Hi Pancheeeennnnn
--SOPHIE'S POV
Lunch break
--"Erin tara na nagugutom na ko e!" Yaya ko kay Erin. Kanina pa kasing nagwawala si Lolong e.
Mukhang nagmamadali si Erin ah. Problema neto?
"Naku pasensya ka na Sophie ha hindi kita masasamahan kumain kasi may meeting kami ng Student Clouncil e. Dun na lang din daw kami kakain sa office sabi ni Mrs. Ocampo. Sorry Sophie ha. Sige alis na ko! Bbye bes iloveyou!" Hmp! Mukhang nagmamadali nga si Erin ah. Pero okay lang naman. Kaya ko namang kumain mag isa e.
"Sige bes see you later na lang!" Pasigaw kong sagot sa kanya. Tumatakbo kasi siya papuntang SC Office e baka hindi niya ko marinig.
"Uy Sophia!" Sino pa ba. Edi ang Kupido ng buhay ko.
Dugdugdug.
"Hi Eros." Unti unti na din akong nasasanay sa presence niya. Naisip ko din kasi na hindi maganda yung may ilangan factor e.
Baka kung ano pa isipin niya.
"Tara sa Cafeteria tutal wala ka namang kasabay at wala rin akong kasabay. Nakita ko si Erin na tumatakbi e. Ano tara? Libre ko!" Pang aalok sa akin ni Eros. Tsaka libre daw e. GO!
"Hehe. Sige!" Sagot ko sa kanya sabay ngiti. Sino ba namang makakatanggi sa isang Eros Andrei Martinez diba.
Inakbayan niya ulit ako.
Teka bat ba ang hilig mang akbay ng isang to? Hobby ba niya. Kung oo magandang hobby yun lalo na kung sakin niya gagawin. Heheheheh.
Dapat masanay ka na Sophie sa sweet gestures niya.
Kasi.
Kaibigan ka lang niya.
-
Kwentuhan at tawanan lang kami hanggang makarating sa cafeteria. Nagiging at ease na din ako sa kanya. Medyo hindi na din ako naiilang. Nice Sophie!"Upo ka Sophia, bibili lang ako ng pagkain natin." Hinila niya yung upuan para makaupo ako. Ang gentleman niya gwabeee!
"Sige Eros." Haha. Wala e. Girl of few words ako e.EROS' POV
Si Sophia.
Madali lang siyang pakisamahan.
Kahit tamihik siya okay lang sa akin basta kasama ko siya. Ang saya saya ko ngayon kasi sabay kaming kakain.
Sana siya din.
Pumila na ako sa bilihan ng pagkain. Tiningnan ko si Sophia mula sa table namin. Ang ganda niya talaga. Masyado lang siyang tahimik at mahiyain pero sobrang lambot ng puso niya.
Kaya naman napalambot din nito ang puso ko.
Kinuha ko ang wallet ko. Kukuha na sana ako ng pera ng makita ko yung ^Steps^
1. Kilalanin siya.Eto na siguro yung pagkakataon para mas kilalanin ko siya. Susulitin ko na.
Bumili ako ng dalawang kanin, dalawang order ng bbq , dalawang order ng tinola at bumili na din ako ng dalawang tubig para sa amin.
Lumapit ako sa table namin ni Sophia at nakita ko siyang nakangiti sa akin kaya nginitian ko din siya pabalik.
"Sophia kain na tayo." Sabi ko sa kanya sabay lapag ng tray sa table namin.
BINABASA MO ANG
The Battle for Love
Novela JuvenilNagmahal, nasaktan, naiwan, nagtiwala, natuto, nagmahal ulit.