(Note:Tagalog na to.. Ang hirap mag english)
(EMILYN IS JUST A FICTIONAL CHARACTER)
Si Emilyn ay isang batang mahilig kumolekta ng mga MANIKA
Kahit anong MANIKA na gusto niya ay binibili ng magulang niya
Isang araw, habang nasa loob sila ng antique shop, may nakitang MANIKA si Emilyn
Nakapagtataka dahil hindi ito luma at walang presyo
Pero kahit ganoon gusto niya pa rin iting bilhin
Kinuha niya agad ang MANIKA at sinabi sa Mommy niya na gusto niya itonh bilhin
Pumunta na sila sa Cashier at pagka tingin ng Cash Registrar sa MANIKA ay agad siyang kinilabutan
Di niya alam kung bakit pero sinabi niya na libre nalang ang MANIKA
Masayang umuwi si Emilyn kasama ang Mommy niya dahil naka kuha siya ng isang NAPAKAGANDANG MANIKA at libre pa
Pag uwi nila sa bahay ay agad na pinagmasdan ni Emilyn ang kanyang BAGONG MANIKA
May nakita siya sa may likod ng MANIKA na pindutan
Pinindot niya ito at biglang sabi ng MANIKA "2..2..2..2.."
Hindi niya lamang ito pinansin at nilaro niya nalang ito
Gabi na at matutulog na sila.. May sariling kwarto si Emilyn.
Katabi niya ang kanyang BAGONG MANIKA
Alas dos ng madaling araw ay biglang nagising si Emilyn dahil parang bumigat ang dibdib niya
Pagkamulat na pagkamulat niya ng kanyang mata ay nakita niya ang kanyang MANIKA na nakaupo sa dibdib niya at may hawak na kutsilyo
Gustong sumigaw ni Emilyn kaso hindi niya mabuka ang kanyang mga bibig... Di rin siya makagalaw
Dahan-dahang ngumisi ang manika at iniangat ang kutsilyo
Bigla niya itong itinusok sa dibdib ni Emilyn
Walang awa niyang pinagsasaksak ang kawawang bata..
Kinaumagahan, nakita nalang ng Mommy ni Emilyn na patay na si Emilyn at katabi ang kanyang manika
Hindi nila alam ang sanhi ng pagkamatay ni Emilyn dahil wala namang bakas ng dugo..
Ang kanilang pinaniniwalaan ay nabangungot ang bata
Kinuha ng Mommy ni Emilyn ang kanyang manika at pinagmasdan ito habang umiiyak
Napansin niya rin ang pindutan at pinindot ito. Bigla namang sabi ng MANIKA
"3..3..3..3.."