Her POV
"Congratulations yesterday, Solis."
Napangiti ako matapos iyong marinig mula kay Ma'am Frances. Nandito kami ngayon sa club room, nakaupo sa rectangular table sa unahan. Katatapos lang ng first club meeting namin, and it was a success.
The Senior Orientation was also a blast. Naging agaw pansin ang Maroon Carpet na ginawa namin. Pinuri rin ang mga disenyong inayos namin sa event, pati na ang poster na ako mismo ang nagpinta. Syempre, bidang-bida ang talento ko ngunit may hiya pa rin naman.
I was satisfied kahit na tuwing may magtatanong kung kaninong ideya ang maroon carpet ay si Rigil ang sinasabi nilang pangalan. Hindi naman maisasakatuparan ang ideya niya kung hindi rin dahil sa akin, 'no.
"Kasama rin po ako do'n, Ma'am."
Natawa kami ni Faye sa sinabi ni Brean. Kahit si Ma'am ay ganoon din ang naging reaksyon.
"Ang galing daw ng ideya, sabi ni Sir Paulo kahapon after ng event," dagdag ng guro.
Mas napangiti ako dahil hindi lang mga estudyante ang naka-appreciate ng effort ng decoration committee. Nagkatinginan kami ni Faye at sabay na ngumisi.
Kahapon ko rin muling napanood na mag-perform ang babae kasama ang Elorde Cheering Squad. They were all cool and I couldn't help but feel envious. Parang gusto kong sumama sa kanilang mag-perform.
"Of course, congrats din sa first club meeting. Ang next nito for sure ay Leadership Training Camp. Pero 'wag niyo munang intindihin, next month pa naman 'yon," Ma'am Frances chuckled.
Na-excite naman ang dalawa sa narinig. Mukhang ako lang ang hindi ganoon kasaya dahil kung may LT Camp, for sure maraming documentation ang kailangang gawin. Okay lang 'yan, Solis. Enjoy-in mo lang ang stress.
"Sa ngayon, documentation muna tayo. Ipasa niyo nalang sa akin bukas ang minutes of meeting."
And speaking of documentation. Unti-unti kong nilingon si Faye at binigyan ng tingin na alam kong alam niya na ang ibig sabihin.
She slowly nodded and sighed, "Opo, ako na po ang gagawa."
Napangisi ako. Nang tignan ko si Brean ay mukhang kinabahan pa ito ngunit na-relieve nang hindi siya ang gagawa ng report.
"Kumain muna tayo bago kayo umuwi," biglang aya ni Ma'am bago naunang tumayo.
Sinundan iyon ni Brean na ngiting-ngiti naman. "'Yan ang gusto namin, Ma'am."
Sabay-sabay kaming lumabas ng main hall papunta sa park, within campus premises lang din, at doon kumain dahil may ilang food stall at milktea shop na nakatayo roon.
Bukod sa cafeteria, ito ang magandang pagtambayan tuwing vacant. May kalayuan nga lang kaya mas prefer ng iba na sa cafeteria nalang dahil nakakatamad maglakad.
"Bago ko pala makalimutan. Solis, isasali kita sa quiz bee, group category," Ma'am informed me while we were eating.
Nakahigop sa straw ng milktea ko siyang tinignan. "Para saan po, Ma'am?"
"Language and Arts Fest na next, next week. Naghahanap ang mga advisers ng representative sa mga contest na gagawin."
I silently reacted as I started to feel excited. The department annually conducts Festival of Language and Arts every first week of August. Isa ito sa mga pinakahihintay ko kada-school year.
Last year, lumaban ako sa quiz bee at oration, english category, at parehas na nasungkit ang titulo. May malalabanan na ulit ako ngayon, panibagong award and recognition iyon.
BINABASA MO ANG
Beautiful Mistake (High School Series #5)
Teen FictionAs her youthful journey nearly comes to an end, Mariela Solisidad Esperanza became determined to be the valedictorian of her batch and achieve more credentials for college, rather than enjoying her last high school year to the fullest. But her deter...