Mr. Enrico; Ms. Preggy...

11.3K 118 6
                                    

Day 2


May 18. 20**


Dear Ma and Pa,


I'm already in the process of searching for Andrew's biological parents. I was able to contact the orphanage where you took him and able to persuade an officer in DSWD to help me in my search. Everything seems to go well, however I receive a note from the hotel's front desk saying that I better stop with my quest. The front desk officer said that the note was given by a strange old lady wearing a black-over-all. She has gray hair, and wearing a really large hat which covered her face. I tried to ignore what it may be. Please don't worry, probably this is some quite of joke.


Your son,

Marcus

***


"Sir, ayos lang kayo?" narinig kong tanong ni Pedro sa aking tabi habang naka-konsentreyt pa rin ang tingin nito sa daan. Nagmamaneho ito ng inarkila kong SUV. Sa kasalukuyan, pupuntahan namin ang DSWD officer na naka-atas na tulungan kami sa paghahanap ng mga magulang ni Andrew. Medyo trapik ng mga oras na iyon, at medyo nakalutang rin ang isipan ko.


"Don't mind me, ganito lang talaga ako," sagot ko dito, nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan.


Di na ito nagsalita at tahimik na lang na nagmaneho.

***


"Ms. Pablo, I'm grateful that you agreed with my request," mga salitang lumabas sa aking bunganga ng nakasakay na ang DSWD officer sa rinentahan kong SUV.


"Trabaho kong tumulong, Mr. Button. At saka, napakaganda ng inyong adhikain," malumanay na sagot ng dalaga.


Nalaman ko mula sa impormasyon aking nakalap tungkol kay Ms. Pablo ay isa siyang undergraduate ng kursong Psychology sa SLU. Hindi niya ito natapos dahil di na siya sinusuportahan ng kanyang tito na siyang nagbabayad ng kanyang tuition fee. Mabigat mag-aral sa isang unibersidad kaya nagtrabaho na lang muna ito sa isang Call Center hanggang mapadpad sa DSWD. Kompletong pangalan nito, Lucy Pablo. Edad: dalawampu't apat na ito.


"Naka-usap ko na ang nagmamanage ng orphanage," bigla kong wika habang nakatingin sa rear mirror ng sasakyan para tignan ang babae sa likuran ko, "I-me-meet niya daw tayo sa restaurant sa hotel na pinag-ste-stay-an ko ngayon."


Ngumiti lamang ito.

***


Naka-upo kaming lahat at nakaharap sa pabilog na mesa. Umaga pa ng mga oras na iyon kaya't wala pang gaanong tao. Sa aking tabi ay si Pedro, sa aking kanan naman ay si Ms. Pablo o Lucy, at sa aking harapan ay isang matandang lalaki na nagpakilala sa amin na siyang nag-ma-manage sa orphanage, si Mr. Carlo Enrico. Mukhang nasa limampu na si Mr. Enrico base na rin sa mga wrinkles na nakapalibot sa mukha nito. Halata rin na pina-dye niya lamang ang itim na itim niyang buhok. Sa kasalukuyan ay nakangiti ito sa amin habang hinihigop ang kanyang inorder na tsaa.


"Inyo ng sinabi sa amin Mr. Button na gusto niyong hanapin ang mga tunay na magulang ng inampon ng iyong mga magulang, kung di ako nagkakamali ay si Andrew," tumango ako sa kanya bago ito nagpatuloy, "Sa anong kadahilanan naman?"

10 Days with Ms. Preggy [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon