My Thoughts

9 1 0
                                    

Hindi ko alam kung Paano ako umabot sa punto na isusulat ko ang nararamdaman kong kahit ako eh Hindi malaman kung PAANO haharapin.

"Mahal ko Siya. Mahal na mahal ko Siya. Minamahal ko Siya. At minahal ko Siya. "

Sa mga iyan ako nalilito, ano na ba Talaga ang Estado ng puso ko?
Ano na ba Talaga ang tunay na nararamdaman ko? Saang Banda ba sa buhay kong kapiling Siya una kong naramdaman na Unti2x ng nawawala ang pag-ibig na nuon pa man ay iningatan ko na at labis na pinaglaban?

Hanggang kailan ko kakayaning itago sa kanya na sa araw-araw na ginawa ng maykapal, nagiging Malabo na ang Lahat?

Oo mahal Niya ako at oo mahal ko Siya. Pero ang tanong, sapat na bang dahilan yun para ipagpatuloy ko pa o Oras na para sabihin ko ang mga katagang siguradong guguho sa pundasyong ilan taon naming pinaghirapang itayo?

Mahal ko Siya, OO totoo yun, pero ang tanong: Hanggang kailan?
At ang Mas masakit na katotohanan:

Kaya ko pa bang suklian ang pagmamahal na buong-buo niyang binibigay?

Ano na? PAANO na?
Masakit mang aminin, pero Hindi ko rin alam 😢

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Paano?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon