WALANG FOREVER ?!!!

13 0 0
                                    

A/N : You are free to suggest about my work and Its my pleasure to read comments from you about this Chapter. Bagohan lang po ako dito, pls. bear with me. Forgive me din about the typos and grammatical errors ✌

----------

Wala nga bang Forever ?

O sadyang Bitter lang talaga ang mga tao ?

Na sa tuwing makakakita ng mga couple lagi nilang nasasabing "Maghihiwalay din yan".

Simula ng lumabas ang teleseryeng FOREVERMORE, laging usap-usapan sa FB , Twitter at kung saan pa ang usaping FOREVER  . At ang laging sinasabi ng iilan na Walang Forever. Sa totoo naman, wala naman talagang forever. Wala pa namang tao na hindi namamatay diba ? Walang punong nagtatagal at walang gamit ang di-nalalaos. All will fade away , nothing will lasts forever. Kahit naman sa relasyon , may iba na hindi talaga nagtatagal. Kaya nga't maraming mga bitter ang lumalaganap.

Ngunit kung tatanungin niyo ako kung may Forever ? Ang masasabi ko lang ay ... MERON , MERON , MERON!

Wait lang ahh , kung nagtataka na kayo ..  patapusin niyo muna ako.

Hindi ko naman ikakaila na may mga bagay sa mundo na di talaga nagtatagal. Ngunit naniniwala parin ako na may FOREVER. Kung titignan sa literal na bagay ang word na FOREVER , for sure Talo na ako saiyo.

Ang Definition ko lang naman ng Forever ay simple lang:
Forever is not about how long you will spend it to others , but its all about HOW you spend it with others.

Kung nakapanood ka sa ending ng Forevermore, for sure may naiintindihan kana sa sinasabi ko ngayon. Kung titignan ang palabas as audience, maaring nasabi niyo na " yun na ang Forever ? Saan banda ?". May nakikuta nga ako sa mga posts sa FB na "Magpapaulan lang pala , lalabas na ang forever ".

Pero kung kayo ang XAGNES(Xander at Agnes) , yun na ang Forever niyo.

Wala naman talagang kasiguraduhan sa buhay , maaring kayo na ngayon at may posibilidad na hindi na kayo bukas. Ngunit ang masisiguro mo lang ay ang panahon na kasama mo ang taong mahal mo. Na sa bawat takbo ng oras , sure ka na hindi mabubura sa isipan mo at masasabi mong FOREVER!

Kung bitter ka man sa salitang Forever, basahin mo to uli o di kaya humingi kana ng tulong sa kaibigan mo . Di joke lang (peace) Alalahanin mo na ang Forever ay hindi lang tungkol sa magsyota o magkarelasyon , lumingon ka sa taong nakapaligid sayo . Nandyan ang pamilya mo na nagpapatunay na may forever. Tsaka malay mo , nandiyan lang pala yung Forever mo at di mo lang napapansin kasi nga bitter ka parin.

Ang maiiwan ko lang sa inyo , at sanay lagi niyong tatandaan :
Forever is not about how long  you will spend it to others , but its all about HOW you spend it with others.
-----

Ito lamang ay Payo na nag-aasam ng kagaanan ng gulong isipan ng karamihan .
Sana'y tangikilin ang mga payo ni Jelou.

A/N:

Maraming salamat para sa kung sino man ang magbabasa nito ;)

Ang Payo ni JelouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon