The Adventure of Cinderella

85 4 2
                                    

Cinderella (A Fantasy-Mystery-Action Story)
written by MacriSizzy

Isang malakas na ungol ng isang dragon ang nagpagising sa diwa ni Cinderella. Nagtaka siya kung bakit napakaaga naman siyang gisingin ng kaniyang alagang dragon. Maga-alas tres pa lang ng umaga at hindi ito ang karaniwan niyang paggising.

"Aking dragon? Bakit ang aga aga mo ata kung mag ingay ngayon? May problema ba?" tanong nito habang nakadungaw sa may bintana.

Umungol muli ang dragon ng ilang beses. Mas malakas sa mga naunang pag ungol nito. Nagtaka naman si Cinderella kung bakit ganyan umasta ang kaniyang alaga. Lumabas siya ng kaniyang mumunting bahay na gawa sa tinapay at pinuntahan ang dragon. Tumabi siya rito at hinaplos haplos ang makapal niyang balahibo, isang tanda na pinapaamo niya ang kaniyang alaga.

"Hindi ka ba makatulog aking dragon? Anong bumababagab sa'yo? Maari ba kitang tulungan sa iyong problema?" tanong niya. Tinignan siya ng dragon at sa isang iglap ay lumitaw ang isang sapatos. Ang sapatos na nakuha nila mula sa paghahanap ng isang ginintuang buhok ng isang prinsesa sa napakataas na tore.

Kinuha niya ito at pinagmasdan ng mabuti. Biglang pumorma ang mga ngiti sa labi niya ng maalala kung paano napunta sakanya ang sapatos na ito.

Madilim na ng mga araw na 'yun at sila ay nagpapahinga sa gilid ng tore. Inaabangan kasi nila ang pagbaba ng buhok ng prinsesa. Sa kakaantay ay inabutan na sila ng dilim kaya napagpasyahan nilang doon na magpahinga. Habang natutulog ay naramdaman ni Cinderella na parang may humahawak sa kaniyang pisngi. Hindi niya ito pinansin sa kadahilanang akala niya ay si Draggy lang ang gumagawa non, ang kaniyang alagang dragon. Hinawakan siya nito sa buong mukha at tila pinag aaralan ang bawat kanto nito. Nagulat na lamang siya ng biglang may dumamping isang malambot na labi sa kaniyang labi. Dahil sa gulat ay agad siyang napamulat ng mata. Nanlaki ang mga mata niya ng makumpirmang hindi si Draggy ang gumagawa nun, isang lalaki. Isang binatilyong lalaki iyon at hindi niya alam kung sino ito. Tinulak niya ito ng sobrang lakas kaya natumba ito papunta sa may matatas na damo.

Tumakbo ito kaagad pero agad siyang sinundan ni Cinderella, ngunit dahil sa may dala itong kabayo ay hindi niya ito naabutan. At doon niya nakuha ang sapatos. Nahulog kasi ito ng binatilyo habang tumatakbo ang kabayo.

Napangiti na lamang siya sa mga naalala. Ilang araw na ang nakakalipas pero parang sariwa pa rin ito sa kaniya. Siguro'y dahil sa nagtataka siya kung sino 'yun at hindi niya maikakaila na nagustuhan niya ang binatilyo sa ganoong kaiksing panahon.

Sino kaya ang lalaking 'yun? Gusto ko siyang makita. Gusto ko siyang makilala.

Tinignan niya si Draggy at nginitian ito.

"Aking dragon, tayo'y maglalakbay muli. Kailangan kong mahanap ang nagmamay ari ng sapatos na ito" saad niya. Agad na tumango ang dragon at wala pa mang inuutos ang dalaga ay nagbago na ito ng anyo. Nagi na itong eroplanong may mukha ng dragon.

Sumakay siya rito at sinaksak ang susi.

"Draggy, dalhin mo ako sa lugar kung saan may isang binatilyong sakay ng kabayo" utos niya at mabilis pa sa kidlat na umandar ang eroplano.

May tracking device kasi ang eroplanong ito kaya naman nauutusan niya itong dalhin siya kung saan man niya gusto. May ganitong kapangyarihan nga ang kaniyang alagang dragon pero noong mga nakaraang araw ay hindi sumagi sa isipan niya na gamitin ito sa paghahanap sa lalaking may ari ng sapatos. Ngayon niya lang ito naisip gawa ng pagpapaalala sa kaniya ng dragon. Ang rason ng pag ungol nito kanina ay para maramdaman ni Cinderella na kailangan niyang hanapin ang binatilyo, at sa mga oras na 'yun ay alam niyang makakatulong nga ang dragon upang mahanap ang lalaking humalik sa kaniya noong nakaraang araw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Cinderella (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon