Aviella Thena
ilang oras din kaming nag libot libot ng buong school at bumalik na din sa room at doon nag si upo na kami. tabi tabi kami ng upuan.
si Quin, si Amie, Ako, Si Ali at si Aeris lahat kami nasa likuran kasi sabi nila mas maganda daw dito.
hindi nag tagal nag datingan mga classmates namin at panay tingin nila sakin.
alam kong maganda ako tama na mga tinginan na yan, emz.
dumating na yung Adviser namin na si Sir Gabriel. muka syang bata sa tingin ko nasa 20s sya kasi batang bata pa.
"okay, class before we start our lesson meron kayong bagong classmate" sabay tingin sakin at ngumiti.
gosh ang cute ngumiti ni sir ay gago wait. hindi. Thena manahimik ka. Teacher yan jusko ka. pero wala naman masama. cute kaya nya. ay pota manahimik kang utak ka!!
pero he's cute, when he smiles, nawawala yung mata nya. ang cute nya gosh. tapos lumalabas ang dimples nya with his hair na medjo magulo kaloka. mukang gaganahan ako pumasok kahit sabado at linggo.
"please stand up and introduce your Self, full name with your Maiden name" sabi nito sakin kaya bumalik ako sa reyalidad napalunok ako at tumayo at pumuntang harapan sobrang kabado ako ang dami nilang naka tingin sakin gusto ko nalang mag pakain sa lupa potangina.
"h-hello I'm Aviella Thena Ramirez Molina" pag papakilala ko.
nakita kong nag sisibulungan mga classmates ko at nakita ko mga reaction nila lalo na si sir Gabriel. para syang nangamba na ewan.
natatae ka po ba sir?
"R-Ramirez? kaano ano mo si C-Calista?" tanong ni sir sakin at nakikita ko ang butil butil na pawis na lumalabas sa noo nya.
akmang sasagot na ako ngunit biglang nag salita si Ali.
"She's my Cousin" simpleng sagot nito pero parang isang matalim na kutsilyo ang sumaksak sa guro at sa ibang classmates namin lahat sila ay parang nagulat at natakot sa sinabi ng Pinsan ko.
"o-oh, a-another Ramirez. . . o-okay c-class let's start, y-you can sit n-now Ms Molina" sabi nito habang nag pupunas ng pawis.
ano meron? bakit ganon reaction nila?
may nasabi ba akong mali? as far as i know wala. wala din namang masama sa sinabi ni Ali naguguluhan akong umupo at tumingin kay ali, ngumiti lang sya kaya gumanti din ako ng ngiti.nakita kong tumingin na may halong pag aalala sakin si Quin pero umiwas rin sya nang nalaman nyang tumingin ako sa gawi nya. naguguluhan talaga ako pero pinilit kong ituon ang atensyon ko sa gurong nag sasalita sa harapan.
ilang oras din nag turo si sir at natapos rin, may sumunod din na guro na si ma'am nancy, maganda sya at mukang nasa 20s rin, aba grabe naman ng school na ito puro mukang bata ah.
pagtapos ng Subject nya ay recess na at parang mga hayop nag sisiwalaan mga classmates naming mga lalaki shutangina Bibilis nilang mag si takbo pababa patungong canteen.
"thena, tara na" sabi ni Ali sakin na naka tayo sa harapan ko
"a-ahm ano ali? saan yung restroom? naiihi na ako eh" tanong ko sakanya habang nag pipigil. sakit sa puson potangina
"Restroom? nasa 1st floor bago ka maka rating sa Faculty makikita mo agad yung sign, gusto mo bang samahan kita?" pag aalok nito
"h-hindi. wag na ako nalang mauna na kayo sa canteen susunod ako" sabi ko dito sabay takbo pababa hindi ko na nahintay yung sagot nya dahil puputok na pantog ko. gusto ko nalang tumalon simula 4th floor hanggang 1st floor. pota lalong na dadagdagan sakit ng puson ko sa pag baba ko sa hagdan para lang makapunta sa Restroom, dapat may cr din sa 4th floor eh potangina.
BINABASA MO ANG
Midnight Rain
Teen FictionAviella Thena is an ordinary woman who lives with her aunt who has a son Caleb Andrew and Amelia Calista, Thena has never known her father and her mother suddenly leaves and they don't know it, Thena's life is quiet but Percy Suárez suddenly arrives...