"Pamela! Bilisan mo nga ang pagbibihis mo! Mahuhuli tayo sa party ng pinsan mo!" Sigaw sa akin ni inay na ngayon ay sinasara na ang aming mga bintana sa bahay
"Opo inay! Saglit lang." Sigaw ko rin saka pinagpatuloy ang pagme make-up sa mukha ko
Debut ngayon ng pinsan kong si Diana kung kayat naka dress ako ngayon at nagme make-up. Hindi na ko nag-abalang ikulot pa ang aking buhok. Itinirintas ko lamang ito para hindi bumuhaghag. Baka akalain nilang ako ang may birthday. Charot lang!
Kanina ko pa tinatakpan ng BB cream ang mga pimples ko pero hindi pa rin ito matakpan takpan. Lalo nat ang iba kong tigyawat ay malaki, namumula at may nana pa.
"Aray ko! Shit!" Napa aray ako dahil pumutok ang isang kong tigyawat nang subukan ko itong lagyan ng cream.
'As usual, panibagong butas nanaman sa mukha. Hay buhay!' Sabi ko sa loob-loob ko
Nang makarating na kami sa venue panay bati namin sa mga kamag-anak ko na madalang namin makita.
"Oh kumare! Mabuti naman at nakapunta kayo. Hindi ba nakapunta ang anak mong si Pamela? Bakit katulong niyo lang ang kasama mo?" Tanong ng isang sosyal na babae na lumapit sa amin. Sa pagkakaalam ko, siya ang ina ng debutant.
"Naku ate! Iyan si Pamela! Ang nag-iisa kong anak. Anak mag mano ka sa tiya mo." Sabi ni inay at magmamano na sana ako nang ihiwalay niya ang kamay ko sa kanya
"Naku huwag na iha. Sige maupo na kayo doon at malapit na magsimula ang party." Sabi niya na halata sa mukha niya ang pandidiri
"If I know, ayaw niyang magmano ako sa kanya dahil natatakot siyang masugatan ng mukha ko ang kamay niya." Bulong ko sa sarili ko
Natapos na ang party at lumapit na kami sa pinsan kong si Diana upang batiin siya.
"Happy birthday pamangkin!" Magiliw na bati ni inay sa kanya
"Thank you po tita!" At nagbeso beso sila
"Ahm, happy birthday." Nahihiyang sabi ko. Magka school mate naman kami pero hindi kami nagpapansinan sa school.
"Thanks." Mataray niyang sabi
"Ayaw mong makipag beso? Parehas lang pala kayo ng nanay mong duwag! Di naman kayo masusugatan sa pimples ko noh!" Sabi ko sa kanya pero sa isip ko lamang iyon sinabi.
Nang makauwi na kami, dumiretso na agad ako sa kwarto at nagbihis. Naghilamos din ako at humarap sa salamin.
"Bwisit kayong mga tigyawat kayo! Bakit ba hindi kayo maglaho sa mukha ko?!" Sabi ko habang kinakapa ang mga pimples ko
Titirisin ko na sana ang pimple ko na may nanang malaki na nasa gitna ng noo ko nang may naaninag ako sa salamin.
"Sino ka?!" Tanong ko rito nang lingunin ko siya
"Ako ang diyosa ng katigyawatan. At nandito ako upang tulungan ka sa iyong butas butas na mukha." Aba kung makalait ang diyosang ito wagas!
Kung idedescribe mo ang itsura ng diyosang ito, masasabi mong perfect siya. Sexy, maputi, makinis, kulay ginto ang kanyang buhok at ang mukha niya ay wala man lang isang blackhead. Bigla tuloy akong naiinggit sa kanya.
"Maaari kang maging kasing perfect ko sa isang kondisyon." Sabi niya kaya nadistract ako sa pagkakatitig sa kanya
"Talaga? Pero paano?" Tanong ko na manghang mangha
"Kailangan mo akong tulungan sa task ko. Dapat ka ring maging dyosa. Dyosa ng tigyawat."
BINABASA MO ANG
Dyosa ng Tigyawat
Fiksi RemajaSi Pamela ay isang simpleng babaeng puro tigyawat sa mukha at nagbago ang kanyang buhay dahil sa isang dyosa.