Hue #2
Naia's POV
"Do you want to be the subject of my nude painting?" I repeated, blinking my eyes.
Sinubukan ko na gayahin iyong mga pabebe na babae kaso mukhang wala namang talab dito sa gwapong lalaki na ito dahil hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng mukha niya—pati ang kulay brown na mata niya. Samantalang ako ay kinikilig na tapos pakiramdam ko ay namumula na ako—makalaglag panty ba naman kasi kagwapuhan niya.
Paano kapag ngumiti siya o hindi kaya naghubad sa harapan ko? Odi, wala na...talo na ako!
"Ano, G ka ba?" tanong ko. Para kasing natulala siya sa kagandahan ko. Malamang naman, no! Luciana-Valle yata ang angkan ko.
"Miss," tugon niya.
Holy! Bakit ang ganda ng hagod ng boses? Or...bias ba ako kasi crush ko na siya agad. Oo. Wala ng explanation pa kung bakit—basta crush ko na siya agad.
"Yes?" Ngumiti ako sa kanya pero snob, ni hindi man lang ngumiti.
"How would you describe me?" tanong niya sa seryosong tono.
"Huh?" Napakurap ako tapos medyo nagulat sa tanong niya. "Uhm, describe you? Tall, dark, handsome, matangos ang ilong, makapal na kilay, mapungay na mata na parang inaantok lagi or sleepy ka ba talaga?" Tumawa ako tapos siya ay dedma lang.
Shit. Ang hirap naman patawanin nito, Lord! Ano na? Bakit ba ganito ang mga tipo ko?
Tinuloy ko pa ang description ko sa kanya. "Tapos ano, flow haircut ba tawag sa style ng buhok mo? Hmm...mukha kang matalino tapos medyo masungit...then—achooo!" Hindi ko napigilan ang pangangati ng ilong ko kaya naibaba ko ng wala sa oras ang kuting.
Muntik ko na nga maihagis ang kuting kaya mabuti na lang ay nasalo nitong gwapong lalaki. Ako kaya...sasaluhin niya kapag nahulog sa kanya?
Medyo tanga lang ako kasi pinahid ko pa sa ilong ko ang kamay ko na humawak sa kuting kaya tuloy iyong paghaching ko roon. Maiiyak na nga ako kasi hindi ko talaga mapigilan. Nakapikit na rin ako tapos pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga.
Hindi ko alam kung ano na ang ginawa ng lalaki kasi nakapikit ako tapos pinipigilan ang paghaching hanggang sa may humawak sa kamay ko.
"Achooo!" Lumingon pa ako sa gilid para hindi matalsikan itong lalaki na hawak na ang kamay ko.
Oh, Lord. Bakit ang lambot ng kamay? Pagdilat ko—hawak niya ang kamay ko tapos kinuha niya ang alcohol at in-spray-han ang kamay ko. Saka niya nilagay ang isang inhaler. Aba! Ang gentlemen naman ni Kuya nursing student. Bakit ba kasi wala siyang nametag? Hindi ko tuloy malaman ang pangalan niya.
"Alam na ngang may allergy tapos hahawakan pa ang pusa," bulong niya bago umikot doon sa kabilang side dala iyong pusa.
Ako naman, hinabol ko siya habang gamit iyong inhaler na binigay niya kaya naging maayos naman na ang paghinga ko paglapit ko sa kanya.
"Ano, payag ka na?" pangungulit ko kasi hindi pwedeng palampasin ko ang pagkakataon na ito.
"You still remember your description of me, right?" tanong niya kaya tumango ako. "Is there a word nude in there...or did you see me as someone who would take off my clothes and pose for women?" Nagsalubong ang dalawang kilay niya.
"No." Mabilis na sabi ko.
He smirked. "There. You have your answer."
My lips parted. Wait...what? Did he just play a trick on me? Teka–teka—hindi ko tanggap!
BINABASA MO ANG
Hue in my Palette (Hue Series #1)
Любовные романыHUE SERIES # 1 Rejection isn't part of Noreen Valle's vocabulary. She grew up getting everything or anything she wanted without doing much work. May it be new clothes, luxury bags, limited edition shoes, cars, a motorbike, an island, even her passio...