51:

960 29 4
                                    


Erceles/Everlie's Pov

Ngayong nakabalik na ako, hindi bilang si Everlie kundi bilang si Erceles handa na akong harapin ang lahat lalo ni si Garri. Nang magising ako sa pag kakaakasidente ko, akala ko na nanaginip lang ako ng sabihin ni mom and dad na ako ang na wawalang anak nila. Mahirap paniwalaan pero pinaliwanag na nila sakin ang lahat.

Sobrang saya ko hindi dahil mayaman ang mga magulang ko, kundi dahil naranasan ko din ang mag karoon ng buong pamilya. Hindi ko rin lubos maisip na magagawa sakin ni Larra ang ganung bagay. Sya ang dahilan kung bakit kami nauwi sa ganito ni Garri. Kung hindi sana sya nakialam sa plano namin, sana mas okey kami ni Garri ngayon lalo na at may ipag mamalaki na ako sa magulang nya. Karapat dapat na sana ako para kay Garri, kaso nahuli nanaman ako. Kung naka recover sana agad ako, siguro hindi aabot si Garri sa pag papakasal sa iba.

-

"Ma'am nandito na po tayo." Wika ng driver ko. Pinag buksan ako nito ng pinto kaya bumaba na ako. Isa ang mall na ito sa pag aari ni mom and dad. Gusto kong mamili ng mga gifts para sa mga kaibigan ko dahil wala akong pasalubong sa kanila. Isa pa, sobra ko silang pinag alala.

Nakasunod lang sakin yung driver ko at isang security. Sabi ko nga kay mom and dad na hindi na kailangan ng security, pero hindi sila pumayag dahil hangang ngayon ay hindi pa nahuhuli si Larra. Baka kung ano nanaman daw ang gawin nito sakin.

Nag simula na akong mamili. Wala namang idea ang mga nag wowork dito na isa akong Ocampo. Pero dahil sa dalawa kong kasama na men in black napansin nilang anak mayaman ako. Masasanay din ako sa ganitong treatment, naiilang pa rin kasi ako.

Nag patuloy ako sa pamimili, napangiti ako ng mapadaan kami sa mga naka display na make ups. Kung Hanggang ngayon ay akklaa pa itong si Paula, binilhan ko na sya ng pinapangarap nyang make up set. Move on na tayo dyan dahil nainFablito na sya ngayon. Thanks to Yvette dahil hindi nya sinukuan ang bestfriend ko.

After kong mamili, niyaya ko munang kumain si Alfred at Jonathan. Si Jonathan a head lang siguro sakin ng 3 years habang si Alfred naman nasa 35 na siguro.

"Dito nalang kayo sa table ko." Wika ko sa dalawa.

"Naku mam sa kabila nalang po kami." Wika ni Alfred.

Hinayaan ko nalang sila habang hinihintay ang order namin. Isa ito sa ayaw ko, bakit ba hindi pwedeng mag sama ang amo at ang boss? Kung pwede naman pantay ang treatment diba? Hindi naman sa walang galang ang ganoong bagay, kung may basbas mo naman bakit hindi diba?

Dumating na ang order ko at nag simula na akong kumain. Habang kumakain ako bigla nalang humarang si Jonathan sa gilid ko kaya nagulat ako.

"May problema ba?" Tanong ko dito.

Sinilip ko ang taong nasa harapan ni Jonathan. Nanglaki ang mata ko ng makita ko si ate Lesley at baby Brielle.

"Kilala ko sila Jonathan, you don't need to worry." Nakangiting wika ko dito.

Bakas sa muka ni ate Lesley ang pag ka gulat. Sino bang di magugulat sa ikinilos ni Jonathan. Over protective naman kasi, sabagay sinusunod nya lang ang utos ni mom and dad na kapag may lumapit sakin na kakaiba ang kinikilos, they need to protect me know matter what happened.

"Ate Lesley!" Masiglang tawag ko dito at agad itong niyakap.

"Sabi na nga ba at ikaw yan. Nag dadalawang isip ako na lapitan ka dahil baka hindi ikaw si Everlie na kilala ko." Nakangiting wika nito.

"Sorry sa inasta ni Jonathan ate huh." Nahihiyang wika ko dito at naupo na ito.

"Ang laki na ni baby Brielle, kamusta naman ate?" Nakangiting tanong ko dito.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon