Chapter 3: 2nd Encounter

34 5 0
                                    


"Arf...arf..arf" tahol ni Levi

"Uy Levi musta na" dahil sa natulala ako ng konte nabitawan ko si Levi at pumunta siya sa babaeng madaldal. Bakit kaya nilalapitan ni Levi itong babaeng to?

"Arf..arf"

"Namiss din kita 4 days na tayong di nagkita" aba kaylangan yakapin? Sila na ang nag kakaintindihan..

"Levi come here" tawag ko

"Levi tawag ka ng amo mong masungit haha" aba! So what kung masungit ako? As if I care

"So what kung masungit ako? Kesa naman madaldal!" Sabi ko. Umupo ako sa tabing swing nya

"Im just stating the fact. Ang thanks for the complement" aba siya lang yata an nag pasalamat na sinabihang madaldal?

"K" tipid kong sabi. Aba nginitian lang ako?

"Bakit pala kayo nandito?"

"Kasi gustong pumunta ni Levi dito" sabi ko

"Ganun ba ok. Nag miryenda na kayo?"

"Bakit mo tinatanong manlilibre ka?" Biro ko

"Hindi, mag papalibre sana ako haha" sabi nya at nag hand gesture pa. Bakit ba laging nakatawa to, parang walang problema sa buhay..

"Wow ano kita para ilibre?" Sarkastikong sabi ko

"Kaibigan ng aso mo?" Inosenteng tanong nya

"Nag papatawa ka ba? " napa smile ako ng kaunti sa sinabi nya. Kaibigan ng aso ko? Hahaha parang ewan naman itong babae na ito.

"Edi yan ngumiti karin" nag smile ba talaga ako? Oa naman ng babae na ito.

"Big deal ba??" Tanong ko

"Since makita kita, ngumingiti ako pero di ka ngumingiti. Yung nakaka usap ko pag ngumingiti ako nginingitian nila ako" sabay swing niya sa duyan na inuupuan niya

"Tsk OA mo!" Sabi ko

"Tara kain tayo, libre ko" sabi nya.

"Weh? Di mo man ako kilala tapos lilibre mo ako? Paano kung masama pala akong tao?" Pananakot ko

"I trust you naman eh. Nasayo nalang kung sisirain mo" tumayo na siya

"Sure kang lilibre mo ako?" Tanong ko malay mo joke lang

"Ayaw mo? Ikaw na manlibre kung gusto mo. Tayo na dyan" sabi niya. So seryoso nga

"Nakakahiya. Kanya kanyang bayad nalang" sabi ko. Nahihiya pa ako? Kala ko ubos na

"May hiya ka pa pala haha" aba. Oo naman! Ano tingin mo?

"Oo naman!" Depensa ko

"Joke lang haha. Ako na ang manlibre kasi wala lang" ay parang baliw?

"Bakit ba tawa ka ng tawa? Parang wala kang problema ha?" Masiyahin siya ha. Di yata uso ang sumimangot

"Kasi I enjoy everything, I appreciate everything kasi diba life is short,di natin alam kung kailan kukunin ni Lord ang life nya na pinahiram" wow she value life talaga?

"Ah. K" tipid kong sabi

"Wow haba ng sinabi ko tapos ah at k lang? Hanep ang sagot mo" sabi nya

"Edi wow"

"San mo gusto? Or anong gusto mo?" Tanong niya

"Kulit mo. Kanya kanya nga" sabi ko

"Ay di kalang masungit,makulit din no. Ako na sabi!" Pilit nya

"Di kalang din madaldal,makulit din. Kanya kanya sabi!" Sabi ko

"Ako na"

"Kanya kanya"

"Ako na!"

"Kanya kanya!"

"Ang cute ko"

"Oo na"

"Ahahaha ang cute ko daw ayiie haha" ha?? Nasabi ko bang oo na? Oo na mag papalibre na yun ang ibig sabihin ko..

"Kapal mo. Oo na ilibre mo na ako! Hindi ka cute" sabi ko na misunderstand pa eh!

"Joke lang. Oh dipa napa oo kadin" sabay ngiti nya. Hay naku-,-

"K" bumili na kami ng makakain. Ang takaw niya ha. 25 pesos lang na ice cream diko maubos siya?? 50 pesos. Tapos bumili kami ng bananaque.

"Ang sarap talaga ng ice cream yum yum.." tsk parang bata. Si Levi ayun tinali ko sa bar ng swing. Pang dalawa naman to kaya tag isa kami

"Parang bata. Takaw" bulong ko

"May sinasabi ka?" Wohh. Buti di nya narinig.

"Ah wala."

"Ok. Ayy what time na?!" Tanong nya. Tinignan ko ang cp ko

"Mag sisix na bakit?" Tumayo siya

"Ay sige bye na uuwi na ko. Thanks sa time sungit. Sa uulitin" sabi nya at tumakbo umalis.

"Bakit kaya nag mamadali yun" sabi ko sa sarili ko. Katapos non umuwi na ako. Pagabi na rin.

A/N:
Sorry po if magulo ang story. Nag loloko po kasi ang signal kaya nadoble yung isa if naabutan nyo ang part na yon sorry.. pero na ayos na naman eh.. thanks sa mga nag vovote and sa mga nag babasa. Share and Vote:)

A Little Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon