52

905 26 12
                                    


**Everlie's Pov**

Bukas na gaganapin ang welcome party para sakin. Malalaman na ng buong bansa kung ano talaga ang tunay na pag katao ko.

Busy si mom and dad sa pag aasikaso para sa party. Lahat ng mga business partners nila ay pinadalhan na nila ng invitation kasama ang Clinton's Empire. Wala silang idea na ako ang na wawalang anak ng mag asawang Ocampo. Ano nalang kaya ang magiging reaksyon ng magulang ni Garri? Mang hihinayang kaya sila kapag nalaman nilang ako si Erceles?

"Paano kung pumunta si Garri bukas?" Tanong ni Fabio sakin.

"Eh di welcome sa kanya." Nakangiting sagot ko dito.

"Wag ako Everlie, kilala kita. Kahit anong tago mo dyan sa nararamdaman mo for him, nababasa ko sa mata at kilos mo!" Inis na wika nito sakin.

"Ewan ko sayo Fabio, sabihin mo na ang gusto mong sabihin pero wala na akong paki-alam kay Garri. Isa pa, ikakasal na yung tao." Sagot ko dito at tiningnan nya lang ako ng masama. Napa buntong hininga tuloy ako. Kung si Paula itong nasa harapan ko, malamang nakipag taasan na ito ng boses sakin. Pero dahil si Fabio na sya ngayon, kalmado nalang ito kapag nagagalit. Mas gusto ko talaga yung boy version nya, mas masarap asarin.

"Kamusta naman kayo ni Yvette habang wala ako?" Pag iiba ko ng usapan. Hindi agad ito na kasagot, tila may malalim itong iniisip.

"Naka recieve ako ng message from dad. Gusto nyang bumalik ako sa bahay para sa kasal namin ni Loricca." Nakayukong wika nito.

"What! At sino naman yung loka-lóka na yun?" Pag papanic ko.

"Tanda mo yung sinabi ko sayong dahilan kung bakit ako nag layas sa bahay? Si Loricca ang dahilan nun. Pilit nila akong ginagawang lalaki para ma engage sa babaeng yun." Paliwanag nito kaya mas nauunawaan ko na ang sitwasyon.

"So anong balak mo? Alangan namang iwan mo si Yvette dahil lang sa kagustuhan ng Ama mo. I'm telling you Fablito, ako ang unang magiging kaaway mo kapag ginawa mo yun Kay Yvette!" Pag babanta ko dito.

"Sira, sa tingin mo magagawa ko yun kay Yvette? Mahal na mahal ko si Yvette, kung hindi dahil sa kanya hindi ko mararanasan yung ganito. Yung maging totoong ako." Nakangiting sagot nito. Napangiti nalang din tuloy ako dahil halatang Inlove na inlove ang bestfriend ko kay Yvette.

"So anong plano mo?" Seryosong tanong ko dito.

"Haharapin ko si dad, ipag lalaban ko yung relasyon namin ni Yvette." Sagot nito kaya napatitig ako sa muka nya.

Naniniwala na ako sa kanya no gloc9 na minsan mas lalaki pa sa lalaki ang mga Akkla. Si Fabio ang isa sa kanila, mabuti pa si Fabio, kayang ipag laban si Yvette. Samantalang si Garri, never mind.

"Ma iba tayo ng usapan, may nangyare na ba sa inyo ni Yvette?" Nakangising tanong ko dito.

"A-ano? Shempre wala pa!" Agad na sagot nito na pasigaw pa.

"Weh? Totoo ba, wala pa talaga? Almost 10months na din kayong mag kasama sa bahay tapos wala pang nangyayare?" Pang iintriga ko dito. Napabuntong hininga ito at tiningnan ako ng masama.

"Bakit, kayo ba ni Garri, may nangyare na ba sa inyo noon?"

Bigla akong natahimik sa ibinatong tanong nito. Siraulo talaga tong si Fabio, ang galing manira ng moment. Sya dapat ang aasarin ko dito, pero bigla nyang nabaliktad yung sitwasyon.

"Wala, walang nangyare samin." Sagot ko dito.

"Eh bakit parang ang lungkot mo dyan? Nang hihinayang ka ba dahil walang nangyare sa inyong dalawa?" Nakangising tanong nito kaya tiningnan ko sya ng masama.

Mr Billionaire's Fake Wife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon