XXVIII: 'Bati na'

300 18 6
                                    

Luhan's Pov

Maaga akong nagising ngayong araw dahil alam kong may pasok pa kami..

Pero medyo nanibago ako dahil nakapantulog nako tsaka nasa kwarto nako?

Akala ko ba magkasama kami ni Sehun??bakit... ughh!

Naligo nalang ako at nagbihis tsaka bumaba..

Pagkababa ko nakita kong nasa mesa na sina Kuya't kumakain.. tinabihan ko si Kuya tsaka binati na rin sila nang 'good morning' hindi ko alam pero feeling ko may kulang sakin ngayon..

"Omma, saan kayo kagabi?"

"May party kaming pinuntahan wae?"

"Ahh.. a-ani"

Tiningnan ko naman si Kuya na pangiti ngiti lang..

"Yah! kwaenchana?"

Napabusangot naman siya ..tsk! baliw

"De.. "

Sumakay na kami agad sa Kotse papuntang school..
Hay naiinis ako hindi ko alam kung bakit pero nakakainis! Diba totoong kasama ko si mangga kagabi?

Ginamot pa nga niya yung paa ko ehh.. kailangan ko kayang magpasalamat sakanya? hmm siguro nga..

Naghiwalay na kami ni Kuya nang makarating sa School..pagpasok ko naman sa classroom ay parang bangketa nanaman sa ingay.. tsaka wala pa si Sehun

Uupo na sana ako nang niyakap ako ni.. ni KyungSoo kaya automatic na napangiti ako..

"Sorry Luhan ah..tsk! ang emo ko kasi kaya kita na sigawan" sabi niya habang nakapatong ang kanyang baba sa balikat ko..

"Ok lang..so, friends ulit tayo?" saad ko naman tsaka kumawala sa pagkakayakap sa kanya..

Tumango naman siya at ngumite sakin..

Sehun's Pov

Nasa hallway palang ako nang school nang mapansin kong halos lahat nang babae tumitingin saken.. nakakapagtaka lang dahil hindi naman sila ganito noon ..weird!

Pagpasok ko sa classroom ay si Luhan agad ang nahagip nang mga mata ko na nakaupo lang habang kinakagat ang daliri niya..

Lumapit naman ako dun at agad na nilapag ang bag ko sa upuan .. nang tiningnan ko siya umiwas siya nang tingin sakin

"Ayos kana?" tanong ko sakanya tsaka napatingin sa paa niya..

Pero tumango lang siya habang nakatagilid sakin.. problema nito??

Hindi ko nalang din siya pinansin.. nababaliw nanaman siguro

Wala pa naman ang teacher namin kaya nag earphones nalang ako at pumikit ..

"Oh Sehun!"

Dahan dahan naman akong napamulat sa pagsigaw ni Chen na malakas talaga.. kaya rinig na rinig ko kahit naka earphones pa..

"Oh?"

"Tsk, namo! hindi ka naman gwapo .. mas pogi pa sayo' mas may appeal ma--"

"So, anong punto mo?" daming sinasabi ..

"Tsk. may mga babae dun sa pinto.. hinahanap ka magpapa autograph daw dahil gagawa sila nang putangina inang fans club mo! kanina pa sila dun! kabwisit puntahan mo nalang"

Mahabang litanya niya na halatang na i-insecure lang sakin..

Walang alinlangan naman akong tumayo na kina gulat nilang lahat?

"Oh?" tanong ko sakanila.. at nakita ko rin si Luhan na parang nagtataka.. wala ni isa ang nagsalita kaya dumiretso ako sa pinto at nakita ko nga ang mga babae na nagkukumpulan dun..

"Kyaaaaaaaaaaaaaah!!!"

"Oppa!!"

"Oh my gash, im' gonna die"

"Ahhhh!!"

Isa lang ang masasabi ko.. ANG GWAPO KO---este NAKAKARINDI SILA!!

"Tapos?" I coldly asked..

"Oh my!! ang bad boy.. waaaaahh mamatay nako!!"

"Tsk!"

Tatalikod na sana ako nang magsalita ang isang babae..

"Uhmm Oppa!" lumingon naman ako at nagsalita sya uli "Gagawa kami nang fansclub mo ..kasi first in the history ka naming nakita na.. nakangiti, lumalabas nang room,pumupunta sa cafeteria,palagi nang nasa rooftop,araw araw na nasa BT shop.. juskoo Oppa! ang laki na nang pinagbago mo.. ang gwapo gwapo Oppa ..kaya po kung pwede sana pahintulutan mo kaming magtayo nang fansclub mo.."

"Tapos?"

"Kyaaaaaah!, ay sorry hehe.. paki pirma po dito" inabot niya sakin ang isang malapad na poster na may picture nang isang poging lalaki na kamukhang kamukha ko.. tsk! ang pogi..

Pinirmahan ko naman yun at inabot uli sakanila tska sinarado ang pinto.. ayoko nang makita kung panu sila himatayin ok? tsaka kunti nalang basag na eardrums ko.. tsss..

Bumalik naman ako sa upuan na parang wala lang nangyari.. Hindi ko nalang pinansin ang mga kaklase kong nakatingin sakin at pumikit nalang uli..

"A-ano yun Se,?"

Narinig kong tanong ni Luhan.. tsismosa!

"Maka Se, akala mo naman close kami" sabi ko habang nakapikit pa rin .. at tsaka tumawa.. ang sarap niya kayang asarin

"Kainis!" tsaka siya ulit na umirap..

Cute kana nga nagpapacute pa.. tsk! hay, Luhan!! konti nalang..

Being His FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon