February 20, 2023
You
The man I hurt the most.
La Douleur City
Peterborough, PhilippinesDear You,
Hi? Kamusta?
Paano ba kita kailangang batiin?
Hndi ko kasi talaga alam kung paano ba sisimulan ang liham na ‘to. O kung ano bang salita ang dapat kong gamiting pambungad?
Naisip ko din na baka pagkatanggap mo ay hindi mo na ‘to basahin at direktang sunugin na lang. O ‘di kaya’y itapon na para bang basura lang. And I understand that.
Kasi alam kong galit ka sa’kin. Alam kong hindi mo pa rin ako napapatawad matapos nang nangyari five years ago.
Pero despite that uncertainties, gusto kong humingi ng tawad.
Patawad kasi ginambala ko ang buhay mo. Patawad kasi hindi ko napanindigan ang mga pangakong binitawan ko. Mga pangakong nagsilbing pundasyon nang isang relasyong akala ko hanggang sa huli na.
Pero siguro nga may mga bagay na hindi ko talaga pwedeng pangunahan. Siguro totoo nga ang mga sabi-sabing kapag plinano na’tin ang isang bagay maaaring hindi ito matupad. Na-ji-jinx kumbaga.
Gaya na lang ng isiping makabuo ng pamilya kasama ka. Isiping mag-martsa papunta sa harap ng altar kung saan ka naghihintay habang magkatagpo ang ating mga mata.
Nakaka-tangina, ‘di ba?
Kasi alam mo ba? Tinatanong ko ang sarili ko sa bawat pagmulat ng mga mata ko sa umaga… “Paano kaya kung hindi ko inisip ang mga bagay na yun? Tayo pa rin kaya?”
Pero hindi, e. Tapos na ang lahat ng yun. To the point na kahit anong gawin kong pag-overthink at kahit ilan pang what ifs ang maisip ko… hindi na maibabalik nun ang kahapong lumipas na. But it was just too ironic that I was the reason behind that.
The reason why it had ended in a way na masyadong mabilis at magulo. Magulo to a certain extent na kahit ako parang gusto ko na lang sabunutan ang sarili ko. Kasi ako din naman ang dahilan kung bakit ayaw mo na akong kausapin o kahit tapunan man lang ng tingin sa tuwing nagkakasalubong ta’yo.
Sorry. Sorry talaga. I know I’m being redundant but I’m really sorry. Kahit alam kong hindi ito sapat at magiging sapat para paghilumin ang sugat na iniwan ko. Hindi lang sa puso mo kundi pati na rin sa pagkatao mo. Pero please…
Humihingi ako ng pagkakataon para maipaliwanag kung bakit ko nagawa ang lahat ng yun. Kung bakit tinanggihan ko ang singsing na matagal ko nang pinangarap na maisuot sa pala-singsingan ko. Kung bakit naipahiya kita sa harap ng pamilya at mga kaibigan mo. Kung bakit kinailangan kitang alisin sa buhay ko sa mga panahong yun. At higit sa lahat kung bakit ngayon lang ako naglakas loob na maisulat ang liham na ‘to para ipadala sa’yo.
Pero hindi ko isasama sa sulat na 'to ang mga dahilan sa lahat ng mga bakit na nabanggit ko. Kasi gusto kong harap-harapan tayong makapag-usap. Harap-harapan kong maipaliwanag ang lahat. Kaya pwede ba?
Oo, alam kong iniiwasan mo ako. Pero pwede ba tayong magkita? Kahit sa huling pagkakataon... pwede ba?
Kahit sa sulat mo na lang din ako bigyan ng sagot. Okay lang. As in okay lang talaga. Kahit negative man ang sagot na matanggap ko. Atleast, sinagot mo. Kontento na akong malaman na binasa mo ang liham na ‘to ‘pag nagkataon.
Ngunit may dalawang bagay lang akong gustong iparating sa’yo bago ko tapusin ang sulat na ‘to which I hope na umabot ka sa puntong 'to. Baka kasi halfway through, pinunit mo na ang sulat na 'to. But I hope not.
Kasi here's the two naked truths na maaaring makapagbago ng kung ano mang magiging sagot mo kung sakali.
It’s also the main objectives of writing this letter for you.
First, gusto kong malaman mo na hindi ako nagsisisi sa mga nagawa kong yun… never and will never be.
Second and the last one, gusto kong malaman mo na hanggang ngayon... mahal pa rin kita. Sobra.
Still loving You,
Me
BINABASA MO ANG
Dear You: Scarred Heart's Plea
RomanceThis was an open letter written by a woman living at the City of Prejudice called La Douleur to the man she had pushed away from her life. The letter that talks about her scarred heart's plea. Can this letter reach the man she had longed for? Or wi...