PROLOGUE

2 0 0
                                    

"Well well well, look who's here"

agad na napanhinto sa pagpasok nang kwarto niya si Kyla Reign or Reign for short nang marinig ang boses na sa hinagap ay di nya naisip na maririnig nya pa ulit

"Kairah Rainn"

bigkas nya sa pangalan nang taong nasa harapan nya,

prete itong nakasandal sa pader malapit sa pintuan  at matamang nakatingin  sa kanya, ang mga mata nito ay walang emosyon habang isang malamig naman ngiti ang nakaguhit sa labi nito.

"How are you my dearest twin sister?balita ko may kalokohan ka daw na ginagawa ah"

yes, she's her twin sister.

halos mapalunok sya sa lamig nang boses nito.

Sabi na nga ba nya e, the last moment na sinabi sa kanya nang mommy nya na hindi na nito alam ang gagawin sa kanya it was also the time na magsusumbong ito sa taong nasa harapan nya ngayon.

Mariin syang napapikit nang makita ang pagkilos nito at paglapit sa kanya

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo ms all good perfect daughter?di ba may usapan tayo"

Tumama sa puno nang tenga nya ang mainit na hininga nito nang bumulong ito sa kanya

"s-sorry-"

"sorry for what?"

kabado syang napamulat nang marinig ang pagak na pagtawa nito

"kai-"
"stop calling my name!"
matalim na tingin ang binigay nito sa kanya.

isang malalim na hininga naman ang hinugot nya bago sumagot dito

"hindi ko gustong sirain ang kalayaan mo"

seryoso nyang saad dito

"talaga lang ha"

nang uuyam naman ang tono nitong saad sa kanya

"baka oras na kasi talaga para maalala mo kaming pamilya mo, oras na para maisip mo kami-"

isang malakas na sampal ang tumama sa mukha nya bago pa sya matapos magsalita

"Tanga ka ba reign?akala ko ba naman ikaw ang perpektong anak nang pamilyang to pero bakit ang b*bo b*bo  mo!"

Dama nya ang diin at galit sa pananalita ni kairah pero mas pinilit nyang matapang harapin ito

"ano ba talagang problema mo! mula pagkabata ayaw mo na sa kin, lagi kang galit ni maging kalaro o kasabay ako kumain ayaw mo kairah rainn! kapatid mo ko, magkapatid tayo kambal pa nga bali baliktarin mo man ang mundo hindi mo mababago yon."

puno nang hinanakit na saad nya dito

"A-YO-KO SAYO period"

tila nang iinsulto nitong saad

masakit man pero sanay na sya.
hindi naman kasi ito ang unang beses na tahasang inamin nito ang pakadigusto sa kanya.

"Bakit? Palagi mo na lang yan sinasabi kairah at gusto kong malaman kung bakit"

isang buntong hininga  ang pinakawalan nito bago dumistansya sa kanya nang konti at malamig na tiningnan sya

"kasi ikaw si Kylah Reign Salvatore , ang perpektong anak. Mabait, matalino, reponsable, at kamahal mahal san ka pa diba? "

sarkasmong saad nito at hilaw nangumiti sa kanya.

"Kaya kung ako sayo itigil mo na yang kalokohan ginagawa mo"

nagsimula naman nang mamasa ang mga mata nya dahil sa tinuran nito

"hindi ko kaya"

alam nya naman ang kalokohan na sinasabi na nito at alam na alam din nyang hindi nya kayang sundin ang sinasabi nito

"e ang kalabanin ako kaya mo?alam mo ang kaya kong gawin reign, lalo na't wala ka namang halaga sa kin"

sarkasmong saad nito sa kanya
umiiling iling naman sya dito at tuluyan nang umiyak dito

"nagmamahal lang ako kairah"

mataman nyang turan dito

"at yang pagmamahal mo ang sisira sa buhay ko"

pagak naman nitong turan sa kanya

"hindi ko kaya ang sinasabi nyo, alam kong naiintindihan mo ko kairah ipinaglalaban ko lang ang taong mahal ko"

malamig naman tong tumawa sa kanya

"okay sige, kung ganyan lang din naman pala reign, pasensyahan na lang tayo. ipaglalaban ko rin ang kalayaan ko "

nang uuyam ang tono nito pero seryoso ang tingin na binibigay sa kanya

"Let's be both selfish then but in different aspect. Fight your love and I'll fight for my freedom. Let's see kung sinong unang susuko at magiging talunan"

seryosong turan nito at walang kaabog abog s'yang tinalikuran

 BEHIND THOSE GLASSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon