Sixteenth

389 17 1
                                    

16 - White Lily

I sleep until lunch. Lahat ng pagod sa katawan ko, nawala.

Actually, ilang beses na akong nagising pero inaantok pa rin ako kaya bumabalik ako sa pagtulog.

Bumangon na lang ako nang makaramdam ako ang gutom. Palabas na ako nang silid nang parang may nakalimutan.

10:30 am.

I yawned and decided to cook brunch. Mukhang umuwi na sina A at C kahapon.

Basta ko na lang isinalang ang rice cooker, tapos I decided to fry some hotdogs and eggs.

After a while, kumain na ako at naglinis na rin. Ah, ang sarap ng ganitong feeling. Tapos na ang mga exams and projects. Pahinga muna tapos pre-finals, final requirements then graduation.

Sana lang maging matiwasay ang mangyayari sa darating na araw.

Nag-ring bigla ang phone ko. I frowned at mabilis na kinuha ko ang phone ko. Si Simon, tumatawag.

"Hello, Gale? Asan ka na?"

I frowned. May usapan ba kami? "Huh? Bakit?"

"Ano ba naman, Gale? Nakalimutan mo na ba?"

"Ang alin?"

"May usapan tayo. May date. Basta pumunta ka na dito. Andito ako sa may campus gate."

Then he cut the line.

Medyo na loka ako sa biglang pagbaba ni Simon sa akin. Chineck ko ang call logs ko.

Hala! 25 missed calls at 11 unread messages lahat galing kay Simon.

From: Simon (8:47 am)

Morning Gale! Andito na ako sa may gate. Napa-aga ako ng dating, hehe. Excited. :)

Nanlaki ang mata ko sa nabasa! Maygahd! Kanina pa sya naghihintay sa akin!

Mabilis akong naligo at nagbihis. Kung ano na lang ang isinuot ko, simpleng shirt at white pants then doll shoes.

Pagdating ko sa may gate, nakita ko si Simon na halos di na maipinta ang mukha. Mukhang bad trip na ata.

Tsk! Lagot ako.

"Simon..." Kinakabahan kong tawag sa kanya.

Tinapunan lang nya ako ng tingin at nagsimula na syang maglakad. Natural na sinundan ko sya. Mabilis ang lakad nya na halos tumakbo na ako para mahabol ko sya.

"Kumain ka na ba?" Tanong nya na di man lang lumilingon sa akin.

Lumunok ako bago sumagot sa kanya, "Ah... Oo."

Kinakabahan at natatakot ako sa kinikilos ni Simon.

"Huy! Simon!" Tawag ko sa kanya at abot sa braso nya. "Sorry. Nalimutan ko at tinanghali ako ng gising. I'm sorry."

Patuloy pa rin sya sa paglalakad at di ako pinapansin.

Napakagat labi ako, baka galit na ata talaga sa akin si Simon. Alam ko naman na gusto ko munang iwasan ko sya pero ayaw ko naman na galit sya sa akin.

"Simon..."

Ilang beses kong paulit-ulit na tinawag ang pangalan nya.

"Huy Simon! Wag ka na magalit, I'm sorry. Please." I tried again.

Huminto sya bigla at humarap sa akin. He sighed and looked into my eyes. His poker face turned gentle.

"Hindi ako galit, nagtatampo lang." He explained.

"I'm sorry."

He took my hand and intertwined them with his. "Di pa ako kumakain, samahan mo na lang ako mag late lunch."

"I'm sorry talaga." Guilt feelings are eating me. Ang sama kong tao.

He squeezed my hand and smiled at me.

He ate in a fastfood chain. Quick lunch lang. Ang dami nyang inorder at naubos nya agad. Mukhang gutom na gutom talaga sya at lalo lang akong na-guilty sa ginawa kong di pagsipot sa tamang oras na pinag-usapan daw namin.

After his lunch, we walked back to the campus.

"Alam mo ba sinira mo ang dapat itinerary natin ngayong araw?"

"Sorry na." Nagi-guilty na talaga ako.

"Tsk. Sayang talaga. Effort pa man din ako."

"Sorry na nga. Nagi-guilty na ako. Sobrang guilty." I confessed, naiiyak na ako.

"Yan! Tama lang yan na ma-guilty ka!" He said, looking smug. "Bagay sayo yan. Makonsensya ka!!!"

Tinignan ko syang mabuti. He was making fun of me! I can't believe it! Pinaglalaruan talaga ako nitong lalaking ito! His eyes were shining with amusement.

Then, he burst out into a laughing feat. He scratched his nose and wipe a tear in his eyes.

Hindi ko na napigilan ang kamay kong mahampas sya sa sobrang frustration! Sobrang guilty ko na kaya!

"Nakaka-inis ka! Pinagtri-tripan mo lang ako." I said. Ah! Gusto ko nang mag-walk out!

Ah, magwo-walk out na ako!

"Hey! Sorry. Pero seryoso, sayang itinerary ko. Mag-improvise na lang ako."

Hinila ako ni Simon papunta sa car park ng admin office.

"TANAN!!" He announced proudly nang ipakita nya sa akin ang bike na may sidecar.

I was speechless. Nawalan ako ng panahon para mag-react dahil isinakay na ako ni Simon sa may sidecar at nagsimula na syang mag-padyak.

"Ah! Buti na lang kumain muna ako bago tayo umalis kung hindi, wala akong powers." He said playfully and chuckling.

"Huy Simon! Saan tayo pupunta?"

"Don't worry. Ako ang bahala. Enjoy ka lang diyan."

Patuloy lang sa pagpadyak si Simon sa bisekleta. Ako naman prenteng naka-upo sa side car niya. Nakarating kami sa isang kubo na di kalayuan sa campus. Malawak na damuhan at parang pahingahan lang ng mga magbubukid ang kubong iyon.

"Andito na tayo."

Pinagmasdan ko ang paligid. Payapa at wala masyadong tao. Bukid na bukid talaga. Presko ang hangin.

"Upo ka dito." Hinila ako ni Simon sa isang duyan na nakatali sa poste ng bahay at sa puno.

"Sigurado ka ba dito? Walang magagalit sa atin na andito tayo?" I asked nervously. Baka habulin kami ng itak dahil trespassing ang ginawa namin

"Oo. Wala kasi nagpaalam ako kay Manong Ted." Sagot niya at pumasok sa loob ng kubo at may kinuhang basket na puno ng prutas. May mangga, lansones, rambutan at chico. Sinimulan na rin namin ang pagkain ng meryenda.

Enjoy na enjoy naman ako dahil parang nag-picnic na talaga kami.

"Ah. Ito nga pala." He said as he reached out something behind his back.

He handed me a white lily.

"Happy Valentine's Day. Kahit tapos na. Haha. Sorry, ito lang ang kinaya ng budget ko para sa date natin." He said, grinning at me and scratching his nose.

I almost faint.

------

Vote and comment!!

Thanks a bunch!!!

The Boyfriend Project (COMPLETED) #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon