45

642 13 0
                                    

Larra's Pov

Hindi ako papayag na maging masaya sila. Ito na ang tamang pag kakataon para masabi ko sa parents ni Garri ang katotohanan sa buong pag katao ng Everlie na yan.

Papasok na ako ng mansion nila ng biglang may humila sakin. Sinakay ako nito sa kotse na ikinagulat ko.

"Ano ba Gabby, bitawan mo nga ako!" Inis na sagot ko dito.

"Ano bang binabalak mo?" Inis na tanong nito sakin at agad na pinaandar ang sasakyan paalis ng mansion.

"Ibaba mo nga ako, sasabihin ko sa parents mo ang nalaman ko tungkol kay Everlie!" Inis na wika ko dito. Biglang itinigil nito ang kotse.

"A-anong tungkol kay Everlie?"

"Hindi totoong mayaman si Everlie, nag papangap lang sya na mayaman." Nakangiting wika ko dito.

"Sigurado ka ba dyan? Alam ba ni Garri ang tungkol dito."

"Oo, kaya humanda kana dahil siguradong sayo mapupunta ang kompanya nyo."

Bumaba na ako ng kotse nito at pumunta na sa mansion nila. Ito na ang chance ko, tiyak na hindi papalampasin ng parents ni Garri ang tungkol dito.

Kilala ko ang pamilya nila, hindi sila papayag na pati si Garri ay mapunta sa isang mahirap na tulad ni Garri. Mahalaga sa kanila na ma connect sa isa pang mayamang pamilya para mapalakas at maipag patuloy ang business nila. Ganun sa mundo ng mayayaman, dahil future ng mga susunod na generation ang iniisip nila. Wala silang alam kundi ang mag payaman ng mag payaman. Ayuko ng bumalik sa dati kong buhay, dito ako nararapat. Pag pasok ko ng mansion ay agad kong naabutan ang mag Asawa.

"Larra iha, what's bring you here?" Nakangiting wika ni tita Rizza. Agad akong nakipag beso dito.

"Maupo ka muna, Yaya mag dala ka nga ng meryenda dito!" Wika ni tita Rizza.

"Wag na po kayong mag abala tita, may importante lang po akong sasabihin sa inyo tungkol sa Bago nyong daughter in law." Nakangising sagot ko dito.

"What about Everlie? May nangyare bang masama sa kanya?" Nakakunot noo na tanong nito.

"About po ito sa totoong pagka-tao nya. Nalaman ko po na hindi talaga galing sa mayamang pamilya si Everlie. Nalaman ko po na baon sa utang si Everlie, at siguradong ginamit nya lang si Garri para makapag bayad." Wika ko sa mga ito kaya napakunot ang noo ng mag Asawa.

"Totoo ba yang sinasabi mo iha?" Di makapaniwalang wika ng ama ni Garri.

"Yes Tito, mukang alam din ni Garri ang tungkol dito. Pinaniwala nila kayo sa kasinungalingan dahil alam nilang hindi kayo papayag na maikasal silang dalawa." Dagdag na wika ko.

Biglang napasandal si tita Rizza sa Asawa nya. Mukang hindi ito makapaniwala sa nalaman nya.

"H-honey, sabihin mong hindi totoo to." Umiiyak na wika ni Tita Rizza.

"Sorry po tito and tita pero totoo po ang lahat ng nalaman ko. Nakausap ko ang anak ni Mr Tan kung saan may utang na 500k ang yumaong ama ni Everlie. Marahil ay inakit ng babaeng yun si Garri para makakuha sya ng pera na maipang babayad sa utang nya. At hindi pa talaga sya na kontento kaya plinano nya na maikasal kay Garri para makaahon sa kahirapan." Dagdag na kwento ko..

Mas lalong umiyak si tita Rizza. Finally at nasabi ko na din sa kanila. Tapos na ako Everlie, tiyak na sila na ang gagawa ng paraan para pag hiwalayin kayong dalawa. Ako pa rin ang panalo sa laban na to, mapapasakin din si Garri.

** Yvette's Pov **

Hangang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang kami na ni Akla. Hindi pa naman sya totally boy na boy, nag aadjust pa rin sya pero ayos lang yun sakin. Atleast ngayon alam kong mahal nya na ako.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon