Kabanata LXIV: BULAKLAK

36 0 0
                                    












Kabanata LXIV: BULAKLAK




---





Huadelein's PoV



Hindi maalis sa aking isipan ang babaeng abay ni Lilibeth Hillari, sa pakiwari ko'y tila nakita ko na ang mga mata na iyon noon.



"Si Ganda kaya lagyan natin ng make-up" ani Rica.


"Oo nga, di ko pa nakikita si Ganda na may make-up eh!" Segunda pa ni Whisky.



"Ay hindi na 'no! Okay na ang natural beauty ni Ganda! Hindi na kailangan ng make-up," wika ni Georgia nang matapos talian ang aking buhok. "Oh! Ayan Ganda, cute di ba? Bagay lang sa maikli mong buhok." Tapat nito nang isang maliit na salamin sa akin.



"Salamat, Georgia."



"Walang anuman, Ganda!"



Bakit tila napakaganda ng ngiti ni Georgia ngayon? Siguro ay may nagpapasaya sa kanya kung kaya't ganyan na lamang ang kanyang ngiti.



"Georgia, tila kakaiba ang mga ngiti mo ngayon."



"Ay! Talagang kakaiba Ganda! Hindi mo naitatanong"



Natigilan ito nang takpan ni Georgia ang bibig ni Rica.



"Hindi mo naitatanong Ganda, kasi tumama sa lotto ang tatay ko kaya ang saya-saya kodi ba mga besh!?" Aniya.



"Ay! Oo. Kaya nga mamaya manlilibre 'yan si Georgia ng Bananaque!" Ani Whisky.



"Kung gayon, ay masaya ko para sa iyong ama Georgia."



Ngumiti ito sa akin habang takip-takip pa rin ang bibig ni Rica.









Bai Liwayway's PoV



Hmm! Nakatutuwa naman ang malaking bata-bata na ito na handog ni Bai Huada. Tiyak ay kagigiliwan ito ni Hera kapag nakita niya ito.



"Dayang Liwayway, tila kayo'y naaaliw sa malaking bagay na iyan," wika ni Milan.



"Sapagkat ay handog ito ni Bai Huada, oo nga pala! May ipinaaabot ang iyong alaga sa iyo Milan sandali lamang at kukunin ko."


Kinuha ko ang isang may kalakihang kahon. Ibinilin talaga ito sa akin ng Bai dahil hindi niya matagpuan si Milan noong sabado na kanilang pagbisita.


"Heto Milan, ang ibinilin sa akin ni Bai Huada para sa iyo."



"Sandali lamang Dayang, tila napakalaki naman ng kahon na itoano bang nilalaman nito?"



"Buksan mo Milan, nang makita mo kung ano ang nakatutuwang nilalaman nito."



Dali-dali niya itong binuksan at—



"Mga tsokolate! May mga pampaganda pa, at mga kasuotan pa na lubos na hindi makikita sa ating puod! Napakarami naman nito"



"Para sa iyo 'yan Milan, ang sabi niya sa akin ay minsan ka lang raw niya mabigyan ng handog kung kaya't nilubos niya nang kaunti."



Huadelein Delzado "Ang Bai"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon