Chapter 4:

131 24 15
                                    

"Nics! Huhuhu! Wait, asan na si Mark?" - tanong ko sa kanya.

Andito na ako sa resto/bar, kakadating ko lang. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin kanina ni Lance iniwan na niya akong mag-isa dun. Naglakad pa tuloy ako pababa sa madilim at mapunong lugar na yun. Ang sama niya diba? Pagkatapos niya akong sabihan ng mga nakakapanindig balahibo na salita tapos iiwan niya lang ako? What a jerk.

"Girl! Kamusta? Anong nangyari sayo? Umalis na si Mark kasi may emergency daw. Ayaw niya pa nga sana akong iwan pero nagpumilit ako na dito nalang muna para hintayin ka."

"Ahh! Ganun ba?" - nanlulumo kong sabi.

"May ginawa bang masama sayo si Lance? Saan ka niya dinala?"

Kinuwento ko naman kay Nics lahat ng nangyari pati yung mga sinabi ni Lance.

"Pero diba bago mo pa siya maduraan ng juice tinawag ka na niyang girlfriend? Ei bakit ang parusa niya sayo is ang maging girlfriend ka?"

"Tinutukso niya lang ako ng time na yun kasi nga napagkamalan ko siyang si Mark sa umpisa pa lang kaya nasabihan ko siya nung "Available to be your girlfriend" chuchu. Ei alam niyang na-embarassed ako dahil dun kaya niya ako tinawag na girlfriend bago ko madura sa mukha niya yung juice para lang asarin ako. Gets?"

"Gets. Pero what's his motive para gawin kang girlfriend for your punishment? Don't tell me para lang asarin ka ulit?"

"Hindi ko alam Nics. Ang alam ko lang kelangan ko ng mag-apply ng trabaho. Saglit lang to girl." - sabi ko sa kanya tapos tumayo na.

"Apply? Saan? Dito? Anong trabaho naman?"

"Singer daw."

"Okie! Goodluck."

Nagthumbs-up pa siya sa'kin. Tumango lang ako then ngumiti.

Naglakad na ako papunta sa 2nd floor. Dito daw kasi yung office ng may-ari. Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok sa may office.

"Cassiopoiea Margaux Diaz. 18 years old. Beautiful voice, can play guitar, piano, flute, drums and violin." - pambungad sa'kin ng matandang lalaki na nakaupo sa may office table.

Siya yung nakabangga ko kanina. Paano at saan niya nalaman ang lahat ng information na binanggit niya? Hindi ko naman siya kakilala. Geeez, nanindig ang iba sa balahibo ko.

"A-ah! He-he. T-tama po kayo. Pero paano niyo po nalaman ang mga bagay na yun?" - tanong ko sa kanya habang nakatayo malapit sa pinto.

Ngumiti lang siya sa'kin na lalong nagpataas sa balahibo ko. This time, lahat na ang nagsitayuan. Mukha naman siyang harmless pero parang ang mysterious ng pagkatao niya tsaka parang sobrang dami niyang alam.

"Wala akong hindi alam iha. By the way, ako nga pala si Vicente Mendiola. Ang may-ari ng resto/bar na to. Tanggap ka na at pwede ka ng magsimula bukas." - nakangiti niya pa ring pahayag.

"Talaga po? Salamat po mr. Mendiola!"

Naweweirduhan man ako sa kanya, masaya pa rin ako kasi nakahanap ako ng trabaho ng ganun lang kadali. Yehey! Thanks to him. Tsaka mukha naman siyang mabait at mapagkakatiwalaan. Masayahin din ang itsura niya. Hindi ko nalang iisipin kung paano niya ako nakilala. Sabi niya naman wala daw siyang hindi alam.

"Just call me lolo or grandpa. Masyadong formal ang mr. Mendiola tsaka lahat ng empleyado sa lugar na to ay tinuturi ko ng apo at anak." - he said smiling.

"Ganun po ba? Sige po! Hehehe! Anong oras po ang trabaho ko?"

"7:00 to 9:00 p.m iha. Libre na din ang dinner mo dito at ikaw ang bahala kung anong araw ka papasok o hindi."

Anatomy Of A Broken Heart (ON-HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon