Chapter 12

469 29 1
                                    

Daniel's POV'
Naglakad-lakad kami ngayon sa Mall. Mga 3 pm na.

"Dan, sine tayo" sabi niya kaya naglakad na kami papunta doon.

Pagkarating namin sa entrance ng sinehan kasi bumili pa kami ng popcorn isa lang yun binili namin para share nalang kami. Di naman kasi ako kumakain masyado ng popcorn.

Papasok na kami sa entrance, hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ng pagkakahawak niya nagsimula siya humawak sakin nung nakarating kami dito.

Aaay, oo nga pala. Malapit lang dito ang kung saan nangyari yung malapit siyang magahasa.

Inakbayan ko nalang siya habang papasok kami.

Umupo kami sa may likuran para magandang tingnan yung screen tingnan.

Papanuorin lang naman namin ngayon ang Pitch Perfect 2 kasi gusto niya daw yung panuorin.

Nagsimula na ang movie.

Minsan iingay ang sinehan dahil sa tawanan. Nakakatawa kasi si Fat Amy daw.

Si Kath, nakikitawa na rin, halos lahat tumatawa except sakin.

"Hoy! Di ka ba natatawa?" Tanong niya.

"Hindi" diretsong sagot ko.

Nagtawanan ulit sila nung may nakakatawang scene na naman na nangyari.

Halos ako na ang naka-ubos sa popcorn, ubos na nga ngayon. Hehe, sinabi ko ba kanina na di ako masyadong kumakain ng popcorn?✌ ✌ hehe.

Natulog nalang ako tutal di naman ako nanunuod eh.

***
"Gising na! Tapos na ang movie"

Agad ko namang minulat ang mga mata ko. Tapos na nga.

"Anong oras na?"

"Gabi na noh, mga 6" sagot niya

"Tara na. Baka hinahanap ka na sa inyo" sabi ko kasi wala mama niya kanina kaya hindi siya nakapagpa-alam pero nasabi naman niya sa katulong nila.

"Hmm sige" tumayo na kami sa upuan ng sinehan at lumabas na. As usual nakahawak na naman siya sa braso ko.

"Daniel bili tayo ng kwek-kwek sa kanto" sabi niya habang naglalakad kami.

"Sige ba. Maglakad nalang tayo para masaya" sagot ko.

Nakalabas na kami sa Mall. Naglakad kami patungo dun sa may nagtitindang kwek-kwek.

May mga lasinggeroo din kaming nadadaanan at halos silang lahat nakatitig kay Kath kaya napadiin yung hawak niya sa braso ko.

"Okay ka lang ba?, tara bilisan na lang nating maglakad"

"Okay lang ako. Huwag mo na akong intindihin" sagot niya pero binilisan namin ang mga hakbang namin.

Maya-maya lang din, narating na namin ang nagtitinda ng kwek-kwek.

"Manong pabili ng kwek-kwek" sabi ko

"Ilan po sir, ma'a--- Kathryn? Ikaw ba yan?" sabi nito. Magkakilala sila?

"Mang Israel ako nga po to. Kumusta na po kayo?" tanong ni Kathryn

"Ok lang ako, ikaw, kailan ka lang dumating?" tanong ni Mang Israel?

"Bago lang po. Bili po kami ng kwek-kwek Mang Israel, namiss ko gawa niyo eh" sabi ni Kath

"Kahit kailan talaga, bolera ka pa din. O sino toh? Boyfriend mo?" sabi ni Mang Israel sabay turo sakin.

Jadine and Kathniel Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon