anak mo. Hindi lang ikaw ang nawalan kuya. Pati ang nga anak mo. Simula ng mawala ang Moma nila. Para narin silang nawaoan ng Ama. Ni hindi mo nga naasikaso ang mga anak mo. Pari pag aaral ni Trevor na aapektohan na. Palagi siyang absent. Ni hindi na nga siya nakakahabol sa mga lessons niya tas Lagi ka pang wala sa sarili mo. Wag mong hintayin na pati mga anak mo mawala sa tabi mo..." Sabi ni Natasha.
YOU ARE READING
MY BOSS/HUSBAND IS A GANGSTER. Book II
Short StoryThis story is a book II of my first story entitled My Boss is a gangster and please dont be so perfectionist reader. This story is dedicated to my family, friends and to my supporters. Who support to make this story published. Thank you so much read...