Emmanuel Montefalco.
Nakasandal ako sa pader sa gilid ng gate dito sa labas ng University habang hinihintay ang pagdating ni dad. Second year college na ako pero hatid-sundo parin ako ng aking pinakamamahal na ama dahil iyon ang utos ng aking pinakamamahal na ina na ubod ng ganda sa balat lupa.
Sa pagmamasid ko sa kabilang kalsada, may mahagip ang mata ko na isang magandang dilag. Napatuwid ako ng tayo. Nagsalubong ang kilay ko at biglang tumibok ng malakas ang puso ko ng pamilyar sa akin ang babae. Minsan ko na siyang nakita sa mga pagtitipon ng mga negosyante kaya batid ko anak-mayaman siya. At nakita ko rin siya noong kaarawan ni dad last year pero hindi ko alam kung saang pamilya siya nagmula at kung sino ang mga magulang niya.
Hindi ko akalain na dito pala siya nag-aaral sa tapat ng University na pinapasukan ko.
Bahagyang tumabingi ang ulo ko at pinakatitigan siya. Nakabusangot ang kanyang maamong mukha. ANg magkabilang kamay nakahawak sa strap ng kanyang bag hindi pinansin ang ilang hibla ng buhok na nakatabon sa kanyang mukha.Base sa kanyang suot na uniform, high school student palang ito. Nasa anong year level na kaya siya? Hindi ba ako ma report sa pulis kapag nilapitan ko siya at itanong anong pangalan niya? I admited that I like her. Nung una ko siyang nakita, nakaramdam kaagad ako ng atraksyon sa kanya. Hindi naman siguro masama, diba? Sino ba ang hindi ma attracted sa simpleng ganda na taglay niya pero kayang pagwalain sa huwisyo ang puso ko?
Sa kakatitig ko sa kanya, hindi ko namalayan nakangiti na pala ako at naaaliw na nakatitig sa kanyang nakabusangot parin na mukha. Pakiramdam ko may kumarera na kabayo sa puso ko sa subrang bilis ng pintig nito nang tumingin siya sa aking gawi, para akong kakapusin sa paghinga nang kumaway ito at ngumiti nang kay tamis.
Luminga ako sa paligid baka iba ang kinakawayan niya pero wala namang ibang tao maliban sa akin na nakatayo dito sa gilid ng gate. Ramdam ko ang mabilis na pag init ng buong mukha ko nang hindi parin siya tumitigil sa pagngiti at pagkaway. Kawayan ko sana siya pabalik ngunit natigil ang kamay ko sa ere nang may sumigaw palabas sa gate ng University namin at sinita siya.
“Hoy! Debbie Mae Layson, wala ka sa pagent para kumaway nang kumaway. Itikom mo nga ‘yang bibig mo ako ang nangangalay sa sa ginagawa mo.”
Debbie Mae pala ang pangalan niya. Nang lingunin ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon, napabuntong-hininga ako. Si Alfred Sandiego, kaklase ko, karibal sa accademics simula high school.
“Gago! Ang tanda mo na hindi ka parin marunong tumawid?” pagpatuloy ni Alfred, bumusangot naman si Debbie sa tinuran niya. “Tumawid ka, wala namang sasakyan,” laglag ang kayang balikat at nagpapadyak mukhang iiyak na.
‘Pero ang cute niya paring tingnan.’ saad ko sa aking isipan.
Rinig ko ang pagbuntong hininga ni Alfred sa inastang pinakita ni Debbie, mukhang hindi niya mapapasunod ang dalaga sa gusto niyang tumawid sa kalsada papunta sa kanya. Lihim akong huminga nang malalim sa eksenang nakita. ANg kaninang saya, at parang nasa alapaap na naramdaman ko napalitan ng mabigat na pakiramdam.
Pakiramdam ko sinasakal ang puso ko sa nasaksihan. KUng ganun, hindi pala ako ang nginingitian at kinakawayan niya kanina. Ang buong akala ko kilala niya ako, o, kaya namumukhaan, iyon pala iba ang taong pinagalayan niya ng kanyang matamis na ngiti.
Aalis na sana ako sa pagkatayo dito sa aking puwesto nang mapansin ako ni Alfred. Gulat siyang tumingin sa akin hindi inaasahan na narito ako, ginawaran ko siya ng blangkong tingin nang ngumisi ito.
“Cathilic school ‘to pero may estudyante na mala satanas ang asal na nakapasok,” insultong pagparinig niya sa akin at pinatunog ang dila saka dismayadong umiling. Hindi ko siya pinansin, nagbingi-bingihan ako hanggang sa maka alis siya at pinuntahan si Debbie sa kabilang kalsada na hindi parin na alis ang busangot sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
General FictionR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...