Prologue
"Aleng Merna! Parang awa niyo na po oh! Magbabayad naman po ako...sadyang na dely lang po talaga sahod namin ngayon." Pagmamakaawa ko kay Aleng Merna habang kumakatok sa pintuan ng bahay nila, siya ang may ari ng bahay na tinutuluyan ko ngayon.
"Ay nako, Aysel! Ilang buwan kanang di nakakabayad, abay ako ang lugi n'yan!" Saad niya ng mabuksan niya ang pintuan.
"Nagmamakaawa po ako sa inyo kahit ngayon lang po. Wala na po kasi akong matutuluyan ngayong gabi." Pangungulit ko sa kanya. Sana naman magdilang anghel si Aleng Merna.
"At problema ko pa yan?! Sisihin mo ang sarili mo!" Galit niyang sabi sabay tapon sa mga gamit ko. "Umalis ka na rito! Ilang buwan na kitang tinitiis huwag mong ubusin ang pasensya ko at baka kaladkarin pa kita palabas!" Sigaw niya at itinulak ako. Malapit na akong maluha, bakit sa lahat ng tao ako pa ang kailangang makaranas nito? Ano ba ang ginawa kong mali?
"Aleng Merna naman oh. Parang awa niyo na po." Naiiyak kong saad sabay hawak sa kamay niya. Agad niya namang binawi ang kamay niya at tinulak ako.
"Bahala ka sa buhay mo! Alis!" Saad niya at pinagsarhan ako ng pintuan. Bw*sit! Grabe naman sila! Mga walang awa!
Naiiyak akong pinupulot ang mga gamit na itinapon ni Aleng Merna kanina. Agad ko itong inilagay sa malaking bag habang tumutulo ang luha ko. Nang matapos kong mailigpit lahat ng gamit ko ay agad akong lumabas sa gate. Naglakad-lakad muna ako upang mahimasmasan sa pangyayari at ng mapagod agad akong umupo sa may kanto.
Ako si Aysel Lucian Alvares, maagang pumanaw ang mga magulang ko. Lumaki ako na maayos ang pamumuhay pero sa kasamaang palad naaksidente sina Mama at Papa, wala akong kakilalang kamag-anak kaya napunta ako sa bahay ampunan. Masaya na sana ako sa buhay ko sa loob ng bahay ampunan ng sa di maipaliwanag na dahilan nawalan ito ng pundo at di na nila kayang tustusan ang mga pangangailangan ng mga bata.
Napagdesisyonan kong umalis dun at naghanap ng mapapasukang trabaho. Grumaduate na ako ng highschool nung nangyari yun kaya naka kuha agad ako ng part time job sa isang coffee shop. Ang problema ay di sapat yung sinasahod ko para makabayad sa tinutuluyan ko at sa iba pang gastusin kaya naman palipat-lipat ako ng tirahan. Sinisikap ko namang makakuha ng trabaho na may malaking sahod kaso lahat ng tumatanggap sa'kin ay halos mga shop lang. Wala rin naman akong mapagpipilian dahil kailangan ko ng pera.
"Bw*sit na buhay naman oh!" Sigaw ko habang tumitingin sa buwan. "Ano bang ginawa kong kasalanan para maranasan ko ang lahat ng toh?!" Tumulo na naman ang mga luha ko.
"Mabuti pa nga yung mga taong naka detain sa kulungan libre pa ang kinakain at tinutulugan." Mahinang saad ko habang yumuko at tiningnan ang dalawang paa ko. "Gusto ko ng mamataayyyyy!" Sigaw ko ulit sa buwan ng biglang may nakakasilaw na ilaw na lumabas sa kung saan. Nakakabulag yung sinag ng ilaw sinubukan kong ipikit-dilat ang mga mata ko pero puting ilaw parin ang nakikita ko. Unti-unti akong nakaramdam ng antok. Sinubukan ko itong labanan pero kahit anong gawin ko ay unti-unting pumipikit ang mga mata ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
*After a while*
Hindi ko alam ang sunod na nangyari sa'kin. Namulat na lang ako na nakahiga sa isang malambot na kama. Sa pagdilat ko ay kisame agad ang bumungad sa akin. Halatang nasa enggrandeng silid ako dahil mamahaling materyales ang ginamit para sa kisame at maganda rin ang design nito. Agad naman akong tinamaan ng reyalidad. Napabangon agad ako sa higaan at dun ko namalayan na ang lawak ng kwarto. Nakarinig naman ako ng kalaskas sa bandang kaliwa ko, agad ko namang nilingon ang pinagmulan ng kalaskas.
"So, you're awake now?" Napatulala ako sa nakita ko. Alam ko na sa mga oras na'to ay magpapanic na ako pero p*ta ba't ang gwapo niya?! Napalunok muna ako bago ako nagsalita.
"S-sino ka?!" Kabadong tanong ko sa lalaki. Naka pandikwatrong upo siya, habang umiinom ng alak.
"Say...you want to die right?" Tumindig ang balahibo ko ng sabihin niya yun para bang hinihintay niya na lang ang sagot ko at papatayin niya na agad ako. Gusto kung sumagot kaso wala akong ibang magawa kundi titigan siya. Ba't ba kasi ang gwapo ng hinayupak na toh! Ilang minuto ko pa siyang tinitigan bago ko pa siya makilala. Ay p*ta! Schoolmate ko to eh! Siya yung baguhan sa University sa pinapasukan ko! Ano nga ulit pangalan niya? Kay, kay? Kale! Tama!
Napapikit naman ako ng biglang may malakas na hangin na dumaan. Pano naman nakapasok ang hangin eh nasa loob kami ng kwarto? Tanong ko sa sarili ko. Pagdilat ko ulit sa mga mata ko eh wala na kami sa kwarto, nasa baybayin na kami ng dagat. Pano nangyari yun?!
"T-teka b-ba't nasa dagat na tayo? Kanikanina lang nasa kwarto pa tayo ah?" Kabadong tanong ko.
"You said you wanted to die, right?" Malokong tanong niya ulit. Napalunok naman ako, ano kayang binabalak niya."I can make that wish come true right now, you know." Sabi niya sabay lakad papalapit sa'kin. "Just say it, tell me how do you wish to die?" Nanghina ako sa sinabi niya para siyang gutom sa halimaw na tinatanong kung pwede niya ba akong kainin ng buhay.
"S-sino ka ba?" Pinilit kong hatakin ang sarili ko pabalik sabay tanong sa kanya.
"Me? Hmm...what do you think?" Patanong niyang saad, hindi ko siya magawang sagutin dala ng takot. Nangmaramdaman niyang di ko siya masagot ay ngumisi siya ng nakakatakot at biglang naging pula ang mga mata niya.
"I'm a soul eater, Aysel. I'm here to devour your soul."
...
-Jxscxxl♡
BINABASA MO ANG
Half of My Soul
RomanceA girl who thought that her life would never be worth it. Living all alone hunted by loneliness and grief of her past. A girl who's still surviving knowing she has nothing to fight for. Living in a world she felt she wasn't belong to. Little did she...