I

849 15 1
                                    

Clair's

"Clair! Bumangon ka na nga! May opisina ka pa, pero ayan! Nakahilata ka pa rin sa kama!" Nagising ako sa isang boses habang may humihila sa dulo ng kumot ko.

"Sandali nalang. Inaantok pa ako eh! Wait mo nga ako ng mga 5 minutes." Sabi ko sabay hila pabalik ng kumot at itinakip iyon sa buong katawan ko. Inaantok pa ang tao eh.

"Kung ayaw mong bumangon, baka gusto mong kakaladkarin na lang kita?" Lalapit na sana siya sakin at akmang hihilahin na ako at kakaladkarin.

"Oo na! Babangon na." Sabi ko sabay bangon at martsa na parang sundalo papunta ng banyo.

"Susunod din naman pala eh. Pinahirapan mo pa ko." Sigaw rin niya pabalik.

Napasigaw na lang ako sa inis mula sa banyo.

Ano ba naman yan, nakakainis. Inaantok pa nga yung tao eh. Kainis lang. Kung di ko lang to kaibigan malamang pinatapon ko na to.

Ako nga pala si Clair Ysobelle Andrada. Clair or Cle for short. 21 years of age. Devcom Graduate. Sa kasalukuyan, magazine editor ako sa The Aesthetic Project. I started working there after kong gru-maduate. But I also have my travel blog as a sideline.

Nandito nga pala ako sa bahay namin ng best friend ko. You heard that right. Napagdesisyunan kasi naming magsama sa iisang bahay para di masyadong magastos. Si Rafael Constantine Villafuerte nga pala, best friend ko. 22 year old Raccoon. (Rafael Con... Raccoon) He finished with a degree of Business Administration. He's older than me but we were classmates back then. Late kasi siya nag-simulang mag aral. Kababata ko siya and may respeto siya sakin so my parents trust him, especially my Mom. Mag best friends kasi ang mga Moms namin. Kung tutuusin we're like siblings from different parents. And our parents don't actually mind kapag kami ang magkatuluyan, well that's what they always say and try to imply. Pero best friend ko lang talaga itong Racoon na ito eh. I don't want to be in a loveless marriage like, hell no. Alam niyo naman na may nagpapauso pa rin ng arranged marriage sa era ngayon, buti nalang hindi ganoon parents namin.

Hindi naman kasi ako talaga focused sa lovelife ngayon. Ang gusto ko munang gawin, ay ang mag-travel around the world, see the beautiful and blissful things in life. Kaya nag-iipon ako ng pera by working diligently. I also earn money with my blog. Doon ko rin nakukuha ang travel fund ko.

"Sob! Dalian mo naman diyan! Sabay na tayong magbe-breakfast. Ang pagong mo naman kumilos!" Ang panget naman ng Sob (Ysobelle) Hinihila ko pa nga lang yung skintone stockings ko. Atat lang? Monday kasi ngayon, and Rafael obviously doesn't want us to get stuck in traffic.

"Sandali nga lang. Maghintay ka nga." Sabi ko sabay botones ng blouse ko.

"Dalian mo diyan Clair! Tapos na akong magluto!" Pasinghal na sagot ni Raccoon.

"Oo nga eh, sandali lang! Matuto ka namang maghintay!"

Nabigla nalang ako nang may nagdoorbell sa bahay namin.

"Rafael Villafuerte! Yung pinto!"

"Naghuhugas ako ng mga nilutuan! Ikaw ang bumukas!"

"Raf!"

"Ikaw nga kasi kumuha Cle!"

"Rafael!"

"Clair!"

"Okay fine!" Padabog akong naglakad papunta sa pintuan habang sinusuot ang relo ko.

At di pa nakuntento, nagdoorbell pa ng tatlong beses. Aba, walang modo ah!

"Sandali lang!"

Tumakbo nalang ako at madaling binuksan ang pinto.


Rafael's

"Rafael!"

Kung makasigaw, wagas. Pustahan tayo, may megaphone lalamunan nito. Basagin ba naman ang eardrums ko.

"Rafael! Ang anak mo!"

Ano raw?

Hinubad ko ang apron ko at nagmadaling tumungo sa pintuan. At pagdating ko, nakita ko ang isang batang babae na about 4-6 years old yata. May dala itong maleta.

"Anong anak ang pinagsasabi mo diyan Clair? Hindi yan akin no!"

"Eh ano to?" Sabay abot niya sakin nung letter na kanina pa niya hawak. Kinuha ko naman yun agad.

Dear Rafael,

Alam kong mabibigla ka sa sasabihin ko. Anak mo ang batang iyan. Anak natin. Naaalala mo pa ba nung acquaintance? Nalasing ka nun tas ayun. Nangyari na ang lahat. Sana matanggap mo siya. 6 years old na siya. November 13 ang birthday niya at Anika Reign ang pangalan niya. Anika nalang ang itawag mo sa kanya. Kailangan ko nang mangibang-bansa para magtrabaho at pakasalan ang foreigner na nagpropose sakin. Sana mapalaki mo siya ng maayos.

Nagmamahal, Alyana



Naman oh! Anak ko pala tong batang 'to? Hindi naman to pwe-pwede. Naalala kong may nangyari nga samin ng babaeng yun pero ang bata-bata ko pa para maging isang ama. And for pete's sake, ni hindi ko nga alam na Alyana pala ang pangalan ng babaeng iyon. F-ck, I'm not ready for this. Pero pano kung nagsisinungaling lang siya? There's only one way to find out-a DNA test. Ipapa-DNA ko ang batang ito at titingnan ko kung match ba talaga kami. Hindi naman yata tama kung aaku-hin ko yung responsibilidad na baka hindi naman talaga akin.

"Halika baby, pasok ka." Sabi naman ni Clair. And here she goes again, with that pusong mamon that really opens up for literally anyone. Inirapan ko siya.

"Salamat po." Nginitian naman ng bata si Clair.

"Baby, where's your Mommy?"

"Kasama po ang new family niya." Sabi niya sa letter niya magpapakasal siya sa foreigner fiance niya? Ano ba talaga?

"So sino nag-alaga sayo nung wala si mommy mo?"

"Si Tita po. Kasi po sabi ni Tita nagwowork daw po si mama."

"Oh. Okay. Saan ka nag-aaral?"

"Sa Korea po."

"Ah, ui bangbeob ibnida?" (how is school) Ayan, nilamon na ng Korean-Korean niya.

"Geugeos-eun gwaenchanhseubnida." (it's fine) Well, hindi naman talaga siya nilamon. May travel blog kasi tong panget na to kaya nag-aaral din siya ng mga foreign language.

Makapunta na nga lang sa kusina. Kakain lang ako ng blueberry sandwich.

Best Friends to PARENTS? (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon