A

16 0 0
                                    

Minsan gusto kong sisihin sila sa kanila ang aking sariling pag kabuhay.

Isa akong biktima ng premarital sex. May parte sa akin na gustong mag pasalamat may parte na parang gusto kong magwala.

Naiinggit kasi ako sa mga anak na ang parents nila ay talagang pinaghandaan at plinano ang kanilang kinabukasan bago nila ginawa ang bagay na dapat sana ay pagkatapos ng kanilang kasal.

Naiinis ako dahil aksidente lang akong nabuo. kahit sabihin pang nga ako ng pagmamahal nila  para saakin hindi sapat ang pagmamahal kung hindi pa handa sa hinaharap. Dahil para sakin kaakibat ng pagmamahal ang paghihintay. Ayoko ko manumbat dahil anak lang ako pero kahit ganun naawa ako sa sarili ko.

Besides sa pagiging isang aksidenteng anak, broken family pa kami. hindi pa sila mama kinakasal ay nag hiwalay na sila dahil nagsawa na siguro sila. ang bata pa nila nung nabuo ako, hindi ko nga alam kong saan ako kumukuha ng lakas kasi kahit pagasa wala akong mahagilap sa sistema ko.

Basta ang pangako ko sa sarili ko ay di ko gagawin ang ano mang pagkakamali ng akin ama at ina dahil sabi nga nila

A repeated mistake is a choice. Indirect man to sakin pero sapat ng ngayon palang natutunan at nalaman ko ang pagkakamali nila para hindi na rin mararanasan ng magiging anak ko.

Ngayon ay nasa kolehiyo na ako. Isa akong scholar. Dahil isa ngang broken family ang meron ako at may kanya kanya na silang pamilya mag isa lang ako sa apartment ko simula high school at pera parin nila anmg ginagamit ko nung naghiwalay sila at nasa lola ako eh sinikap nila makapagtapos at ng mag asawa na sila at nagkaroon ng sariling pamilya dun palang nagkaroon ng magandang income sila at ginagawang pag sustento sakin.

gusto nila ako kunin nung nag high school ako pero mas pinili kong mag isa nalang dahil may kanya kanya naman silang pamilya na.

Habang tumatagal mas natutunan kong mabuhay mag isa.

Siguro totoo nga na unti unti kang nag mamature pag naiintindihan mo na ang bagay kahit na masakit pa ay kailangan mong mag pakatatag at tanggapin na lamang ito.

Kakatapos lang ng 2nd sem at may 2 months kaming bakasyon. Kung ang iba ay sa beach at saan pang adventure place ang pinupuntahan ako nasa apartment lang at puro novel books ang pinag aabalahan, kundi Movie marathon mag isa. ganun yung routine ko.

pumunta ako ng kusina after kong matapos basahin ang  novel na Aleph Ni Paulo Coelho. dahil dun palang ako nakaramdam ng gutom.

pero ubos na pala ang groceries ko. pero may isang natirang pancit cantoon. ito nala muna ang kakainin ko mamaya na ako mag grogrocery pagkatapos ko maligo.

habang nag luluto ako napa ngiti ako nang mapakla.
Maybe this is the consequence of their mistake that I have to pay.  ganito naman talaga kung anong tinanim ay sya ring aanihin kaya lang samin ako ang magbabayad ng tax nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Their Debt I Got To PayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon