simula

484 18 9
                                    

(ᴀ/N: ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴍᴀɴ ᴘᴏ ᴀɴɢ ᴍᴀʙᴀʙᴀsᴀ ɴɪʏᴏ ᴅɪᴛᴏ ᴀʏ ᴋᴀᴛʜᴀɴɢ ɪsɪᴘ ᴋᴏ ʟᴀᴍᴀɴɢ ᴘᴏ, ʜɪɴᴅɪ ᴘᴏ ɪᴛᴏ ɴᴀᴋᴀʙᴀsᴇ sᴀ ᴍᴀɴɢᴀ ᴏʀ ᴀɴɪᴍᴇ, ᴜᴜʟɪᴛɪɴ ᴋᴏ ᴘᴏ! Nᴀsᴀ ɪᴍᴀʜɪɴᴀsʏᴏɴ ʟᴀᴍᴀɴɢ ɪᴛᴏ ɴɢ ᴀᴜᴛʜᴏʀ ᴋᴀʏᴀ ᴡᴀɢ ɴɪʏᴏ sᴀɴᴀɴɢ sᴇsᴇʀʏᴏsᴏʜɪɴ. Mᴀʀᴀᴍɪɴɢ sᴀʟᴀᴍᴀᴛ ᴘᴏ! Aɴᴏᴛʜᴇʀ sᴛᴏʀʏ ᴏғ ʜᴀɴᴀᴍɪᴄʜɪ sᴀᴋᴜʀᴀɢɪ *ᴛʜᴇ ɢᴇɴɪᴜs ʀᴇᴠᴇɴɢᴇ*.. ɢᴜsᴛᴏ ᴋᴏ ᴜʟɪᴛ ɢᴜᴍᴀᴡᴀ ɴɢ ᴘᴀɴɪʙᴀɢᴏɴɢ sᴛᴏʀʏ ɴɢᴜɴɪᴛ ᴀʟᴀᴍ ᴋᴏ ɴᴀ ʙᴀᴋᴀ ʜɪɴᴅɪ ᴋᴏ ɴᴀ ɴᴀᴍᴀɴ ɪᴛᴏ ᴍᴀᴛᴀᴛᴀᴘᴏs ɢᴀʏᴀ ɴɢ ɪʙᴀ. Hᴀɪsᴛ! Gᴏᴏᴅʟᴜᴄᴋ sᴀ sᴛᴏʀʏ ᴋᴏ ɴᴀ ɴᴀᴀᴀᴍᴀɢ. ɢᴏᴅʙʟᴇss ᴜs ᴀʟʟ ɢᴜʏs!

Wᴀɢ ᴘᴏ ᴋᴀʏᴏɴɢ ᴍᴀɢᴜɢᴜʟᴀᴛ sᴀ ᴍɢᴀ ɴᴀᴋᴀsᴜʟᴀᴛ ᴅɪᴛᴏ ʜᴀ? Pʟᴇᴀsᴇ ʟᴀɴɢ! Kᴀᴛʜᴀɴɢ ɪsɪᴘ ᴋᴏ ʟᴀᴍᴀɴɢ ɪᴛᴏ.. ᴋᴜɴɢ ᴀɴᴏ ᴍᴀɴ ᴘᴏ ᴀɴɢ ᴍᴀʙᴀʙᴀsᴀ ɴɪʏᴏ ᴀʏ ᴇᴇɴᴊᴏʏ ɴɪʏᴏ ɴᴀʟᴀɴɢ ᴘᴏ. 😁😁 sᴀʟᴀᴍᴀᴛ)

*********
---

*Blaag*

Isang malakas na hiyawan ang namutawi sa loob ng gymnasium dahil sa nangyayaring laban mula sa takezono team at shibuya high school kung saan captain dito si hanamichi sakuragi, marami ang nagtaka kung bakit nasa shibuya team si sakuragi samantalang nasa shohoku lamang ito nung nakaraang taon.

"Ang galing ng team captain ng shibuya, sobrang laki na ng lamang nila kumpara sa team takezono." Anas ng isang manunuod na napapatalon pa at nakikisabay sa hiyawan ng ibang tao.

"Si sakuragi yan e, malakas talaga yan.. ilang buwan din yan nag ensayo at pinatunayan ang lakas na meron siya ngayon." Anas ng katabi ng lalaki na nabigla dahil tila kilalang kilala nito si hanamichi sakuragi.

"teka? Bakit parang alam na alam mo nangyayari sakanya? Sino ka ba?" tanong ng lalaki, ngumisi ang lalaki habang nanunuod sa laban sa ibaba.

"kaibigan ko lang naman iyang iniidolo mo, dati rin akong shohoku team subalit umalis ako dahil nalaman ko na umalis ang mortal ko na katunggali." Anas ng lalaki na bahagya pang umawang ang bibig sa pagkabigla ng silipin niya ang mukha ng lalaki na nakashades at sombrero.

"K-kaede rukawa? I-ikaw si kaede rukawa diba?" Gulat na tanong nung lalaki, ngunit hindi sumagot ang lalaki bagkus ay mas pinag tuunan ng pansin ang laban sa ibaba.

Natapos ang laban at lamang na lamang ang team shibuya, lumabas na ang lahat ng mga manunuod samantalang ang mga players naman ay ilang minuto na rin magmula ng tumungo ito sa kani kanilang kwarto na pinagpapahingahan.

Dumeretso si rukawa doon upang kamustahin si sakuragi, nakita na rin siya ng ilang kateammates ng shibuya.

"shit! Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba sa sunod na araw pa balik mo?" Tanong ni daichi small forward ng shibuya team, nakipag apiran si rukawa kay daichi bago tinanguan ang ilang kateam na nagbibihis at ang iba'y nag papahinga.

"Maaga ako pinauwi, tsaka may practice pa tayo diba? Hindi ko naman pwede iasa nalang sainyo ang lahat." Sagot ni rukawa na kateammates rin ng shibuya, sumunod rin kasi ito kung saan nag tungo si sakuragi.

"Geez, alam naman namin kung ano dahilan mo, bat minamadali mo agad na makauwi dito? Tsaka baka magalit si coach sayo." Umiling si rukawa bago tumingin sa kaliwang bahagi ng daan kung saan nakita nila ang walang kaemo emosyong si sakuragi.

"Captain, si rukawa nakauwi na--." Hindi na natuloy ni daichi ang sasabihin ng lagpasan lamang sila ni sakuragi na tila hindi sila nakikita.

bumuntong hininga na lamang ang dalawa sa inasta ng kanilang captain, muling naalala ni rukawa ang nangyari sa kanila last year at kung bakit ganon nalang ang pakikitungo ni sakuragi sa lahat.

The GENIUS revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon