Chapter48
Us
...................................
Ngayon lang ako nagkalakas ng loob magkwento sakanila. Narito kami ngayon sa kwarto ni Mildred. Inaya ako ni Hera doon para pag-usapan ang mga bagay-bagay. Pagtapos ko umiyak ay ikinwento ko sakanila lahat. Lahat ng nangyari samin ni Brayden.
"Kasi naman Marionne. Bakit hindi mo agad sinabi saamin?" tanong ni Mildred.
Kalmado lang si Mildred pero si Hera ay talak ng talak.
"Naku kasi naman eh! Talagang hindi mo masisisi si Fafa Brayden noh! Isuko mo naman ba ang Bataan mo tapos itaboy sya palayo? Sinong hindi magagalit don??" talak pa ni Hera. "Kung sana ipinaliwanag mo kung bakit mo siya pinapalayo sayo edi sana napagusapan nyo yan. Kasi eh' Pride over things ka parin kasi eh. Diba pwedeng Love before pride muna?" talak pa niya.
Binatukan naman siya ni Mildred saka inabot niya ang tissue paper saakin. Lumuluha pa rin kasi ako.
"Hindi ko naman kasi alam na magkakaganto eh" sabi ko at suminghot nanaman. Takte! Lagi nalang akong umiiyak dahil sa Brayden na yan! Lecheng puso 'to. Bakit kasi di ko nalang makalimutan yun eh. Kay Kevin ay months lang ay nakapagmove-on ako agad pero kay Brayden ay umabot na ng taon ay wala pa rin. Masakit pa rin. Hindi ko alam pero iba kasi talaga siya. Ibang-iba sa lahat. Siguro ay dahil na rin sa naibigay ko sa kanya ang sarili ko.
"Dapat kasi inisip mo yung mga possibilities! Ayan tuloy' wala na. Huli kana! Bumalik na yung Rufine at worst, ikakasal na sila. Wala na Marionne! Tigwak!" sabi pa ni Hera na nagawa pang mag-hysterical as if kasalanan ko at hindi na ako pwedeng patawarin.
Binatukan nanaman siya ni Mildred. "Ano kaba! Imbes na suportahan mo ang kaibigan natin idinidiin mo pa!"
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo eh.. Kaibigan kita at concern ako sayo, pero hindi dapat kunsintihin yung ginawa mo! Mali iyon Marionne' maling-mali!" sabi pa niya.
Patuloy lang ako sa pag-iyak habang inaalu ni Mildred. "Wag mu nang pakinggan yang matabil na yan. Basta andito lang kami.."
"Salamat Dred" naiiyak ko paring sabi.
"At teka' sinabi nilang aalis na sila ah? Bakit hindi mo subukang kausapin si Brayden?" tanong ni Hera.
Natigilan ako. Pero umiyak rin ako.
"Hindi niya ako kakausapin. Ni-ayaw niya nga akong makita eh"
"Tsk! Sinubukan mo naba? Hindi pa naman diba?" sabi ni Hera.
"Hera ano ba! Mas lalo mong pinapaiyak si Marionne!" suway naman ni Mildred.
"Eh kasi eh. Hindi siya gumagawa ng move para magkausap sila ni Brayden. We don't know, baka mahal pa ni Brayden si Marionne kaya siya nagpapakita sa buhay niya ngayon... Hindi natin malalaman kung hindi natin aalamin! Cheer up Marionne! Pumunta ka ngayon sa Costa' kausapin mo siya. As if this is the last time. Atleast alam mong ginawa mo ang lahat"
May punto si Hera. Kung mawawala man saakin si Brayden ay tatanggapin ko dahil ginawa ko ang lahat ng makakaya ko. Nagpunas ako ng luha.
"I think Hera's right. I will talk to him" sabi ko at inayos ang sarili ko.
"Are you sure Marionne? Baka umiyak ka nanaman.." sabi ni Mildred.
Umiling ako. "Hindi, kakausapin ko siya. Kung tapos na talaga kami, okay lang kasi alam kong ginawa ko ang lahat. Hindi ko makakayanang manuod nalang sa malayo nang walang ginagawa para makausap siya." sabi ko. Buo na ang loob kong kausapin siya. Kahit kinakabahan ako kapag nakikita siya ay kakayanin ko. Gusto kong sabihin sakanya ang lahat. Kung bakit ko siya pinalayo, kung gaano ko siya minahal at kung gaano ko pa rin siya kamahal.
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
General FictionI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤