Chapter I

12 0 1
                                    

Chapter I

*Phone ringing*

     Napahinto ako sa paghuhugas ng pinggan ng marinig ko ang cellphone ko na tumutunog. Nangmakita ko ang screen ay naka paskil agad ang pangalan ng kaibigan ko na si Janiya, agad ko naman itong sinagot.

    "Hello?!"

    "Aysel! Alam mo na ba kailan yung pasukan na'tin?" Tanong niya. Ay sus! Parang di kami magkasama nung meeting, ba't ba kasi hindi nakikinig.

   "Oo, this coming August 18." Sagot ko naman sa kanya.

   "Eh?! Ngayong 18 na?! Nako po!" Feeling ko talaga di pa to nakakakuha ng books eh kaya mukhang nagpapanic na siya. Three days na lang bago magpasukan at ito ang pinaka-ayaw kong araw, bakit? Kasi magsisiksikan sila sa loob ng bookstore ng school para kumuha ng libro, sa haba-haba ng panahon na ibinigay sa mga ganyang araw pa talaga nagplano na kumuha ng books, buti na lang talaga at inagahan ko.

   "Aysel! Pano na toh?! Di pa ako nakakakuha ng books. Huhuhu!" Saad niya mula sa kabilang linya.

   "Oh? Ano naman ngayon? Pwede ka pa namang kumuha ah?"

   "Kaso magsisiksikan na naman dun sa bookstore."

   "Oh? Tapos? Problema ko yun?" Sarkastikong ani ko.

   "Aysel naman! ... Okay sorry na, kasalanan ko na, okay?" Saad niya." Pero pwede mo akong samahan? Hmm? Aysel? Please na oh!" Pagmamakaawa niya.

   "Hay nako! Sige na nga!" Pasalamat talaga siya at kaibigan ko siya kung hindi nako lintek talaga siya sa'kin! "Magkita tayo sa school sa entrance gate mamayang  1pm, okay?!" Desisyon ko, pake niya?! Ako tung na distorbo eh tapos siya pa chill chill lang, nako di pwede sa'kin yan. "Isa pa, agahan mo ha! Ayaw ko na pinaghihintay ako. Sige na! Bye!" Dagdag ko pa at binabaan ko na siya ng cellphone.

   Matapos kung maghugas ng pinggan ay naglaba naman ako ng mga damit ko. Lumipas ang ilang mga oras nakita ko na malapit ng magtanghali kaya naman napagdesisyonan kong maligo at nagbihis na kaagad. Di na ako nagluto ng makakain kasi kakain na lang ako sa kalenderyang madadaanan ko papuntang school at dun na lang ako magtatanghalian. Eleven thirty na ngayon at twenty-five minutes naman ang biyahe papunta ng school.

    Sinadya ko talaga na pumunta ng school ng maaga kasi magtatanong ako sa mga school facilitator kung pwede or meron ba silang trabaho na pwede kong pag-apply-an. Eleven fifty-five akong nakarating sa school at hindi pa nakarating si Jani kaya pumasok agad ako sa school. Hinanap ko si Ma'am Rita, narinig ko kasi nung enrollment na naghahanap sila ng bantay sa library. Alam ko naman na di gaanong malaki ang sahod sa pagbabantay ng library pero kinakailangan ko talaga ng pera.

    Meron naman akong part-time job sa isang coffee shop kaso kulang pa rin yung sahod ko sa dami ng kailangan kong babayaran. Hindi rin pwede na mag skip ako ng school kasi last year ko na lang at makakagraduate na rin ako kaya pagbabantay na lang talaga ng library o kahit anong simpleng trabaho na sa loob lang ng school gagawin. Mas mabuti na rin kasi kung ganun dahil pwede ko rin itong magamit as excuse paminsan-minsan. Di nagtagal eh nahanap ko naman si Ma'am Rita. Agad ko naman siyang nilapitan.

    "Good afternoon po, Ma'am Rita." Bati ko sa kanya. "Ma'am narinig ko po kasi nung nakaraan na naghahanap kayo ng bantay sa library, gusto ko po sanang mag-apply." Maayos at pormal kong saad.

    "Pero hija payag ka ba? Hindi gaanong malaki ang sweldo sa pagbabantay ng library." Sabi niya na nagpapakita ng pag-aalala.

    "Ay, okay lang po yun Ma'am, meron na rin naman po kasi akong part-time job." Maliksing saad ko. "Isa pa po hindi naman ganun kahirap magbantay ng library at may time rin po ako para makapag-aral." Pagpapaliwanag ko.

Half of My SoulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon