HINDI maipaliwanag ni Bien ang kanyang sarili ngunit may anong kaba siyang naramdaman nang sandaling makita niya si Anna.
"Anna...is that you?" paninigurong tanong nito na mas lalong tumindi ang nararamdamang kaba nang sandaling iyon.
Nakita niya ang pag-angat at pagbaba ng balikat ni Anna bago siya nilingon nito ngunit laking gulat niya nang makita niya ang malaking pagbabago sa katawan ng dating kasintahan.
"Anna? W-what happened?" nauutal niyang tanong na halos hindi pa mag-sink in sa kanyang utak ang mga nakikita niya nang sandaling iyon.
Hindi umimik si Anna nang sandaling iyon at pinagmasdan lamang ang gulat na reaksyon ni Bien. Ngunit makalipas ang ilang saglit ay saka ito nagsalita.
"I don't think that's not the reason why we're to talk," malamig na saad ni Anna.
"But—"
"Take your seat so we can discuss our matters properly."
Naguguluhan man ay walang nagawa si Bien kung 'di ang sundin na lamang ang sinabi ni Anna at naupo sa katapat na upuan ng dalaga. At ngayon na nasa harap siya nito ay mas lalo siyang hindi mapalagay lalong-lalo na malapit at malinaw niyang nakikita ang buong kabuuhan nito, ang malaking pagbabago sa katawan nito, ang lumalaking tiyan nito.
"Anna—"
Hindi pinatapos ni Anna ang sasabihin ni Bien nang sandaling iyon dahil alam niya na kung ano ang sasabihin nito at hindi iyon ang bagay kung bakit siya nakipagkita rito.
"About the house, I want to take it back, Mr. Fausto," pagpuputol at pagdidiretsang saad ni Anna.
Biglang napakunot ng noo si Bien nang tawagin siya ni Anna sa kanyang apelyido.
"Anna, you don't need to be—"
"We're already done, aren't we?"
Hindi nakaimik si Bien sa sinabi ni Anna dahil sa sinampal siya ng katotohanan ngunit kahit ganoon ay hindi pa rin siya nagpaawat.
"But that doesn't mean you should be cold to me—"
"Enough, Bien," mariing pag-aawat ni Anna. "Hindi tayo nagkita para pag-usapan ang kung anong meron tayo o kung paano kita tratuhin. Andito ako para bawiin ang bahay na para sa akin."
Ngunit hindi nagpaawat si Bien, hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman ang lahat na sagot sa mga katanungan na nasa kanyang isipan nang sandaling iyon.
"Tell me, is that my child?" tanong ni Bien na nanatiling nakatingin sa tiyan ni Anna. "Tell me, is that my—"
"Hindi. Kaya mong isipin na ikaw ang ama ng pinagbubuntis ko dahil hindi mangyayari iyon," mariing pagpupunto ni Anna dahilan para mas lalong gumuhit ang pagkalito sa mukha ni Bien.
"Kung hindi ako ang ama, sino?" naguguluhang tanong ni Bien.
"Hindi na mahalaga kung sino ang ama ng batang ipinagbubuntis ko. Narito ako para sa—"
"Then who is it if it isn't mine? Tell me." Mariing saad ni Bien.
"Sinabi ko na sa 'yo, hindi na mahalaga kung sino ang ama ng batang ipinagbubuntis ko kaya p'wede ba pag-usapan na lang natin ang tungkol sa kung bakit tayo narito?" pakiusap ni Anna na nanatiling kalmado ang pananalita at hindi nagpapakita ng emosyon nang sandaling iyon.
Ngunit imbes na magpaawat si Bien ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha nito sabay napapalatak.
"Bakit hindi mo sa akin masabi kung sino ang ama ng batang pinagdadalang tao mo? Natatakot ka ba na baka malaman ko ang panlolokong ginawa mo sa akin, ha, Anna? Iyan ba ang ikinatatakot mo kaya hindi mo magawang pangalanan ang lalaking nakabuntis sa 'yo?" Sunod-sunod na tanong ni Bien na may bahid ng pang-iinsulto ang tono ng pananalita.
BINABASA MO ANG
My Island (The Strict CEO) (COMPLETED)
Romance(This story contains an obscene plotline. You should read at your own risk. R-18) Anna Quinn is an adventurer who loves to travel to new places not only for the sake of adventure, but also to gather information for her novel. Her passion for literat...