41

571 13 0
                                    


Gabby's Pov

"Alam ko na ang totoong pag katao ni Everlie, at isisiwalat ko ang katotohanan!" Wika ni Larra, nandito kami ngayon sa pool area ng resort.

"Tapusin mo muna ang kasal nila. Mas maganda kung kung kasal na sila bago mo isiwalat ang lahat para mas malaking problema ang kakaharapin nila. For sure di din naman papayag si mom and dad dahil sa pang loloko ni Everlie." Sagot ko dito.

"Sabagay, mas maganda na magalit ng husto si Tito at tita sa kanya para kami na talaga ni Garri ang mag katuluyan sa huli." Nakangising wika nito.

"Hon nandyan ka lang pala, kanina ka pang hinahanap ni Brielle."

Agad akong napalingon kay Lesley habang buhat buhat ang anak namin.

"Sige Gabby, maiwan ko na kayong mag asawa." Nakangiting wika ni Larra bago ito umalis.

"Napapadalas ata ang pag uusap ni ni Larra." Wika ni Lesley. Mukang nakakapansin na din ito dahil madalas nya kaming naabutan ni Larra na mag kausap sa office.

"Alam mo naman na partner ko sya sa project nya sa company namin." Sagot ko dito.

"Hindi lang kasi maganda ang kutob ko sa babaeng yun." Sagot nito at mukang nag dududa na sya. Hindi pwedeng malaman nya agad ang tungkol samin ni Larra. Hindi pa ako tapos sa mga plano. Kapag nasa ayos ko na ang lahat bahala na si Larra.

"Let's go na baby, malamig na dito sa labas." Yaya ko sa anak namin ni Lesley.

Pag dating namin sa lobby, nakita namin si mom and dad. Lumapit kami sa mga ito at agad na kinuha ni dad si Brielle.

"Ang cute cute talaga ng apo ko. Ready kana ba para sa wedding ng Tito Garri mo?" Tanong ni dad dito.

"Opo yoyo, ang ganda ganda po ng gown ko. Si tita Erver ang pumili ng gown ko." Proud na wika nito.

"Wow naman, excited na akong makita ang baby namin bukas. Dapat lagi ka lang naka smile ah." Wika pa ni mom Rizza.

"Kami na ang bahala kay Brielle, kung gusto nyo mag ikot-ikot muna kayo sa resort." Wika ni dad at umalis na ang mga ito.

Hindi ko naman intensyon na pag taksilan si Lesley. Sana maintindihan nya ako kapag nalaman nya ang tungkol samin ni Larra. Alam kong naging marupok ako, sobrang Mali ng ginawa ko pero yun lang ang alam kong way para mabuo ang plano ko.

"Alam mo hon, pakiramdam ko tangap na tangap na ako ni mom and dad simula ng dumating si Everlie. Hindi na ako nakakaramdam ng awkwardness sa kanila sa tuwing mag kasama kami. Isa pa, mas minahal nila si Brielle." Nakangiting wika ni Lesley habang nag lalakad lakad kami sa buhanginan.

"Masaya akong malaman yun. Nag bunga lahat ng pag hihintay at pag titiis natin." Nakangiting sagot ko dito.

Napadaan kami sa nag aayos ng reception area. Naalala ko yung araw ng kasal namin ni Lesley. Hindi ganito ka bongga dahil sampid lang naman ako sa pamilya nila. Naunang makilala ni Dad ang mama ko. Nag karoon sila ng relasyon pero hindi nag tagal dahil hindi natangap ng parents ni dad ang mama ko. Tulad ni Lesley nang galing lang ito sa mahirap na pamilya. Hindi alam ng mama ko na nag dadalang tao na sya nung araw na yun.

Ipapaalam nya na dapat kay dad ang tungkol sa pag bubuntis nya pero wala na si Dad. Nag migrate na sila ng parents nya sa america. Bumalik sila after 3 years pero may Asawa na ito at nag dadalang tao na din. Wala ng lakas ng loob si mom na ipag laban ako, pero hindi ako sumuko. Nang tumungtong ako ng highschool, nag kasakit si mom at doon na ako nag lakas ng loob na lumapit kay dad.

Hindi matangap ni mama Rizza na may anak si Dad sa labas. Pina DNA test pa nila ako para ma confirm kung anak nya ba talaga ako at lumabas naman ang katotohanan.

Nag bigay ng support si dad sa pag aaral ko. Maging sa hospital bill ng mama ko hangang sa bawian na ito ng buhay. Sinuportahan nila ako pinansyal pero yung pag mamahal ng isang ama ay hindi ko maramdaman.

Inggit na inggit ako kay Garri dahil lahat ng pag mamahal ni dad ay binibigay sa kanya. Ginawa kong inspirasyon ang hinanakit ko sa kanila. Nag aral akong mabuti para walang masabi si dad at mom Rizza sakin nun. Unti-unti ay nakukuha ko na ang loob nila dahil sa mga achievements ko sa school. Until na kilala ko si Lesley.

Nahirapan akong ligawan sya dahil ang totoo sobrang maldita nya. Hindi nya ako pinapansin dahil alam nyang anak ako ni Gabriel Clinton. Pero hindi ako sumuko, hindi ko ginamit ang pagiging Clinton ko para mapa-ibig sya. Ginawa ko ang lahat kahit hintayin itong matapos sa part time job nya kahit gabing gabi na.

Lahat ng pag hihirap pinag daanan ko para lang makuha ang matamis na oo no Lesley. Tapos nagawa ko syang lokohin dahil lang kay Larra.

Wala na akong pinag kaiba sa mga walang kwentang lalaki. Kaya hindi na ako mag tataka kung darating ang araw na kamumuhian ako ni Lesley.

After namin mag ikot-ikot ni Lesley, bumalik na kami para mag dinner. Karamihan ng mga bisita ay kumakain na. Ang pag kakaalam ko may party pa rin na inihanda ngayong gabi para sa kasal ni Everlie and Garri. Ganun naman talaga sa mga province, mahabang celebration ang kasal para sa kanila.

"Dad, nasan si Brielle?" Tanong ni Lesley kay dad ng mapansin naming wala ang anak namin.

"Nandun oh, kasayaw ni Garri and Everlie." Nakangiting wika ni Dad.

"Sana makabuo agad sila ng baby para naman hindi na nag iisa si Brielle." Wika ni mom habang nakangiting pinag mamasdan sila Garri.

Mukang masayang masaya si Brielle kay Garri and Everlie. Kahit alam kong ka kompetensya ang tingin sakin ni Garri, ramdam ko naman na mahal na mahal nya ang anak ko. Noon pa man, nandun sya nung gabing nanganak si Lesley. Sya Ang nag drive para dalhin kami sa hospital. Dahil sa pag papanic ko, sya ang nag asikaso ng lahat. Napapangiti nalang ako kapag naalala ko yung pang yayare na yun. Hindi ko kasi inaasahan ang tulong ni Garri.

**Everlie's Pov**

Nag simula na ang party, sayawan lang naman ito tulad ng tradisyon sa province bago ang kasalanan. Napag usapan na din namin ni Garri na walang sabitan ng pera na mangyayare. Mayaman naman na si Garri, hindi nya na kailangan yun. Isa pa, pang loloko tong ginagawa namin.

Ang sabi ni Garri, kapag naayos na namin ang lahat. Mag papakasal na kami ng totoo. Yung kasal na walang nilolokong tao.

Habang nag kakasiyahan sila, nag paalam ako kay Garri para mag Cr. After kong umihi, nagulat ako ng makita si Larra. Naka cross arm ito ha ang nakatingin sa salamin. Hindi ko alam kung nag kataon lang ba na nag kita kami dito or talagang hinihintay nya ako.

"Mukang enjoy na enjoy ka Everlie." Nakangiting wika nito na ipinag taka ko.

"Oo naman, kasal namin to ni Garri kaya nag eenjoy talaga ako." Nakangiting sagot ko dito. Parang hindi ko gusto ang tabas ng dila nya ngayon.

"Ang galing mo din naman gumawa ng kwento no. Writer ka ba? Mashado mong napaniwala si Garri at ang pamilya nya na isa kang mayaman." Wika nito na ikinagulat ko.

"Ano bang pinag sasabi mo Larra? Hindi pa ba sapat sayo na nandito ka sa pag mamay-ari ng pamilya ko?" Kalmadong tanong ko dito.

Sh*t lang, paano nya nalaman ang totoong stado ng buhay ko. Tiyak na malaking gulo to pag nalaman to ng parents ni Garri. Baka hindi pa matuloy ang kasal pag nangyare to.

"Hindi mo ko malilinlang Everlie, alam ko na ang lahat at sisiguraduhin kong malalaman nila ang pag papangap mo! Pag bibigyan kitang maging Mrs Clinton, mag enjoy ka nalang muna. Tingnan natin kung San ka pupulutin after ng wedding nyo." Wika nito at tinalikuran ako.

Napahawak ako sa wall ng Cr dahil pakiramdam ko nang hihina ang tuhod ko dahil sa sinabi ni Larra. Kailangang malaman agad to ni Garri, siguradong masisira ang lahat ng plano nya. Baka mawala sa kanya ang tiwala ng daddy nya at tuluyan ng mawala sa kanya ang pagiging CEO ng company nila.

Walang hiyang Larra yan, hindi ko alam kung bakit nya ginagawa ito. Pero isa lang ang malinaw sa isip ko. Gusto nya kaming sirain ni Garri. Hindi ako papayag na mag tagumpay sya, lalo na ngayon at nangako si Garri na mag sisimula kami sa tama kapag natapos na ang pag papangap namin.

Sana lang talaga ay maayos namin to.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon