42

590 13 0
                                    


Yvette's Pov

12 midnight na at tulog na ang ibang mga bisita. Papunta na kami sa kanya kanyang room namin ng pinatawag kami ni Sir Garri. Dun kami pinatawag sa kwarto ni Sir Garri. Pag pasok namin, tila balisa si Everlie. Mukang may nangyare ata, pati tuloy ako ay kinakabahan.

"May nangyare ba?" Pag aalalang tanong ni Paula.

"Alam na ni Larra ang totoong pag katao ni Everlie, at binantaan sya nito kanina na isisiwalat ang katotohanan." Wika ni Garri kaya lahat kami at na shock sa sinabi nito.

"Bwésit talaga itong si Larra. Napaka kontrabida! Ano bang gusto nyang mangyare, bakit kailangan nya pa tong gawin." Inis na wika ng baby Paula ko.

"We have to do something, hindi pwedeng mang gulo si Larra sa kasal nyo." Wika ni Mariel.

"Don't worry sir Garri, kami na po ang bahala kay Larra. We will make sure na hindi sya makakapang gulo sa kasal nyo." Nakangiting wika ko dito.

"Sigurado ka ba dyan Yvette?" Tanong ni Everlie sakin.

"Oo naman, ipa-ubaya nyo na sakin to. Kami na ang bahala ng squad ko." Nakangising sagot ko.

Sayang naman ang effort naming lahat kung masisira ang kasal nila. Kahit fake yan, binuhos namin ang lahat ng makakaya namin maging matagumpay lang ito.

Pag labas namin ng kwarto ni Sir Garri, hinila ako ni Paula sa braso.

"Anong binabalak mo?" Nakakunot noo na tanong nito.

"Mag tiwala ka lang sakin Paula, ako na ang bahala kay Larra." Wika ni dito sabay kindat.

"Tsh, siguraduhin mo lang na hindi papalpak yang plano mo!" Pag susungit nito.

"Pag naging successful ang plano ko, anong price ko?" Tanong ko dito kaya bigla itong nanahimik.

"Bakit sakin mo yan tinatanong?" Inis na wika nito.

"Para naman ma inspired ako, sige na Paula, anong magiging price ko?" Pangungulit ko dito.

"Tigilan mo nga ako Yvette." Inis na wika nito.

"Napaka KJ naman nito, sige ganito nalang. Pag napigilan ko si Larra dapat may kiss ako galing sayo. Gusto ko sa lips ahh." Nakangiting wika ko dito.

Napa roll eyes nalang ito at tinalikuran ako. Ahehehe, humanda ka Paula, magiging Fablito ka rin. Hinabil ko ito at niyakap sa braso.

"Dali na kasi, pumayag kana. Ikaw nga bigla ka nalang ng hahalik dyan kanina eh. Please na baby ko!" Pag mamakaawa ko dito.

"Hays, oo na siguraduhin mo lang na magiging maayos to. Oh ito na pang pa gana." Wika nito at nagulat nalang ako ng bigla nyang halikan yung labi ko sabay talikod paalis.

Sh*t, it happened so fast. Hindi manlang pinagal ni Paula eh, kakabitin tuloy hehehe. Ginanahan tuloy ako, wahahaha.

- Kinabukasan -

Ilang minuto nalang at mag sisimula na ang kasal ni Sir Garri and Everlie. May mga earphone kaming suot para Incase of emergency ay ma contact agad namin ang bawat isa.

Naka ready na rin ang mga taong inutusan ko para kay Larra. Sorry nalang sya pero hindi nya na masasaksihan ang kasalang ito.

"Mas lalo kang gumanda sa suot mo." Nakangiting wika ni Ian sakin.

"Salamat, ikaw din ang pogi mo sa suot mo." Wika ko dito. Akala nya sya lang marunong mang bola ah. 

"Ma'am Yvette, nagawa na po namin ang pinag uutos mo." Wika ng isa sa mga staff ko.

"Good, make sure na hindi makakalabas ang babaeng yan hangat hindi tapos ang wedding." Wika ko dito. Tumango naman ito at umalis na.

"Teka, may nangyayare ba na di ko alam? Sino yung tinutukoy mo?" Pag tataka ni Ian.

"Wala yun, wag mo nalang intindihin." Nakangiting sagot ko dito.

Ilang sandali pa ay natanaw ko na ang baby ko. Wahhh! Ang gwapo nga ngayon, sh*ta mga baklaaa, lalaking lalaki ang ayos ng baby ko. Yung mata ko kulang nalang ay maging heart shape.

Enebe, kinikilig talaga ako. Mabuti nalang at lalaki ang ayos nya ngayon. Kung hindi tiyak na mas maganda pa ito sakin pag nag make up ito.

Tiningnan ko ito habang nag lalakad papalapit sakin. Pinag titinginan din ito ng mga bisita, muka bang artista ang baby ko?  Sabi na nga ba at marami akong magiging karibal sa kanya. Hindi ko dapat hinahayaan na maging gwapo sya sa harap ng maraming tao. Sayang naman ang effort ko kay Paula pag nakuha ito ng iba sakin.

** LARRA'S POV **

"What the hell, sino ba kayo? Anong kailangan nyo sakin!" Inis na wika ko. Pag labas ko ng room ko may bigla nalang humila sakin na dalawang lalaki. Mga naka mask ito kaya hindi ko sila makilala.

"Sumama ka nalang miss, hindi ka naman namin sasaktan." Wika ng isa pa.

Siguradong si Everlie ang may pakana nito. Talagang gagawin nya ang lahat para lang matulog ang kasal nila ni Garri.

Sinubukan kong mag sisigaw pero mukang lahat ng mga bisita ay nasa reception na. Nakakainis, bwesit talaga ang Everlie na yun. Dinala nila ako sa isang kwarto at doon ikinulong.

"Palabasin nyo ko dito, humanda kayo sakin!" Sigaw ko habang pinag hahampas yung pinto.

"Tigilan mo na yan Larra, walang makakarinig sayo dito." Wika ng pamilyar na boses. Nang laki ang mata ko ng makita si Garri.

"G-Garri, mabuti nalang nandito ka. Kailangan mong malaman ang totoong pag katao ni Everlie-"

"Salamat nalang sa effort na sirain kami ni Everlie, Larra. Pero matagal ko ng alam ang totoong pag katao ni Everlie. Isa lang ang masasabi ko sayo,  huwag na huwag mong sisirain si Everlie sa magulang ko dahil hindi mo alam ang kaya kong gawin sayo." Wika nito na may pag babanta.

Napalunok ako dahil sa takot. Hindi ko alam na ganito pala si Garri kapag seryosong seryoso sya.

"P-pero Garri, what if pini-perahan ka lang ng babaeng yun. Huwag mo syang pakasalan, ako nalang Garri." Pag pupumilit ko dito.

"Tigilan mo na to Larra, si Everlie nga ang pinili ko simula palang nung una dahil ayuko nga sayo. Hindi pa ba yun malinaw sayo?" Wika nito na ikinagalit ko.

Ilang beses ko ng ipinikit ang sarili ko kay Garri. Nag mumuka na nga akong desperada noon maka date lang sya pero palagi nalang ako nitong ini-injan. Sya lang ang lalaking gumawa nito sakin, at lahat ng yun ay sinira ni Everlie.

"Hindi ko alam kung bakit ba pinag pipilitan mo ang sarili mo sakin Larra. Maganda ka naman, isa ka pang Ocampo kaya bakit mo ginagawa to sa sarili mo? Tigilan mo na ako, tigilan mo na kami ni Everlie dahil sya lang ang babaeng papakasalan ko!" Wika nito.

" Please Garri, I'm begging you. Ako nalang ang mahalin mo, gagawin ko ang lahat ng gusto mo. So please ako nalang Garri!" Wika ko at agad itong niyakap pero agad nya akong naitulak pahiga sa kama.

"Huwag mo ng hintayin pa na magalit ako sayo Larra. Bigyan mo naman ng konting kahihiyan yung sarili mo. Kahit hindi na sarili mo, para na din sa kahihiyan ng umampon sayo." Wika ni Garri at lumabas na ito ng kwarto.

"D@mn it! Anong karapatan nya na pag sabihan ako ng ganun? Bwésit, bwesít kayong lahat!!" Sigaw ko at pinag tatapon ang unan na nasa kama.

Hindi pa ako tapos, mag sisimula palang ako. Sisiguraduhin kong pag sisihan nya ang pag reject nya sakin. Humanda kayo sakin, hindi ako titigil hangat masaya kayo!

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon