Emmanuel Montefalco
Galing kami sa burol ni Mrs. Layson, ang ina ni Debbie. Lalapitan ko na sana siya kanina pero umatras ako dahil kasama niya si Alfred. Matapos ang deal namin makaraan ang isang taon hindi ako nagpakita sa kanya intentionally. Nag-fucos ako sa pag-aaral sa negosyo na ipamana ni dad sa akin. Pero kapag nagkikita kami sa mga gatherings, kinikibo ko naman siya nagbabakasakali kung may maikuwento siya about kay Debbie.
Kumunot ang noo ko nang mapansin ang dalawang kotse na nakasunod sa amin, pinagitnaan ang sasakyan namin. Nasa likod kami naka upo dalawa ni mommy at si daddy ang nagmamaneho. Hindi ko nalang pinansin dahil marami ang dumalo sa huling lamay ni Mrs. Layson baka isa sila sa mga dumalo.
“May progress na ba doon sa kinukuwento mong babae na gusto mo?”
“Naku! MAlamang wala pa. Ewan ko kung nasaan nagmana iyang anak mo gayong hindi naman ako torpe noong kabataan ko.”
Binatukan ni mommy si daddy nang siya ang sumagot sa tanong na dapat ay sa akin. “HIndi ikaw ang tinatanong ko huwag kang sumabat,” ani mommy.
Nagtagpo ang tingin nila sa rearview mirror. Napasimangot si mommy when daddy mouthed “I Love You” to her. Dahil naglalambigan ang dalawa, ibinaling ko sa labas ng bintana ang aking tingin. HIndi naman sa naiingit ako, ibinibigay ko lang sa kanila ang moment na’to.
Nakahinga ako ng maluwag nang umuna sa amin ang sasakyan na kanina naka dikit sa amin. Palabas na kami ng Padada nang may tatlong motor na biglang humarang sa sasakyan namin. Mabilis kong niyakap si mommy nang muntik na itong masubsub sa biglaang pagpreno ni daddy.
Natulala kaming tatlo sa gulat sa bilis ng pangyayari nang nakatutok na sa amin ang mga baril nila. Ang sakay sa sasakyan na nakasunod sa amin kanina may hawak rin na baril, nakatutok ito sa amin habang naglalakad patungo sa kinaroonan ko. Ramdam ko ang panginginig ni mommy, yakap ko parin siya.
“David, ‘wag.” nanginginig na sambit ni mama ng kinuha ni daddy ang baril niya. “Wala tayong laban. Panginoon ko. Sino ba sila? Anong kailangan nila sa atin, David?” umiiyak na sambit niya.
Si daddy, hindi alam ang gagawin. Maski ako, sa sitwasyon na’to hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, wala akong maisip na paraan, nakayakap lang ako kay mommy. Hindi rin makadaan ang sasakyan namin dahil nakaharang ang tatlong motor at may sasakyan din sa likod namin. Wala rin malikuan dahil pangpang na sa gilid. Ngunit, bakit ito nangyari sa amin? ITo ang tanong ko sa aking sarili dahil sa pagka alam ko wala namang kaaway ang pamilya namin.
“Dad.”
“I-I don’t know. Hindi ko alam anong nagyayari.”
Taranta na sambit ni dad dahil walang tigil ang pag-iyak ni mommy. Humarap si daddy sa amin at hinahawakan ang kamay ni mommy, pinapatahan ito. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Alfred.
“Sandiego, we need your help. Tinambangan kami. Nasa labas na kami ng Padada. Marami sila at may mga baril.”
“Papunta na ako.”
Dahil fully tinted ang salamin ng sasakyan, hindi alam ng suspek kung sino o alin sa aming tatlo ang target nila. Taimtim akong nagdasal na sana walang mangyaring masama sa amin. SAna nagkamli lang sila at aalis na. Humiwalay ng yakap si daddy kay mommy. Naka handa na si daddy na imaniubra ang sasakyan ng makarinig kami ng seren ng pulisya.
Nakahinga ako ng maluwag. Ngunit ang pakiramdam na iyon ay napalitan ng takot at kaba nang marinig ko ang isang putok ng baril. Yumakap si mommy sa akin. Ang isang putok nasundan pa ng isa, naging dalawa hanggang sa hindi ko na mabilag.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Mafia Husband [COMPLETED]
Fiksi UmumR-18. Not suitable for young readers. Debbie Mae Layson, ang babaeng naghahangad na mapansin at makita ng lalaking pinagpantasyahan niya sa magazine; si Emmanuel Montefalco. Ngunit sa hindi inaasahan, dahil sa dare ng kanyang kaibigan na akitin...