Nobyembre

0 0 0
                                    

Aalayan ka lang ng kanta,
Pero sa iba makikipagkita.
Gagawin kang free trial,
Habang number ng iba'y dina-dial.

"Paninindigan Kita"
Mas tugma ang, "Iiwan din Kita"
Pangakong binitawan na ako ay sigurado.
Sa dulo pala ay mananarantado.

Paulit-ulit babasahin
Ang liham na binigay sakin.
Hanggang sa mapagtanto,
Mga salita ay di wasto.

Ngayong malinaw na ang lahat,
Mga pag-uusap natin ay may kaakibat,
Na pansariling kaligayahan mo lamang.
Ako ngayon ay handang humakbang,
Palayo sayo at hindi lilimot,
Sa nakaraan na minsan ay nagbigay sigalot,
Sa nananahimik kong puso at isipan.
Ito ay muling titibok at mamamalayan,
Na ako pala ay malaya at ang kaligayahan,
Ay araw-araw nararamdaman.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 25, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

NobyembreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon