Si Stephany Berneza ay isang architect, pangarap niyang makaguhit ng isang bahay kung saan kakaiba ito at malalaman talagang gawa niya.
Kakagraduate pa lang nito pero marami na sa kanyang nagpapaguhit ng bahay dahil sa angkin niyang talento at syempre kagustuhan din niyang gumuhit ng mga dream house o kaya naman ay hotel at kompanya.
Pagkatapos nga nito makapasa sa Architectural Licensure Exam ay inireto na agad siya ng kanyang ama sa kanyang kumpare na balak atang magpatayo ng resort sa Batangas.
"Kumpare? payag na ba anak mo sa ating napagusapan? Sayang naman kase, pwede nya rin itong kuhaning experience at saka mas maraming kukuha sa anak mo kapag nakita nila ang resulta at makikilala kung sino ang gumuhit" Ani ni cedrick na kumpare ng kanyang ama.
"Hahaha syempre naman payag siya, sino ba namang tatanggi sa ninong niya diba?" Reply naman ng ama ni Stephany.
"May pinuntahan lang si Stephany, bumubili ata ng materyales para sa kanyang mga gustong iguhit, siguro ay nandito na yun sa lunch, tawagan na lang ulit kita pare, pati pakamusta na rin kay Bryan, ingat!"narinig ni Stephany ang sinabi ng kanyang ama.
"Tatay si ninong po ba yan? Sayang naman gusto ko sana siya makausap para sa proyekto niya para sakin ,siguro tatawagan ko na lang po mamaya" nakangiting sabi ni Stephany na maraming dalang gamit.
"Ay nako Stephany magkita na lang kayo para mapagusapan nyu nang maayos, mabuting sumama ka na lang sa akin mamaya ,pupunta kase ako sa kanila mamaya dumating na si Bryan galing ibang bansa,mayroon daw pawelcome party" nakataas ang kilay ni tatay at nakangisi habang sinasabi iyon sa akin.
"Haynako tatay tigil tigilan mo ako, alam ko na yang ngisi na yan ehh, wag ka na tumanggi pa and fyi ayaw kuna sa payatot, ang type ko nowadays ay isang bigboy! Bigboy tatay hindi payatot! At pupunta lang ako dun para sa project hindi para I-welcome yung payatot na yun" padabog kong sabi kay tatay.
"Alam mo Stephany ang dami mong sinabi, kung ano ano kase iniisip mo, ngumisi lang naman ako kase mayroong bugs sa buhok mo. Nako nako napaghahalataan ang dalaga namin" sabi sakin ni tatay kayat akoy namula.
"A-ano po bang oras tayo pupunta?" Tanong ko kay tatay.
"4:30 ng hapon simula ng party saka dun tayo tutulog kaya magdala ka nang damit na pang one week siguro" pagiisip ni tatay.
Tumango naman ako at nagpunta na sa aking kwarto, pagkabukas ng kwarto ay nakita ko agad ang aking malambot at nakakaakit na kama, kaya naman ibinato ko ang aking katawan duon at nahiga.
"Haysttt kapagod tapos nalaman ko pang dumating si payatot, nakakastress haysttt" bulong ko sa aking unan.
Dinadalaw na ako ng aking antok kaya plano ko munang tumulog, maaga pa naman 12:45 p.m pa lang at gigising na lang ako mamayang 2:30 para maayos ko gamit ko. Nag alarm na ako para forda sure na magigising.
After few hours.
Nagising ako sa deputang alarm, kayat bumangon na rin ako dahil nakakaramdam na ako ng gutom, bumaba na ako sa hagdan at pumuntang kusina.
Naisipan ko na lang na mag timpla ng kape at kumuha ng isang tinapay kase kakain din naman ako mamaya kayna ninong ,dumeretso na ulit ako sa aking kwarto dahil hindi ko makita si tatay sa salas.
Ibinaba ko ang aking pagkain sa aking mini table at nagsimulang magkalkal ng damit sa aking damitan. Kumuha ako ng ilang pairs ng underwears at susuotin na damit. Habang nahigop ng kape ay inaayos ko na ang mga ito sa aking bag.
"Ay putcha 3:30 na agad yawaa!!" Sigaw ko at dali daling nagpunta sa banyo para maligo.
Dali dali na rin akong nag ayos at nagbihis saka bumaba dala ang aking gamit, buti na lang at kakalabas lang din ni tatay sa kwarto niya.
"Haynako anak, alam mo namang malaki ka na kaya dapat maalam ka nang mag ayos ng mukha mo para naman magkakulay iyan kahit papaano" puna ng aking tatay
"Ehh sa byahe na lang po" ang tangi kong nasabi dahil hindi rin naman ako sanay gumamit ng kolorete sa mukha.
Habang kamiy nasa byahe ay naglagay na nga ako ng make up at tinatanong naman ako ng aking tatay tungkol sa aking love life.
"Bakit ba hindi ka pa nag boboyfriend anak?"
TO BE CONTINUED.
Hi! Thank you for reading.
BINABASA MO ANG
DEFINITION OF MINE
HumorSi Bryan Destua ay matagal nang may gusto kay Stephany Berneza. Ngunit maraming balakid sa kanyang pagmamahal kayat gumawa siya ng paraan para hindi na siya mapigilan. Sa kanyang pagbabalik makukuha kaya niya ang dalaga kung hindi pa ganoong katibay...