I

93 3 1
                                    

"Good morning!" Bati ko sa mmga kaibigan ko nang makalapit ako sa table namin. Umupo ako sa isang bakanteng silya.


Humikab si Katherine. "Morning."


"Magandang buhay, Lia!" Sabi naman ni Sandra na pinagsalikop ang dalawang kamay at mapungay ang mata.


"Gandang gising, Sandy?"


"Ang aga ko kasing nakita si crush eh." Kinikilig niyang sabi.


"Nakita niya nga, may kasama namang iba." Tumawa si Katherine kaya hinampas siya ni Sandy,


"Sinong crush? Dami mong crush eh."


Umirap siya. "Si Thorn kasi, te."


Nginiwian ko lang siya at inilagay sa tainga ko ang earphones ko.



6:40 pa lang naman kaya dito muna kami sa cafeteria. Pasukan na naman. Third year na ako sa kursong Business Ad. Yung dalawa kasi ay Psychology ang kinuhang course. Hay. Maaga na naman ang gising. Minalas pa sa schedule dahil puro 7 ng umaga ang pasok ko.



Bumukas ang double doors ng cafeteria kasabay ng pananahimik ng mga tao. Nakita kong pumasok ang mga Uehara. Si Acacia ay nakasuot ng drape shirt na pinatungan ng itim na blazer, white skinny jeans, at black stilettos. Si Azalea naman ay naka-long sleeve shirt na pinatungan niya din ng blazer, skinny jeans, at black pumps. Nakasunod lang sa kanila sina Brendan na naka-polo shirt, jeans, at topsider, at si Emmett na button down shirt, jeans, at topsider ang suot.



Pinanood kong maglakad sina Acacia at Azalea na halatang sanay na sanay magsuot ng matataas na heels. Easy easy lang eh. Para tuloy akong nanonood ng live na fashion show. Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaupo sila. Isang table lang ang pagitan namin.



"Kuya, calm down. He won't be late." Narinig kong sabi ni Acacia kay Brendan.


"Anong oras na ba kasi yun umuwi kagabi at puyat na puyat? First day of school, late siya?" Tanong ni Brendan sa mga kapatid.


"Maaga." Sagot ni Azalea.


"Maaga? Baka umaga!" Sabay na sabi nila Acacia at Emmett. Nag-high five pa solang dalawa.



Nakakatuwa talaga sila panoorin. Kung hindi mo kakilala, aakalain mong magkakaibigan lang. Madalas silang mag-night out, pero hindi ko naman nababalitaang bumabagsak sila sa kung ano mang subject. Hindi sila pabaya sa studies. Ang alam ko nga, matatalino sila lahat.



Napalingon ako sa kaibigan kong si Sandy nang magsalita siya.


"Ang gwapo talaga ni Thorn. Grabe, kahit simple lang yung porma, lakas pa din ng dating!" Kilig na kilig na sabi ng kaibigan kong hibang na hibang sa mga gwapo. Iniharap niya samin ang cellphone niya at nakita kong nasa profile siya ni Thorn sa Facebook.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TroubleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon